J.CO Donuts, expensive but sulit 15


Once nasarapan ako sa isang pagkain gaya ng  J.CO Donuts & Coffee ay hindi ako  titikim ng iba (expensive brand of donuts) hanggang hindi ko pinagsasawaan iyon o maisip ko na lang na  sumubok naman ng iba.

Ito ang (farang) sagot ko kay Tim (thank you nga pala sa libre) nang tanungin niya ako kung ano ang kinain ko sa treat nila ng VerJube (thank you sa inyo bongga!) donut para sa birthday girl na si Len. Paano kahit may iba pang pagpipilian ay isang flavour lang talaga ang kinakain ko. Pero medyo nanghinayang din naman ako, bat nga ba ‘di pa ako tumikim ng iba since may chance? Eh kaso kasi libre na so kainin mo na ‘yong gusto mo kainin.

Second time ko pa lang nito makatikim ng donut na ito na gawa ng isang Indonesian company. Kung hindi ako nagkakamali ay Oreology ‘yon una na pinatikim lang din sa akin.  Sabi ni Len ay mabiling-bili rin ito sa Trinoma Mall (North Ave, QC) na kung saan nang pumunta sila ay mahaba ang pila. Naisip ko tuloy ah hindi nga naghihirap ang Pilipinas.

Ang J.Co kasi ay isa sa maituturing na expensive brand of donuts sa bansa. But compare sa  ibang brand ng mamahaling donuts na natikman ko ay ito ay sulit at puwede talaga akong mapagastos. Sa sarap pa lang na hindi over sa tamis at malambot na tinapay ay approve na sa akin. At saka makakamura ka rin lalo na kung mas marami ang binibili mo especially if one dozen na kaagad. Puwede na maghati-hati ng bayad ang isang grupo o pamilya na gustong makabili nang sulit.

Nga pala ‘yong sinabi kong flavour, na ‘yon nang ‘yon ang kinakain ko, ay ang alcapone na balita ko ay binuhusan ng Belgian white chocolate at binudburan nang Californian almonds. Sabi nila masarap din daw ang kape dito na more or less ay kasing presyo rin ng ibang kape na umi-stariray.J. Co doughnut

Ang J.CO sa SM Megamall ay nasa The Strip sa Mega B (oo ‘yong nasa labas) tabi-tabi ng Mang Inasal at Giligan’s.

Ikaw ano ang masarap na donuts ng J.CO para sa iyo? Sa Kape?


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

15 thoughts on “J.CO Donuts, expensive but sulit