Savouring 2 Dunkin Donuts’ Premium Donuts


Between sa Dunkin Donuts and Mr. Donut, mas trip ko ang ini-endorse nila Michael V and Ryzza Mae Dizon iyon ay dahil gusto ko ang timpla ng chocolate nila. Pero may isa lang ditong product na mas gusto kong binili sa ini-endorse ni Derek Ramsay,  ang Choco Butternut. And currently, nag-iiba na ang hangin dahil lagi na akong napapadpad sa Dunkin dahil sa kanilang 2 Premium Donuts – Choco Nirvana and Queso Duo.

Choco treat from new colleague

Nagsimula akong matakam sa Choco Nirvana (₱35) noong bigyan ako ng office-mate ko nito. May promo kasi na 3 for 100 ang Dunkin para sa kanilang mga Premium Donuts na kanyang in-avail. Noong una,ayoko pa kasi powdery ang ibabaw nito. Ang linis ko po naman kumain! Pero nung ninamnam ko na ‘yong powder, doughnut at maramdaman ko na ang burst of chocolate filling nito, wow-type ko na!

Minsan nga dahil sa cravings ko, ito lang ang ginawa kong tanghalian hehehe.

Choco Nirvana

Ang Queso lang

Dahil ewan nataranta ako sa 3 for 100 promo nila, ay 3 times ko na ata in-avail ito kahit tutuusin ay 5 pesos lang ang differences at sobra-sobra na sa appetite ko ang 3. Pero doon ko naman na-try ang Queso Duo (₱35) for variety naman di ba?

Sabi ng partner ko sa work, Parmesan daw ang cheese na ginamit dito. Siguro ‘yong powder pero ‘wag ka pagkagat mo cheese pero pag nilasap na ng dila mo yung flavor matamis na. Ito naman latest comfort food ko, pang- break sa matsokolate kong diet.

For Frugal Foodies?

Since iilan lang naman ang doughnut company sa Philippines, ang premium donuts ng Dunkin Donuts ay masasabi namang  mas affordable compare sa ibang latest foreign brand of doughnuts sa bansa. If you’re looking for perfect tandem for your coffee, isa na ito sa magandang choice.

my other  favorite doughnut? J.CO Alcapone 

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

11 thoughts on “Savouring 2 Dunkin Donuts’ Premium Donuts

  • Nortehanon

    Mukhang masarap nga, at recommended mo pa. Sayang, walang Dunkin’ sa Samar hehehe. Mister Donut lang talaga.

  • sasaliwngawit

    hello, hoshi… mahilig rin me sa donut, hihi. ita-try ko yang Dunkin premium na ‘yan. recently, mas Jco ang kausuhan, so Jco ang ipinapalibre ko lately, hihi. gusto ko pa rin ang glazed donut ng Krispy creme (although matamis).

    sa kape, may isang iced coffee ang Dunkin, gusto ko… pero sa hot coffee, mas gusto ko ang sa Mister donut, haha. gusto ko donut kasi mahilig me sa matatamis and, ang simple nyang pagkain, ahaha. yun na sya (pagkain ng gaya ko, tamad when it comes to food). hullow… 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      siguro kaya lipat din ako sa dunkin kasi wala na akong kasama mamili ng maramihan. masyadong mahal paisa-isa ang JCO hehehe.

      pero tama ka sa doughnut, yun na yun. wala ng pala-palaman, linga-linga o budbod-budbod. hehehe

  • Rogie

    Isa ang donuts sa paborito kong kainin. 😀

    kahit anong brand, mr. donut, dunkin, gonuts, jco, krispy kremes, etc. lahat natitikman ko and di ako nagdidiscriminate. kung ano available yun binibili ko.dati ang madalas ko miryendahin sa megamall yung sa gonuts combo na dulce de leche with coffee. by the way, local brand din ang gonuts donuts.

    tapos bumibili lang ako ng krispy kremes and jco pag maramihan ang need ko bilhin. pero fave naman namin ng anak ko ang mga munchkin ng dunkin o kaya yung counterpart nito sa mr donut. yun ang baon namin pag umaalis kami ng weekend. pagkain niya lalo pag pupunta ng simbahan. hehehe. ituturo pa niya yun pag dumadaan na kami dun.

    • Hitokirihoshi Post author

      damang-dama ko talaga ang pagka-love nyong mag-ama sa doughnut a. in fairness naman kasi nakakabusog at masarap talaga ang mga ito lalo na kapag na-swak pa sa hinahanap ng panlasa mo.

      naku alam mo ba, kahit anong like ko sa doughnu, hindi ko ma-tripan ang bavarian na madalas kong mabanggit na barbarian. hehehe. magagalit tuloy sa akin nyan si Conan. hehehe