Ang online shopping ang isa sa makabagong way to buy wisely and without hassle . The moment kasi na lumabas na tayo ng bahay ay nag-e-exert na tayo ng ating sources. Hindi libre ang maging commuter at kahit ang gas kung may sarili kang sasakyan. Dagdag pa d’yan ang traffic na kumakain na ng ating precious time. Sayang na sayang naman ang pera at energy mo, lalo na kung hindi mo pa pala alam exactly ang bibilhin mo kung pwede naman mag-browse at mamili sa mga online store o online shopping mall.
Especially sa mga busy people like mothers and young professionals, malaki ang advantage ang online shopping why oh why ?
You don’t need to leave your important duties
Especially ang mga mother, sa totoo lang po hindi po ninyo mai-enjoy ang pagsa-shopping kung bitbit n’yo ang inyong mga anak. Either mai-stress tayo sa kanilang demands or maawa na lang kayo sa kanila dahil sila mismo hirap sa pagsunod sa inyong pagwi-window shopping. Gayon din naman sa magbabarkada na magkakaiba ang hilig at may hindi type mag–iikot sa mall.
You can think twice or thrice before buying
Paano ka nakakasiguro na matitiis mo ang iyong sarili na huwag mag-overspending sa midnight o warehouse sale ng isang mall, kung sinasabi mo sa sarili mo ay “nandito at nagpakapagod na rin lang ako?” Sa online shopping makakita ka ng tempting items gaya nung smartphones, tablets, SLR cameras, toys, baby products, fashion & accessories, kitchenware, at kahit books, movies, and music. Pero dahil nasa PC lan naman ang mga ‘yan, you have the luxury of time or at least ample time to think before you click. Puwede namang i-consider ‘yong trip mong bilhin after mong maligo, mamalantsa, magsuklay, mag-Pilates o kahit magpalit ng diaper then saka mo bilhin.
You know the best price, right away
I know they’re just doing their jobs, pero minsan nakakairita lalo na ‘yong mga sales agent na hindi lamang walang gana sumagot pero parang iritable rin sa iyo. Siyempre gusto mo magtanong-tanong sa presyo at kung may itatawad pa. Sino naman ang ayaw na maka-discount? Sa online store nandoon na kaagad ang presyo at mga deals na lagpas sa 50% na puwede mong patulan.
You can relax your shoulder, back and feet
Isa sa nirereklamo ko sa pamimili ay feeling ko magkaka- scoliosis at rheumatism na ako kahit bata pa ako. Tapos ang haba-haba pa ng pila sa baggage counter. Kapag online wala nito at ilan sa eCommerce site ay may free delivery offer pa anywhere in the Philippines, kung may defect o damage ang product puwedeng ibalik basta sa loob ng 7 days at kung mali ang na-deliver na item, ibabalik nila ang delivery cost mo.
Your money is safe
Isa ako sa mga taong paranoid ‘pag may dalang cash. Aba, iba ang hard-earned money at tapos ‘yong savings for weeks or months ay mawawala lang kung kailan bibili ka na. Pero minsan problema ko rin ‘yong kulang na pala ang cash ko. Ang isang advantage sa pag-o-online shopping ay ‘yong paying scheme like puwedeng gumamit ng credit card, Paypal, Dragonpay, G-cash, bank transfers at COD or Cash on Delivery.
Marami pang advantages ang pag-o-online shopping pero mayroon din naman na risks. Ang mainam n’yan ay bilang mamimili may alternative choices at marunong kang gumamit ng iyong resources.
Mabuhay!
sabi na e. yaman talaga ni don raft3r! try mo rin sa iba.
i love online shopping
tambay ako ng amazon
hehe
Kilala na ko ng LBC delivery boy dito sa amin kasi there was a time na 2x a week ata ang deliveries ko. Convenient talaga. Yun lang we have to be cautious pa rin; buy from trusted sellers and websites.
Correct ka dyan MGVDR! malaking tulong ang ganito lalo na kung alam mong gamitin at naroon pa rin ang iyong pag-iingat.
mabuhay!
Malaki talaga convenience ng online shopping. Although I would like to add na medyo mahirap sa online shopping kapag may sizes involved – gaya sa sapatos at sa damit. Kasi depende sa nagbebenta yung klase ng sizing nila. Sa iba pwede naman ibalik, pero mas hassle ang returns kapag walang physical store yung nagbebenta at online naman.
Sa experience ko though, mas mura din yung online shopping – lalo sa gadgets, kasi walang binabayaran na pwesto or tindera yung seller kaya mas nakakamura ka. Basta mapagkakatiwalaan yung nagbebenta. Marami ding hard to find na bagay sa physical stores na mahahanap mo sa online sellers. Maganda rin yung second-hand market online.
Oo e ikaw ang isa sa mga nakikita kong acting online shoppers. hehehe!
thanks sa additional tips mo, sasama ko yan next time na mag-order ako. hehehe
mabuhay!
I never tried shopping online kase minsan natatakot ako. Pero will try. haha! Marami akong nakitang magagandang items sa lazada eh.
yeah try mo at least once. kung ay takot ka, try mo muna sa small amount.
mabuhay! then tell me your experience.
mabuhay!
di ako masyadong fan sa online stores 😉 love shopping kasi. gustong gusto ko yung namimili ako. hehehe. pero i do buy ebooks in ebay. so kelangan parin gumamit ng plastic card which nakakatakot pag bogus seller naka tiempo
tiempo na tiempo sa iyo ang article na ito, hehehe! mabuti sa mga mahihilig mag-shopping ang mag-browse muna sa site like lazada. to compare na rin ang prize, malaman yung iba’ibat ib;ang products. who knows baka yung matagal mong hinahanap na sa kanila lang pala. hindi mo na kailangang lumabas.
pagdating talaga sa anumang transaction na may kinalaman sa pera kailangan ang pag-iingat.
dito na ako sa us natutong mag-online shopping. mas madalas na mas mura at mas convenient (pag free shipping). salamat sa amazon. how about sa lazada, mas mura ang presyo nila?
baku di ko ma-compare ang price ng 2 pero okay naman ang lazada.
I couldn’t agree more lang sa “Your money is safe” Lalo na kung credit card ang gagamitin mo. May iba kasi na nangloloko din online. Pero mostly naman safe. Kaya dapat matalino din 🙂 Agree ako sa iba na sinabi mong advantanges. Happy online shopping 🙂
mahirap talaga ang gumamit ng credit card actually. medyo ilag din ako dyan in general. pero lately naman nakikita ko naman yung advantage nyan especially kung marunong ka naman mag-manage saka yan talaga ginagamit online. ingat-ingat lang din.
mabuhay!
I thought na lalaki kapo. Nakakaconfuse kasi yung name ng blog mo. Pacnsya napo at parang lalaki ang kausap ko sa blog mo.
Peace ate 🙂
Ahihi 😛
hahaha, no problem at okay lang. hindi rin naman ako palabanggit ng personal info about me. read between the lines lang ang peg ko.
haha para pala akong lalaki magsalita. buti di mo naisip na parang bading kasi may mga pagkatsikador ang mga structure ng sentences ko.
walang ano man!
Nakapagtry na rin kami mag online shop several times especially when looking up for specific hard to find things sa mga malls. Like costumes for our baby, hehehehe.
kadalasan yung nakatransact namin either COD o kaya naman, paid thru bank accounts. di pa naman kami naloloko. I also recommend online shopping pero dapat talaga, check din ang reputation nung pinagbibilhan kung authentic.
agree mo ako sa sinabi mo kuya na maiging i-check ang reputation ng company.
and mabuti rin na so far okay din ang experience nyo. Cheers!
hehehe. oo nga eh. saka ingat din sa mga trigger happy. Di kasi feel agad na marami na pala nagagastos pag online shopping ang ginagawa unlike sa totohanan na hawak mo yung dami ng nabibili. dito e digital lang shopping cart. 😀
Oo nandun din yang risk (risk daw talaga) pero nasa eq na talaga yan ng mamimili. think-think-think before buying.