Tell me about your Business


With the advent of more affordable avenues to spread news or to market/ promote something, nakakapanghinayang na hindi ito na tini-take advantage  ng mga entrepreneurs.  Bilang isang customer, may mga  pagkakataon na wala akong makitang  solid na info sa isang produkto o serbisyo. So how can you tell me about your business?

Market of Hoshiset up Facebook Fan Page

this is free and it will not take much of your time especially kung active ka naman talaga sa pagpi-facebook. Lalo pa itong iinit sa pagsasara na rin ng Multiply. You don’t need to post every hour basta just post pictures of your store, products, and services. Siempre don’t forget to fill out yung about page which is very important too. Importante na malaman ang address, telephone number, at ano ang mapapala naming mga customer sa iyong negosyo.

 Blog about your business 

hindi naman sa bias ako sa mga bloggers pero sa totoo, mas mga blogs ang lumalabas  sa first page ng Google once na nag-search ka.  Again, may libre na blog platforms at I recommend WordPress, Blogspot, and Tumblr.  

Introduce your self through Linkedin and Twitter

Hindi ko alam kung mahilig lang din ako, pero  sa ilang nababasa ko talaga namang effective ang mga ito para makapag-pakalat pa ng info about you as a businessman at sa iyong mga pinagkakaabalahan.  Remember na you should act professional and tweet only relevant information. Off siempre na mag-post na walang kinalaman sa business o hindi matino. Madaling mag-follow pero madali rin mag-unfollow.  I suggest  set up ka na lang ng separate account if you like privacy or for your personal rants.

be visual with Youtube and Pinterest  

try to search ng ilang keywords na related sa iyong business more often than not ang lalabas na suggestion ay video or images. take advantage of  that, sa pamamagitan ng pagpo-post ng video at pictures hindi lang sa facebook kundi sa kagaya ng pinterest at flickr.

Siempre marami pang iba dyan pero most likely,  ito ang nakikita kong basic na libre at simpleng digital marketing.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

3 thoughts on “Tell me about your Business