Goodbye Multiply: Remembering a Social Media Network


Avid Multiply.com user ako bago dumating ang Facebook at pagkatapos ng Friendster.  Ang tagal bago ako nakumbinse ng mga friends ko na subukan ang ibang social networking sites na nagsulputang  like mushrooms . Kahit naghuhumiyaw na ang email ko sa sari-saring invitations ng kung anu-anong sites  at bumigay na ako sa Facebook at Twitter, sadyang binabalik-balikan ko ang stockroom ng aking digital photos.

Alam mo iyong hindi mo na binabawasan, ini-edit at niro-rotate man lang ‘yong mga pictures, basta upload ka lang ng upload ng laman ng iyong digital camera. Gamit na gamit ko tuloy ‘yan saa paggagawa ng scrapbook, side projects, at paghahalungkat ng memories.  Sa Multiply rin ako unang nakakasagap noon ng mga latest sa mga artista at in fact, dito na rin ako nagre-research ng mga info dahil ginawa na itong instant website ng ilang sikat na personalities. Ang huling sikat na  Multiply user na kilala ko ay ang namayapang Master Rapper na  si Francis Magalona na hanggang sa mga huling araw n’ya ay nag-a-update pa rin.

At dahil naging magandang instant website, ang galing talaga ng mga Pinoy!, naging hub ito para sa online selling o sabihin na nating e-commerce marketplace.  Lumaki ito ng lumaki hanggang sa ito na nga, dito na nag-focus ang management ng Multiply. Isang araw pagbalik ko na lang may sulat ako mula kay Stefan of Multiply HQ sa Jakarta, Indonesia.

Sabi n’ya, sa December 1 daw ay aalisin na sa current form nito ang social networking at content sharing part. So bye bye na sa palitan ng photos, videos, social messaging at blog.   Ang dahilan nila bukod sa gusto nila marahil mag-focus sa pagiging marketplace ay naniniwala silang may ibang sites na mas makapagbibigay ng mas magandang serbisyo pagdating sa social networking. Na-imagine ko raw si Stefan na nagtatampo at nakahawak pa sa dibdib habang sinusulat ang message.hugh williams

Sabi pa e, magbibigay sila ng madaling paraan para ma-download ‘yong mga na-upload na files (kulit lang) sa site o ma-migrate ang mga photos, videos, blogs at iba pang contents sa ibang sites (naka  naman buti pa ang files nama-migrate hehehe!).

Para sa ibang message ni Stefan, check n’yo na ang Multiply account ninyo malamang na-CC n’ya kayo sa mesagge nya sa akin dati. hehehe! Try ko rin sana ang mag-online business sa kanila pero, one year later…

ako yung pang-anim 😉 charr! Photo: Multiply

May nagpa-press statement na si Stefan na closed down na ang Multiply talaga.  Hay ganyan talaga mahirap humanap ng forever lalo na online at sa social networking sites.

Patalastas

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

11 thoughts on “Goodbye Multiply: Remembering a Social Media Network