Kumpara noong nakaraang taon na sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ako nanood ng Cinemalaya 7, sa Trinoma Mall naman ako ngayong taon. Pagbigyan naman ang feel ng independent film sa mall ‘di ba? And take note tatlo ang pinanood ko, ang mga pinanood ko ay Ang Nawawala (What Isn’t There), Kamera Obskura at Mga Mumunting Lihim.
Ang Nawawala (What Isn’t There)
Full length New Breed category ang film na ito na directed by Marie Jamora at pinagbibidahahan naman ni Dominic Roco. Narito rin sila Annicka Dolonius ( na puwede na ), Dawn Zulueta ( na kahit mommy na ay beauty pa rin), Boboy Garovillo, Marc Abaya (sa isa hindi niya pinakaguwapong papel), Felix Roco (oo yung kakambal ng bida), Alchris Galura ( very effective!), Mercedes Cabral ( na dahil kilala sa indie circle hindi mukhang support), at Kelvin Yu ( na kahit unti ang eksena 2nd effective comedian).
Ang unang kapansin-pansin sa pelikula ay pagsuporta nito sa underground o independent music at maging sa mga lumang kanta. Iyong iba hindi ko na masakyan dahil sa kalumaan at tingin ko masyado ng gasgas para gamitin pa pero okay lang kung ‘yon ang trip nila. Ang maganda lang nabuhayan ako ng loob na hindi lang pala ako ang nagpa-plaka at nagsusuot ng mga kagaya ng sinusuot nilang accessories. Yes, I’m still human!
watch the trailer here
Bilang bida, maganda ang paggamit ni Dominic ng kanyang mata para maipahiwatig ang kanyang mga nararamdaman na hindi niya masabi. Gamit na gamit ‘yon sa bed scene nila ni Annicka. At kung parte ng pag-arte niya ang tamad na tamad sa paglalakad at magmukhang eng-eng sa buhok niya, napaka-effective. First time ko lang makita si Annicka (baka nga first time or ito ‘yong pinaka-bida siya), okay naman. Damang-dama ko sa accent niya na galing nga siyang Tate at interesante na gustong-gusto niya ang Pinoy underground music.
By the way, namataan ko sa movie si Raimund Marasigan (o kanyang bandang Sandwich kung hindi ako nagkakamali), Ebe Dancel, Jugs Jugueta (ng Itchyworms). Bukod pa d’yan ay may super special na participation ang kantang Minsan ng Eraserheads. Nakita ko rin ang mga artworks sa Nemiranda lalo na yung Mirror painting ni Katrina Miranda-Tuazon. Yo, kilala ko raw ang mga artista!
Bilang una niyang full length film (kung tama ako), congrats kay Jamora puwedeng-puwede na. Napansin ko lang ‘yong pagka-indie nito roon sa smoky kissing scene nila Enid (Dolonius) at Gibson (Dominic) maalog ang kuha at kahit doon sa humahangos si Pretty mommy Dawn sa may field para sa bandang huli ay magtaka kung sino ang namatay si Janno Jamie o si Gibs? Maligoy lang ang takbo ng istorya o script siguro dahil sa dami ng sinaksak na ingredients pero panalo sa mga funny punch lines.
next attraction review Kamera Obskura by Raymond Red. Then next-next Mga Mumunting Lihim by Jose Javier Reyes
Pingback: Supporting Filipino Independent Films - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Music is magical | aspectos de hitokiriHOSHI
sosyal
trinoma
at tatlo-tatlo pa ang pinanood
di kana ma-reach, hoshi
don raft3r 150 lang yan bawat isa, sisiw yan sa mga dvd or blu ray mo 450 bawat isa em tunpok pa ang bili mo.
ikaw ang di ko ma-reach noon pa. hehehe
Gusto ko rin sanang sumaglit para manood kaya lang walang akong maaya. Nahiya naman akong mang aya ng strangers hahaha.
okay lang kahit ikaw lang mag-isa. noong pinanood ko ang pelikulang ito ako lang mag-isa. mas mapi-feel mo yung pagiging moviegoer mo kapag mag-isa ka lang. yung mata mo naka-focus lang talaga sa big screen. hehehe
mabuhay! balita ko may campaign para ma-extend ang run nito at sa august mayroon din nito sa UP.
So comedy ba to teh? Gusto ko rin si Mercedes dahil napaka Natural nya pansin ko rin na nawawala na sya sa mga sexy genre!
hindi mas drama sya pero maraming nakakatuwang banat sa punch lines.
natural nga siyang umarte parang walang wala lang sa kanya ang kamera. yes mukhang kumakawala na siya sa ganoong genre. nasa TV na siya di ba?
sayang di ako makapanood ng mga ganyan… 🙁
puwede pa rin naman, puwede kang rumenta ng beta este DVD o abangan ang original copy sa suking tindahan mo. hehehe
mabuhay!
ack ano pa nga ba kundi inggit much!
makakapanood ka rin ng mga ito. at kapag napanood mo na alam mo na kung ano ang maganda. hehehe
mabuhay!
Buti ka pa nakapanood na, sawi kami sa pagpanood bukas dahil wala ng avbl tickets for Bwakaw.. SOLDOUT! hehehe
Mabuhay ang pelikula at musikang Pinoy!
di ba sabi mo mayroon pa sa UP this august? Iyong mga hindi ko napanood this week doon ko na lang habulin. sana lang may extra budget pa.
mabuhay!
Pingback: Cinemalaya 8: Ang Nawawala « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI