Food Trip: Pancit for Long Life


Tuwing birthday o kahit ano pang okasyon na pampamilya, present lagi ang klase ng noodles of course special mention na d’yan ang patok na patok pa rin na pansit.  Ika nga ito ay simbolo o para sa pagkakaroon ng long-life at good health (Kaya siguro kahit magkanda nganga at layo ng tinidor sa pagkain, bawal putol-putolin). Sa pagdaan ng panahon, mas mahilig na ako sa spaghetti  pero kung may pera doon na ako sa palabok or pancit malabon.

Pansit

Ang gusto ko sa pansit ay hindi anemic – Hindi kulang sa toyo (soy sauce). Siguro nasabi ko na ito noon pero noong high school ako, solve na solve na ako sa limang pisong pansit  na ibinebenta sa  school namin. Mura ba? Oo kasi wala na kahit anong rekado yun miski isang repolyo.  Pero sarap na sarap ako dahil sagana sa tamang toyo tapos may available pang kalamansi palagi at may makukuhaan naman ng patis.

Sa ngayon, isa lang naiisip ko na bilhan ng pansit dahil doon ako nasasarapan- ang Buddy’s Pancit Lucban.  Una malaki ang servings nila kaya yakang-yaka kung salo-salo kayong magkakaibigan. Pangalawa, panalo talaga sa sarap. Pangatlo, may iba’t ibang klase sila ng pansit at ang sikat na nga talaga ay ang Pansit habhab.

Katunayan between bihon at canton, mas gusto ko talaga ng dalawang ruler iyong bihon pero kapag pansit habhab ay napapaisip naman ako.  Isa pa, first time kong kumain ng pansit na ang inilalagay ay suka, kala ko mang-Tomas joke.

May isa ring masarap, iyong na-introduce din sa akin sa office ‘yong sa Orchids

Pancit Malabon

Para sa akin maraming masarap naman pancit malabon (na akala ko name talaga ng restaurant sa Malabon hehehe) pero so far, ang pinakagusto ko ay Dolora’s Hauz of Pancit Malabon. Kumpleto kasi ito sa hinahanap kong rekado at nakakaning-ning ng  mga mata ang color. Ito pa lang sulit na sulit na sasrap at pampabusog, pero iba rin naman kung sasamahan ng order ng puto.

Nagugulimihanan (English-confuse) ako dito at saka sa pancit palabok pero ang pinagkaiba lang ng dalawang ito ay ang uri ng noodles na ginamit.  Ngayon kung pansit palabok ang usapan, okay na sa akin ang nabibili sa Goldilocks, hehehe!

Spaghetti

Wala pa akong nae-encounter na puwede kang magpa-deliver ng spaghetti ng bila-bilao o iyong natikman. Madalas kasi yan kundi yan i-order mo sa restaurant  o magpa-deliver ka na naka- Styrofoam at ata-atado mula sa iyong suking bubuyog o clown.

Subalit, gustong-gusto ko ang white spaghetti/ carbonara sa Amici and The Old Spaghetti House. Sa Pesto naman, ang my first and memorable ay yong sa World of Chicken.  Again maraming masarap na spaghetti sa Pilipinas pero itong mga ‘to yong hindi pa nasisipilyo sa alaala ko.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

8 thoughts on “Food Trip: Pancit for Long Life