Party Souvenir? Photo booth!


In every occasion parang kulang if you don’t have picture. Yung with yourself, with your family or friends and pagkain na nilalantakan mo kanina pa. Paano naman kung may effect pang props tapos sige lang kayo sa kaka-pose. Kahit ata hindi ka photo addict, gaganahan kang magdrama sa isang photo booth, like sa Pixo Hub ni Sarah.

Party needs business

Iilan pa lang ang chance ko na mag-photo booth at kung hindi ako nagkakamali ‘yong first ay sa Tsinelas Festival ng Liliw Laguna, how special!  Kaya siguro hindi pumasok sa kokote ko na magkaroon ng ganitong business, kahit panay ang sabi sa akin ng ate ko na gusto niya ng party needs business like yung may table, chairs, balloons, hats, clowns at puwede ring may videoke pa.  Tingin ko kasi kailangan ng strong marketing at paghahanap talaga ng client para dyan. Hindi ito yung tipong maghihintay ka ng lalapit sa iyo.

Kaya naman sobrang na-amaze ako kay Sarah na mag-put up ng ganitong business na swak na swak sa personality n’ya. She’s a natural artist as she’s also a singer, guitarist, and professional graphic artist.  .

Pixo.Hub Photo Booth, why you need it

For me kasi…

1. To entertain your guests.  Hindi mo na kailangan palaging nakatayo sa harapan nila para hindi naman mabato. Tama ng malaman mo na nakakain sila at kung may time ka na, saka na kayo magkuwentuhan.

2. To give them instant souvenir. Usually ang alam nating souvenir ay yung nabibili sa Divisoria, yung  figurine na swan, sapatos, at wine glass. Sa photo booth, may instant na souvenir/ memorabilia ang iyong mga guests na sure kang trip nila. Pag hindi nila nagustuhan parang kasalanan na nila yun. Ang pangit ng rehistro nila sa kamera. hwahahahaha!

3. To go beyond the usual picture taking.  Alam mo yung may isa na magsa-sacrifice na  wala sa picture para maging cameraman, mag-e-extend ng kamay ng pagkahaba-haba o kaya magse-set ng timer tas hahangos kung saan nakapuwesto na ang lahat. Nagawa ko na mga ‘to several times na obviously nag-manifest sa mga pics. Either wala ka sa frame or nandoon ka pero mukha ka lang stressed.  Sa photo booth ang challenge ay magmukhang cute, maganda, nakakatawa or emo with available costumes sa magic box. Puwede kang magsuot ng mga naiibang salamin and hats and then kasama pa ang iyong mga kaibigan. Ako nasu-sweetan ako sa mga magbi-BF na naggaganito ‘wag lang OA na ayaw nang magtigil.

Patalastas


Syempre iba ito sa coverage type na susundan ng camera ang buong event. This is pure fun na lahat ay maaaring makisaya at  magkaroon ng interaction. Baka nga puwede mong hilahin yung crush mo, si Titong masungit or si pinsang mataray na magpakuha kasama mo.

With Sarah’s Pixo Hub Photo Booth, I think reasonable na ang price niya lalo na kung within Metro Manila ang client. Of course iba na ang provincial rate.

Yes Hoshilandia Endorses and Recommends

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

6 thoughts on “Party Souvenir? Photo booth!