Are you curious on the latest film offering of Vic Sotto for Metro Manila Film Festival this December? The famous Bossing of Philippine Cinema presents his favorite on screen darling Ryza Mae Dizon in a 3-part heartwarming movie entitled My Big Bossing.
The latest child wonder: multi- Ryza Mae Dizon :
Former child wonder Niño Muhlach comments that Ryza Mae Dizon is the golden kid of Philippine Cinema these days. The youngest star who hosts her own show – the Ryza Mae Show – and bet of Eat Bulaga has everything in terms of talent, kindness, humility, charm and popularity.
” Iyong panahon ko, panahon ko. Panahon ni Aiza Seguerra, panahon ni Aiza Seguerra. Ryza Mae- Ryza Mae. Kapag nandoon ka mag-e-excel ka talaga,” paliwanag ni Niño tungkol sa pagkinang ng bituin ni Ryza nang tanungin ko siya. “Wala na akong maipapayo d’yan.”
Noong isang taon ay first time kong makita in person si Ryza Mae sa blog conference ng My Little Bossing at doon ko na rin nakita ang angat na personality nito. Dito sa My Big Bossing, hindi lamang si Vic Sotto ang nagbigay papuri sa Aling Maliit kundi maging sina Nino at ang award-winning director na si Marlon Rivera ( Ang Babae sa Septic Tank). Saad ni Vic, si Ryza ang nagbigay ng concept ng istorya ng “Sirena.” Kwento naman ni direk Marlon ay nagbibigay na rin ng input ang child star. Kung iko-compare n’ya nga nung last time na makatrabaho nya ito ay mas involve na raw ito at hindi na mahiyain.
Vic Sotto: The Actor-Producer
Unlike sa mga kanyang past films na kasali sa Metro Manila Film Festival, sa My Little Bossing at lalo na rito sa My Big Bossing ay talagang inaangat ni Bossing Vic si Ryza. Pero apart from that ang isang nakakaligtaan na marami ay ang papel niya bilang movie producer. Kung ang ibang artista ay halos ayaw nang pasukin ito lalo na kapag na-try na nila, si Bossing ay tradisyon na ang mag-produce ng film taun-taon. Para po sa hindi nakakaalam ng film making o kahit pa sa bawat TV show, mabigat na trabaho pagiging executive producer. Ikaw ang bahala hindi lang sa direktor at mga artista.
Sa tanong ko kay Bossing sinabi niya na masuwerte siya na makatrabaho ang mga direktor na nakaka-jelly or nakakagaanan niya ng loob like Tony Y. Reyes, Marlon Rivera at Joyce Bernal. Sa pelikulang ito, first time niya makatrabaho si Joyce Bernal na kilala sa paggawa ng romcom, action at comedy films. Narito ang shaky kong kuha sa aking pagtatanong kina Nino Muhlach at Vic Sotto.
Ayon nga kay Bossing triple ang istorya na mayroon ang film na ito na kanilang binuo sa loob ng 35 araw, Ang equal nito ay halos 3 pelikula pagdating sa budget at effort. Ang unang episode ay Sirena, na susundan ng Taktak kung saan kasama si Marian Rivera at Prinsesa, na may special participation si Nikki Gil.
Want to treat your kids this December? Alam na!
Pingback: 7 of 7-Day Gratitude Challenge: Salamat 2014 | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI