Blogapalooza: Because We Need To Interact Online, Offline


BlogapaloozaWordcamp and iBlog pa lang ang napupuntahan ko na  partcular event para sa mga bloggers.  Kaya naman gusto ko rin ma-experience ang Blogapalooza  na kung saan magmi-meet ang mga bloggers at ilang businessmen. Kailangan din talaga ng interaction online and offline when it comes sa blogging ano?!

Movers  meet Spreaders

As a blogger I’m open for promoting promising and interesting companies, gusto ko maka-meet at maka-interview ng mga taong lalo pang magpapalawak ng aking kamalayan  tungkol sa entrepreneurship.  Masaya ang makarinig ng inspiring stories lalo na sa mga businessmen na nagsimula sa mababa at nakahanap ng paraan umasenso. Para bagang in the end,  hindi hopeless ang mga ideas mo kung maglalakas loob ka lamang.

Saka  to share their stories  and good business,  naging daan ka  para makatulong sa kanilang pangarap, mapaglilingkurang kliyente  at  sa kabuuan sa Philippine economy.

Excited to see passionate bloggers

Alam mo bang nakakahawa ang mag-hikab or yawn?  Ano kinalaman nito sa blogging?   Madaling tamarin sa pagba-blog lalo na kung feeling mo nawawala ‘yong mga dati mong  kapalitan ng komento at kapag nauubusan ka na ng maikukuwento.

Kapag nakaka-meet ka ng mga tao na kapareho mo ng interes, ang daming possibilities and ideas na nabubuo sa iyong isipan.  Isa pa yun talagang sobrang nakakabuhay ng loob.

So common let’s join Blogapalooza!  At sana magkasama tayo there.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

6 thoughts on “Blogapalooza: Because We Need To Interact Online, Offline

  • Rogie

    Wala pa ata ako naattendan na event for bloggers. Para ring nung time kasi na naging active ako sa isang online forum at naging mod pa, parang feeling ko mas oks nang sa online kami nagkakausap usap. pero meron din ako mga gustong mameet talaga in person sa kapwa ko forum members or bloggers. kasama ka dun madam hoshi. Pero di ko ata trip masyado yung maramihan. baka di lang para sa kin yung ganon.hehehe.

    pero nainvite na nga pala ako sa isang event as a blogger pero karamihan ng andun ay yung talagang solid na taga media. Nakadaupang palad ko yung mga taga gma, tv5 at abscbn na sa tv ko lang nakikita dati. natuwa ako kasi personally nakausap ko si mariz umali pa nga at nakasabay ko pa sa table mag lunch. bait niya at ganda pa 🙂 hehehe. hope to meet you din minsan madam hoshi kasama ang iba pang bloggers na finofollow ko talaga. 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      wow nakakataba naman ng puso itong comment mo Sir Rogie. Ako rin po gusto ko rin ma-meet ka in person feeling ko pa nga makakahingi ako ng payo sa iyo.

      minsan sinisipag ako, minsan naman hindi. pero definitely open ako na matuto especially kung free naman, lmay time ako at ayos yung nag-launch ng event.

      first ever event ko ata yung sa johnson’s bed time discoveries… para sa mga mommies yun pero kami nung friend ko na uma-ettend parehong single. hehehe

      pero oks lang sarap kausap ng mga mommies e.