Part 2: 7 Things I Enjoy in Puerto Princesa


Ito ang part two ng aking adventure sa Puerto Princesa, Palawan. Ang unang pagkakataon din na nakapag-air plane weee at nakapag-snorkeling din ako yeah.snorkeling- puero princesa palawan

Closer Look sa Spratly Islands

Hindi naman kami nakapunta doon, natanaw lang pero na-amaze ako sa pakiramdan na ‘hayon oh iyong Spratly! Dati kinakayod mo pa ang mapa ma-point lang ang kontrobersyal  na island na ito pero ito na kay lapit-lapit na at mukhang peaceful naman.  Ayon sa aming tour guide ay may mga nagpupunta doon ng mga mangingisda paminsan-minsan, to chillax or something.

 Cool views for photography

Dahil sa magagandang views sa buong tanan ng tour kahit medyo walang alam sa photography at mumurahing digital cam ang dala, feeling mo perfect lalabas ang kuha mo.  Magandang views na puntahan na libre  ay sa Karst  Mountain Elephant Cave at  Mitra’s Ranch.

 Food trip

 Actually matatawag mong malas ako pagdating sa food dahil may allergy ako sa seafood.  Mabuti na lang at uubra naman ako sa mga isda at shrimp.  Nakakain kami sa Balinsasayaw at  nagbalak din naman sa Kalui at Bilao at Palayok pero masasabi kong masarap kahit mabagal ng pag-serve ng grilled fish sa Kuyba Almoneca.

Natikman ko rin ang pamosong tamilok, ang makapasalubong ng danggit at kasoy.

sarap na sarap si Kuya Manny

Interesting  People/Stories

May pagka-loner ako (ambivert nga e) pero siyempre sa ganitong klaseng travel iba ‘yong may kasama ka, mas tipid at mas enjoy.  Alam mong ‘pag nagkasakit ka may mag-aabot sa iyo ng medicine, kung may hahanapin kang kainan may makakasama ka, kung madadapa ka may tatawa sabay magtatanong sa iyo na okay ka lang? mga ganung effect. Hohoho!

Nasabi ko na rin ba na gusto ko ng mga interesanteng istorya at tao. Sa Puerto Princesa, hindi mga nakakurbata ang mga guides kundi mga taong puno ng  kaalaman at pagmamahal sa kanilang kalikasan.  Naging buhay ang land tour namin going to Underground River dahil sa mga trivia at side comments ni Ate Malou ng La Tiara Tour, matutuwa ka sa pagbabagong-buhay ng mga nangangalaga ng Ugong Rock Cave, ang boatman na si Jhun ( kaliwa sa pic) na hindi lang pangbangka ang alam sa Honda Bay– pang-photography at snorkeling pa, kay Ate Tess Lacao na may-ari ng napaka-  cozy na  Aniceto’s Pension House ( coming soon po ‘yong treat n’yo sa akin) at sa kanyang anak na isa sa may-ari ng Purple Bamboo Spa na karagdagan sa mga taong nag-inspire sa akin about sa business.

Patalastas

 

Maganda rin sa Puerto Princesa ang disiplina ng mga tao.  Wala kang makikitang kalat sa daan  at payapang kang makakagala. Malayong-malayo dito sa Maynila.

Hindi ko alam kung makakasama ko ulit sila Ate Flor,  Kuya Manuel, Shaira (sunod na ang ating special feature),Maui, Sacee, istariray na si Alexi, Jhovs & Regi, Alexi, Janet at kay Mhona na siyang may pakana kung bakit ako nakasama sa trip na ito, pero Salamat  sa inyo naging masaya at memorable talaga ang trip na ito sa akin. Mabuhay sa atin, Mabuhay sa Puerto Princesa Palawan!

Shaira sa Crocodile Farm

Sila sa Buenavista ViewDeck

[hana-code-insert name=’Palawan Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

29 thoughts on “Part 2: 7 Things I Enjoy in Puerto Princesa