Sparkbook tawag dito dahil nandito ang lists of things that give me inspiration, motivation, positive vibes and reminder ng mga blessings na mayroon ako. Dati na akong na-inspire na gumawa ng isang sparkbook pero ‘yong una ko ay talagang scrapbook ng mga achievements ko or things na I wish to do. Ayun ang gulo lang, iyon na rin kasi ang first scrapbook ever ko kaya this time talagang journal/ planner na.
The Spark of blessings
Last year pa ibinigay sa akin ni Jen Syngkit ang book na ito as a gift bago siya mag-abroad. Ang gulat ko lang nung binuksan ko ito for the first time kasi weeks before noong gift giving n’ya ay nagpunta pa ako sa The Reading Room sa Cubao Expo. Nakakita ako noon doon gaya nito tas gandang-ganda ako na wish ko ng mabili pero dahil limited ang budget at may iba akong bibilhin kaya reject ang idea. Hindi ko nagamit kaagad ito dahil binabalak ko nang gawing journal/planner. Ang pangit naman magsimula ‘di ba ng hindi man lang January. Pero muntik ko pang makalimutan ang idea na ito dahil nate-tempt ako sa isang nakakatuwang local planner na may free shipment pa.
The book for positive results
Sa dami ng long term and short term goals ko sa buhay and unfinished business, aminado akong pati ako hilong talilong sa gulo ng mga notes ko sa sarili ko. Kumusta naman ang taong malista na may notepad, small notebook, daily organizer, white board and word and excel file sa mobile phone? Tapos mahilig pang magtago ng articles, magugupit ng pictures and magsusulat ng mga inspiring words. Kaya nga maganda ang magkaroon ng iisang book para everything in one place. Teka ano ba ang laman ng sparkbook ko so far?
- Mission and Vision for 2013 o kahit man lang sa paggamit ng Sparkbook na ito – ex. Go paperless
- Prayer Requests and Answered Prayers – ex. matupad aking birthday wishes (ayaw i-reveal)
- Gift cards and messages from my friends – hahaha natuwa sila nung ipinakita kong itinago ko pa
- Books to Read ( bago maging tuluyang display sa shelf) – Lumayo Ka Nga Sa Akin, Malictionary 2, Filipino ng mga Filipino, Entrepreneur: How To Finance Your Business
- My notes and plans for my personal finance – ex. How to build my Mutual Fund
- Possible income-generating endeavors – ex. sell second hand books, online selling etc.
- List of movies, TV series and videos, I wanna see – ex. Les Miserables, Atsay, Hatchiko etc.
- List of Food and Restaurants to try – food trip in UP Diliman and Binondo
- Updates in my Blog life – blog contest for my Hoshi Sr.
- Inspiring notes for career
- Places that I want to visit – Davao, Bukidnon, Bohol, South Korea, Japan
- Major Shopping List – Tablet, DSLR Camera and Portable Hard Disk
- Things I want to Learn – example: basic make up and speak Portuguese
- Things I want to try – write children’s book- Hello Lampara!
- Good Deeds- ala 100 Days to Heaven
- Art projects – pagtahi ng mga t-shirt na gagawin kong laptop sleeve at pag-reinvent sa pumangit ko ng bag
- Updates sa aking mga on-going projects – dental braces, trip to South Korea
- Business ideas – ex. Tricycle
- Important Notice – huwag na alamin
eto nalang pala sana ang binili kong planner lol! mas useful to at cute, same sa binili kong witty planner hihihi! <3
Pingback: 5 ways to Achieve you Dreams in 2014 | aspectos de hitokiriHOSHI
hehe galing naman hehe. sna pala binilhan kita ng isang dosena hehe tc. ngyn lng uli ako nakabisita sa blog mo.
ung blog ko nbbisita ko kaso d nmn ako makapag post hehe
tc
eh kung bibigyan mo ako why not di ba?
ako rin medyo bumabagal na rin mag-post pag-uwi ko pagod na ako pag day off naman house chores. chur! hehehe
nakakatuwa at nakaka amaze ang mga taong masipag mag journal. nung hiskul ako, meron kami journal. tamad akong gumawa ng pang-araw araw tapos chinecheck yun monthly ng teacher namin. ginawa kong design mga teks at stickers ko ng dragon ball at ghostfighter tapos kulay kulay lang ng kung ano ano. tapos ang laman, dahil di ko nga nasusulatan araw araw eh mga lyrics ng kanta, salita sa commercial at kung ano ano pa. e di naman binabasa ni teacher, basta may laman ok na. hahahaha.
ang astig ng journal/planner mo. detailed and organized. idol ko talaga si madam hoshi. 🙂
wahhh ako talaga? hehehe
pero salamat Sir sa iyong pagbati. thank God yung ibang bagong entry dyan ay natupad na. pero tuloy pa rin naman ang mga kabagayan at sana maging okay din yung iba. kailangan ko lang matutuhan ngayon ang mag-prioritize at magkaroon ng focus.
mabuhay sa iyo! ako rin tamad din minsan. hohoho!
oo naman, idol ko si madam.
ako rin kasi may mga ganyang mga kung anik anik, planned books to read, to dos, mga target investment at pagkakakitaan at kung ano ano pa. kaso kalat kalat na notes sa phone, sa laptop, sa kung saan saan. so minsan nawawala na rin tuloy. hindi organized. hehehe
appear tayong goal-oriented pero hindi masyadong organized. hahaha!
ako minsan sinamsam/iniiipon ko yung mga listahan ko ( pag sinipag) cross out ko lahat ng tapos na saka ako gagawa ng talagang master list na. minsan din kasi nakakaisip ka ng ideya na dapat at gusto mong gawin habang nasa bus ka or resto so kung ano lang ang available na materials na nandyan yung kukunin mo right ( like tissue).
oo ganoon na nga ata, itsa ko na lang sa iyo pag di na kaya ng powers ko. hohoho!
sparkbook
nakakatakot
parang liliyab anytime
Pingback: What’s your career path? « kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
at mahaba din ang reply..LOL!!
hehehe! sinuklian ko lang ang nakaktuwa mong comment. hehehe!
gagawa rin ako ng sparkbook…:))
go go go girl!
maganda naman ang journal at sana magkaroon ako ng ganyan…pwede pang humabol since hindi pa naman tapos ang first month of the year… gawa kaya ako…
gudlak sa iyo…
hi Senyor Iskwater and Welcome Hoshilandia.com!
Puwedeng -puwede naman! i think ang maganda naman dito sa journal na ito ay depende sa iyong mga goals ang takbo ng panahon. may long term and short term goals din naman tao.
maraming salamat at good luck din sa iyo!
parang di ka talaga nauubusan ng creative ideas!!
‘yong basic make up, sa youtube madami.Pwede ring aralin. Sa TESDA yata may cosmetology na course.
‘yong Les Mis gusto ko ring mapanood! Maganda kasi iyong sa book.
‘yong 100 days to heaven, ita-try ko yan.
Nabasa ko na ang Lumayo ka man sa akin at napanood ang Hatchiko.
gusto mo rin pala maging business man, try mo basahin ang rich dad, poor dad na libro.
At pag nakarating ka na sa South Korea, ibalita mo sa amin!Gusto ko rin pumunta doon.
Ang haba na ng comment ko!..LOL…nakarelate kasi ako. Good Luck and God Bless sa mga plano mo! Happy 2013!
wah salamat sa iyong mahabang comment, I like it!
oo inumpisahan ko na yang tingin-tingin dyan sa make up basic na yan. feeling ko kasi mas alam ko talaga ang gusto ko sa mukha ko. hoho!
apir tayo sa Les Mis! tingin ko mpapakanta ako sa loob ng sinehan.
sige gawin natin ang magagawa natin sa bagay na yan.
sige babalitaan kita pag nabasam napanood at nakarating na ako ng south korea. bukas na bukas ang coverage ng hoshilandia sa trip na yan. hehehe
Ang cute naman ng journal mo na yan. Saka parang gratitude journal na rin lumalabas. Nice. At talagang nakatago pa ang mga notes at gift cards.
ay, pareho tayo ng nasa list mo sa #12. Nabili ko na yung isa dyan. Isang taong pinag-ipunan hehehe. Yung isa, pinag-iipunan ko pa hehehe
yung #14 mo, i might be able to help. sabihan mo ako pag tapos mo na ang manuscript hehehe 😉
wow thank you sa offer mo Nortehanon, sana magawa ko nga this year.
Oo nga sana matupad ko ring yang mga nasa #12. tiis ipon lang din ang kailangan ko.
Mabuhay!
ang cute naman ng planner na yan.
pero dahil may planner na ako eh next time na lang yan. hakhak!
suggest ko sa’yo ang papemelroti para mas mapaganda mo pa yang planner mo. maraming anik anik na pwedeng ilagay sa planner..
Hi eloiski and welcome back sa hoshilandia!
naku hindi siya normal na planner talaga. basta isang maganda syang book a puwede mo ring dikitan at sulatan basta. ginawa ko na lang din na sparkbook para mas bongga.
parokyano rin ako ng papemelroti!