Hoshi’s Next Top Dream Destinations


Dati pag napag-uusapan ang dream travel destinations, ang meaning sa akin ng dream ay impossible. Basta walang exact reason maliban sa pera para kasing panaginip lang yun hindi nagkakatotoo. Pero ang pangarap at usapan ay puwede naman palang matupad kung pinagpaplanuhan, pinag-iipunan at pinagtyatiyagaan makamit.

key chainsI have a collection of key chains and magnets – favorite souvenir items of most travelers – which I arranged a few weeks ago. Karamihan ay mula sa family and friends, pero mayroon ding personal kong binili.  Fulfilling and  inspiring ang makita ng mga iyon kasi parang “oi natupad ang mga wishes ko dati.” Siempre mayroon na secondary or medyo trip ko lang at mayroon din naman na sobra-sobra kong ipinagdadasal na mapuntahan.  So, these are the  travel destinations that I want to visit:

Japan

Last year natupad ko na ang South Korea dream trip so ang iniisip ko na pinakaposibleng kasunod ay ang bansang ito.  Well since birth ata ay mahilig na ako sa anime at super sentai series. Doon ako lalong nagkaroon ng interes sa kanilang arts, history and culture ( lalo na noong napanood ko ang Samurai X). Nadagdagan pa iyon noong nakakita na talaga ako ng mga video ng kanilang lugar especially yung  Tokyo at Shimabara.

May work experience ako sa isang  Japanese company at makatrabaho ang oldies na Japanese. Though di naman sila kasing guwapo ng mga crush kong anime characters may iba naman sa kanila ay mahuhusay naman makisama. Huwag mo lang aasahan na palagi ka nilang ngingitian.

 Greece

Andalucia -facadeSabi nila maiigi ngayon bumisita sa bansang ito dahil sa kanilang ekonomiya. Well hindi naman tayo natutuwa doon siyempre kundi practically speaking mas mababa yung travel expenses pag ganoon.

Nag-start akong magkagusto sa Greece noong high school dahil sa aming history class and teacher. Dagdag pa yung World Literature kung saan sarap pag-aralan ang kwento ng Greek Mythology. Then may pagkakataon din na nakakakita ako ng cool places doon sa mga magazines.

Davao 

Siguro isang factor sa kagustuhan ko na makapunta sa lugar na ito ay ilang kamag-anak namin na doon na naninirahan. Pero ang nakaka-entice din sa akin ay yung mas sikat na papuri ng mga nakadalaw na roon sa mahusay na pamamalakad ni Davao City Mayor Rodrigo DuterteKung ikaw ay  laking Maynila, iisipin mong kakaiba ang lugar na may disiplina, malinis, walang nakawan at mababa ang antas ng kriminalidad.  Sa totoo lang, wala pa akong alam na lugar na magandang bisitahin doon pero gusto ko lang talaga mabisita ito.

Patalastas

Thailand

Siempre ang most recent na parang endorse sa akin sa Thailand ay ang A Little Thing Called Love starring Mario Maurer and Pimchanok Lerwisetpibol. Pero nagkaroon din ako ng officemate/friend na Thai na ubod ng bait na dumagdag sa curiosity ko sa kanilang bansa. Gusto ko ma-experience ang kanilang floating market, street food, shopping spots, temples at kung anu-ano pa. Balita ko rin makulay ang night life nila doon at medical tourism.

Cambodia

Nung napanood ko ang Lara Croft: Tomb Raider ni Angelina Jolie medyo naging trip ko ang ganoong lugar. Then sabi ng aking friend na mura doon, marami ka ng mabibili at kung mahilig ako sa tomb o temple. Oo, mas gusto ko ata ang makakita ng lumang maganda na makasaysayan kaysa makabagong magandang impraktura.

Bohol 

Nakakapanghinayang na di ko nasilayan na buo pa ang kanilang historical sites. Pero hindi ito  magiging dahilan para hindi ko pangarapin na makadalaw sa lugar na ito na sikat dahil sa Tarsier, Chocolate Hills, Loboc Choir at floating restaurant.

Cebu

Parang sa pakiwari ko, hindi makukumpleto ang pag-ikot ko sa Pinas kung di ko uunahin ang tinaguriang Queen City of the South. Hindi ako mahilig sa Otap pero pangarap kong matutong humawak ng dekalidad na gitara, makatikim ng kanilang lechon, at makapagpasalubong ng danggit. At kung di mo pa alam, mahilig akong mag-Visita Iglesia na  tiyak marami nito roon.

Batanes

Balita ko ay mahal ang magbyahe sa lugar na ito na feature sa same title movie na pinagbibidahan ni Iza Calzado at F4 member Ken Zhu.

Parang kung gusto mo talagang malayo sa hustle and bustle of city life gorah ka sa place nito na ipapadama sa iyo ang nakaka-relax na isolation.

Camiguin

Isa lang ang pumapasok na tourist site sa lugar na ito, at iyon ang sunken cemetery.  Nakita ko yun sa isang movie nila Gelli De Belen at Jomari Yllana. Pero sa aking pagsasaliksik ay marami pa silang tourist spots na may kinalaman sa tubig gaya ng tuasan falls, hot spring, shoal. Narito rin pala ang Mount Hibok-hibok.

key chains 2Gusto ko ring makarating sa Great Britain, Spain, Germany, France at Tagaytay.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

9 thoughts on “Hoshi’s Next Top Dream Destinations