Movie Review: Gabriela starring Tin Patrimonio


Gabriela Poster_web sizeAng film na Gabriela ay pinagbibidahan ng Pinoy Big Brother Teen edition  ex housemate Christine “Tin” Patrimonio.  Isa itong epic film  tungkol sa mga bayani ng Ilocos na sina Diego (Carlo Aquino) at Gabriela (Christine) Silang. Ito ay mula sa direksyon ng former actor na si Carlo Maceda at sa panulat ni Frank Rivera.

(Invitation! please  SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more movie reviews and showbiz stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

For me, tama lamang na imbes na adaptation ng mga foreign series ang gawin ay isapelikula na lamang istorya ng ating mga bayani. Sa ganitong paraan ay maipapamulat natin sa mga kabataan ang personalidad nang nakalipas na minsan ay kinababagutan nilang  basahin sa libro ( but of-course Reading is reading). Nasa tama, ganda at nakakahalinang presentasyon lamang ang kailangan para maging kapana-panabik ang pelikula gaya noon sa Rizal sa Dapitan (Albert Martinez), Jose Rizal (directed by the late Marilou Diaz-Abaya and top billed by Cesar Montano).

Strong supporting cast

Sa pangunguna nila Ricky Davao, Carlo, Jeffrey Santos, Iris Lapid, actor na gumanap na Carino, Obispo doon, at BJ Forbes. Masasabing naisalba nila ang ilang flaws ng flow ng story.  Like nung binaril nila Pedro Becbec (Iris) at Miguel Vicos (Jeffrey), nandoon ‘yong guilt matapos nilang traydurin si Diego, which is by the way, isa sa gusto kong effect sa film nung binaril nila at tumalsik ang dugo ni Diego.

Ang kakabubuwesitan mo sa film ay si Ricky na wala pa ring kupas, habang ang bibigyan mo ng simpatya ay si Carlo, ang isa sa tatlong may malaking papel sa pelikula. Bagay sa kanya ang role, hindi OA at hindi rin underacting. Lalaking-lalaki s’ya dito na puno ng sari-saring emosyon.

Screenplay=Defocus

May high points and low points ang pagkakalahad ng istorya pero generally ito ay chopsuey. Tama si Irene, my fellow moviegoer, maigi kung Silang na lang ang title nito. No offense kay Tin ha, pero ganun yung dating ng story dahil sa haba at halaga ng mga katauhan nina Diego Silang, Carino, and especially Lucas.

Speaking of Lucas na ginampanan ng dating child actor na si BJ “Tolits” Forbes (na hindi ko nakilala kaagad), puwedeng masabing pelikula n’ya ito. Hindi lamang kasi s’ya nagkuwento kundi kasama s’ya sa istorya’t pakikipagsapalaran nila Diego at Gabriela. Mas madadama mo pa ito sa eksena kung saan dinukot, pinarusahan at pinakanta s’ya ni Padre Juan (Ricky Davao) na in fairness mahaba at madamdamin. Pero kung tatanggalin o binawasan ang angle ni Lucas, mas mabibigyan ng focus sana sila Diego at lalo na si Gabriela.

Nakakatuwa rin ‘yong twist ng story ng pinupuntahan ni Diego sa Maynila na kung saan mayroon s’yang ka-affair na babae (Mara Lopez).  Bukod d’yan ay tanging sa eksena n’ya nagkaroon ng comedy sa pelikula though medyo awkward.

Patalastas

part 2.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

3 thoughts on “Movie Review: Gabriela starring Tin Patrimonio