Magagalit naman si Chantal Umali kung sasabihin ko na hindi guapo si Carlo n’ya na si Patrick Garcia na unang sumikat sa Ang TV, nye!!! Pero true marami sa mga kaklase at kaibigan ko ang patay na patay sa kanya noong teen star pa siya. Noon kasi ata kapag ang lalaki may braces parang automatic cute. Angat lang s’ya sa iba dahil magaling s’yang pomorma at sumayaw.
I’m pro Anna Larrucea
Kung hindi mo na naitatanong o naalala, bago pa pumasok si Paula Peralejo ( yes sister ni Rica Peralejo) na naka-love team ni Patrick sa Tabing-ilog ay nagkaroon na rin sila ng tambalan ni Anna Larrucea (Baby Love and Magic Temple). Hindi ko tuloy malaman kung ‘yon ba ang dahilan ‘bat ‘di ko naging trip ang Sunday teen drama na yon or ‘di ko lang kasi sila ka-generation. Basta alam ko lang doon nagka-develop-an sila John Lloyd Cruz at Kaye Abad, Jodie Sta. Maria at Baron Geisler, at Paolo Contis and Desiree del Valle.
Kung nagtatanong ka kung saan nagtambal sina Patrick at Anna? Sa original na Mula sa Puso starring Claudine Barretto, the late Rico Yan, Diether Ocampo, Jaclyn Jose at ang peste este feisty na si Celene o Princess Punzalan. Namatay doon si Anna na si Nicole na anak ni Celene.
Hearthrob sa Drama
Kung makasama ay naglalakihan at beteranong artista masuwerte rin s’ya. Lagi s’yang anak ng bida na hindi mo puwedeng i-delete sa eksena. Naging anak rin ata siya ni Maricel Soriano sa isang peikula pero mas naalala ko sya sa pelikulang Madrasta starring Sharon Cuneta at Christopher de Leon. Nanay naman n’ya si Zsa Zsa Padilla sa film nagbigay sa kanya ng acting award-ang Batang PX. Parang tinawag pa nga s’yang Golden Boy of the Philippine Cinema that time. Bida rin pala sya sa Rollerboys.
Kabi-kabila ang kanyang movies dati pati na rin TV shows-siempre kasama s’ya sa cast ng GIMIK at Richard Loves Lucy pero bigla toink parang nawawala sya sa eksena. Naging support hanggang isang araw nalaman ko na lang nangibang bakod. Ayoko naman maging chismosa at wala naman akong proof sa balita ko, so bukas ang blog na ‘to sa panig ni Patrick (may ganoon!?).
Nabigyan din naman s’ya ng good projects sa GMA. S’ya ang kontrabida-friend ata ni Richard Gutierrez sa unang labas ng Captain Barbell at may mga drama series s’ya sa hapon. Let’s say na kahit isa s’ya sa naging big star sa Kapuso network , enchende naman na may nauna at may homegrown talents sila.
Nung makita ko s’ya in person, ‘yun din ay yung press con ng Angels ni Angel Locsin. That time ay mag-syota pa lang sila ni Jennylyn Mercado at makikita ang kilig tsubaness nila sa isa’t isa. Eh sadyang ganyan ang love. Love Moves in Mysterious Ways ika nga ng revival ni Manay Nina.
Back to Kapamilya
Gaya ni Carlo Aquino ay balik Kapamilya na rin si Patrick na isa sa star ng remake drama series na Annaliza. Honestly, I can’t think of any roles na bagay kay Patrick na talagang magmamarka. Magaling sya sa Batang PX at sa mga drama series nya noong teen star siya pero parang ‘di nagbago o hindi s’ya nag-evolve. Nandoon yung potential pero namimili ng karakter at hindi kasing intense ng bato ng linya nila Dennis Trillo, Jericho Rosales, at Piolo Pascual. O hindi ko pa lang s’ya napapanood na nanlilisik sa galit.
But an artist is an artist, makakahanap ito ng way na magkaroon ng outlet para kuminang. Sana mahanap n’ya yun. Saan na nga ba ang Diary ko nang makuwento ko na kung ano update sa amin ni Carlo. Hehehe!
Pingback: Movie Review: Ang Diary ng Panget | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: I…You Piolo Pascual!!! | aspectos de hitokiriHOSHI
hello baby girl!!!! Oppa!!!
Hi Macci! Welcome sa Hoshilandia!
Wahh naku nae-expose pa lalo ako sa iyo. suerte nakita mo na ako in person. wahahaha!
Mabuhay and more power din sa pagba-blog!
hello, hoshi… ang ganda nito, one of your best posts, i think… 🙂 informative (historical pa, ahaha), may depth and range (sa usapang showbiz, hihi), may insights somehow sa human nature and sa popularity, may pahiwatig sa pagkaintindi ng love (oo, kapatid, sinong maysabing wala ka no’n? peace) at sa human nature. pero, pero, ang pinaka-nagustuhan ko yata, bandang huli – ang pag-project that creativity and the human, the artistic person will hopefully find his way. yan naman…. 😉
ei, gusto ko ang theme ng site mo, anlinaw… 🙂 btw, when you’ve more time, kapatid, do edit the article some more (pasensya na, humihirit ng gano’n) – may ilan pang typos at ilang kulot (nagkukunwari lang judge sa the voice of the phils., hehe). sa pangkalahatan, it is a well-done article, like na like. keep on writing. 🙂
mag-comment ka, dear, pag napaparaan sa may amin, hala… ba’t nyo ako iniiwasan, wala akong ketong. peace! 😉 warm regards, hoshi….
Salamat sa iyong compliment and commentary about my writing. gusto ko ang mga ganyan. Aminado nga ako na lalong ma-error ( kasi may grammatical and typographical errors na rin yung mga past articles ko) dahil alam mo ba, naghahanap pa talaga ako ng time para makapag-blog. Yung ibang post ko rito ay mula pa talaga sa pagkaka-type ko sa phone ko (Thank God my MsWord sa Old Nokia Phone ko).
Maraming salamat and mabuhay, hayaan mo siempre magagawan natin ng paraan ang pagbisita sa iyong pooksasapot. Ikaw pa!
I don’t know much about Philippine showbiz but at least I know Patrick Garcia. I know he acts very well and he’s definitely good looking 🙂
Hi BlogRunner and welcome in Hoshilandia!
yeah i agree and I hope one day he will take lead roles again.
basta ako, ultimate kras ko dati si Chesca Garcia. ehehehehe. naunahan lang ako ni doug kramer. yun ang plano ko pa naman din, maging varsity tapos maging PBA player tapos liligawan ko si chesca. wahahaha
naku mahaba pala ang journey na kailangan mong tahakin para kay Cheska. IBig sabihin ibinigay sa iyo ang nararapat at hindi ka mahihirapan. Pareho pa kayong masaya . 😉
pero maganda sya in fairness talaga.