This post is supposed to be super positive like giving advice and citing the perks of being employees. But since nawala somewhere ang draft ng post na ito and for us also to reflect what we experienced in the corporate world, work field, career ladder etc., ito muna ang 7 common issues or realities about working in the Philippines.
Age and Height limit
Ang pinakamalungkot na part sa job hunting ay iyong may kakayahan, edukasyon, karanasan at healthy body ka pero rejected ka because of your age and height. In some industries maiintindihan na ‘di puwede ang maliit especially kung mas malaki pa sa iyo ang itutulak mong cart at pasyente mo. Pero generally, bat nga ba may height limit kung sales, food at technology ang usapan?
Ito pa ang wake up call- ideally ‘pag 25 mo medyo established ka na sa career mo, ‘pag 30 dapat promoted or at least regular employee ka. And huwag kang mawawalan ng work before ka mag-35 if napaka-demanding ng field mo. Why companies impose age limit? Pero may iba rin companies that accept 40 to 50 , especially yung nag-aalok ng managerial position.
Preferred Schools
Masakit ito particularly sa mga graduates from provinces to see job posts na they like and capable to do pero ‘di nila ma-click ang “apply” button dahil sa “top 4 universities in the Philippines ” line. I feel sad din lalo na sa mga magulang na pinag-aral ang kanilang mga anak na matatalino pero nahihirapan magkaroon ng career dahil sa ‘di tapos ang kanilang anak sa UP, Ateneo, De La Salle, at UST because they simply can’t afford ang gastos sa Manila.
Lack of Work experience
Problema ito especially ng mga fresh grads and nagsi-shift ng career. Can relate ako sa himutok line na “fresh grad nga eh.” My advice for fresh grads (base sa natutuhan ko rin dati) don’t act as if kihinaan mo ‘yan, instead prove na dahil newly grad ka mas bago ang ideas mo, full of energy, flexible and walang ere pero gutom sa success. Don’t let your ego comes first- be humble and open minded. Lahat ng company naging startup business and maraming empleyado, managers and supervisors ang dumaan sa estado n’yo. =) Maniwala kayo kay Steve Jobs.
Overqualified
IMHO, masakit ito sa mga aral nang aral gaya nung mga kumukuha ng Master’s Degree and even Doctorate ng walang gaanong work experience. Though napakahirap, maganda atang magtrabaho then pagsabayin ang pagkuha ng master’s or doctorate degree. Working student ang drama pero level up! Mahirap ito pero ang pagpapakadalubhasa sa iyong larangan ay nakakatulong to boost your career lalo na kung about leadership and technology ang field mo.
Politics and back up system
Siyempre kung ikaw ang natulungan, pabor! Pero kung ikaw ang ‘di nakapasok, natanggal sa work and di na-promote because of backer system- sawi ka! Mahirap i-contest itong issue na ito kasi it boils down sa personal and professional stand ng employer. Para sa mga nabiktima nito, let your employer experience the consequences of his actions. and I don’t think secured ka sa company na sagana sa backer system and politics- better be mag-LBM (looking for better management) ka na.
Underemployment
Because it’s hard to find a job today , ang hirap mag-inarte sa work. For me para sa fresh grad, better to work sa isang job na low salary pero nandoon ka sa industry na gusto mo. Kaysa magtiis ka sa job na medyo sakto lang ang salary pero malayong- malayo sa pinag-aralan o gusto mong field. Kailangan mo ay experience and exposure at kapag may opportunity o tingin mo ready ka na ay at least you know na ‘di ka basta-basta.
Underpay and not secured
Iilan private company and almost government agency na lang ata ang makakapagbigay sa mga employee ng job security. Tandaan natin na ang pagiging regular pero underpay is not stable. In the long run kahit you like what you do and mabait si boss, you need to cover your growing expenses. I have a suggestion for this scenario kasi may chance naman na you have high salary pero you don’t like what you do kaya ayaw mo rin sa job mo. Get a sideline business or do part time jobs.
Pingback: Reflection: What’s is your advice to your 18-year old self? – Pambura't Lapis ni Ate Jevs!
Napunto o. Kinda ironic lang na naghahanap ka ng entry-level na work tapos may kasamang “with working experience on…” anak ng tokwa. (well, tama si Irene sa comment niya dito)
Sama mo pa ang pleasing personality. Talbog ang brains kung wala kang looks.
icturKorek, kaloka ang requirement!
naisip ko na rin ‘yan. May nakapagsabi sa akin before na sa picture pa lang daw sa resume ay hinuhusgahan na ang applicant. Pag pangit ang photo, bunggal. eh paano naman yung hindi photogenic? May mga printing house din kaya na low quality photo hehehe
mabuhay at salamat sa pagbisita!
Pingback: Why Time is Gold? - aspectos de hitokiriHOSHI
Additional Advise sa mga fresh grad, kapag ni-require kayo ng experience, answer them with confidence “that’s exactly the reason why I am here, to gain experience”.
appear!