Why Time is Gold? Essay sa kahalagahan ng oras?


orasanIsa raw sa nagugustuhan ng mga banyaga sa ‘Pinas ay ang mahayahay o “laid back” na buhay dito. Para kasing marami tayong time na mag-aliw. Pero alam mo ba kung ano ang asset natin ? Ayun na nga- Oras! Kung feeling mo ay hindi ka mayaman, matalino, guapo o maganda?  Sa totoo lang talaga ay Time is Gold.

(Invitation! SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel now for more motivational tips and stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

because we tend to waste time…

May dalawang punto dito, ang sayangin ang oras mo sa kinagigiliwan mo pero walang bearing sa buhay mo o nagtiya-tyaga ka sa isang bagay pero hindi mo gusto.

In too much leisure

There’s nothing wrong about watching your favorite television show, going to movie houses, playing games or  connect with your friends through Facebook. But the point is- if it’s too much na. Ang pera ay nababalik pero hindi ang oras na  ginamit sana sa kapaki-pakinabang na bagay. IMHO, sa lahat na hindi mo dapat pag-aksayahan ng panahon ay ang pagbabad sa social media sites para lang mag-status ng kung anu-ano o mag-stalk ng profile ng iba.  May ilang study na nakaka-depress o nakakadagdag sa stress yun.

in doing we don’t like

Sa totoo, it’s hard to contest this issue because sometimes things you don’t like are actually the ones that bring you challenges and blessings. Parang baka naman it’s just  that you feel negative or you are not in your comfort zone. Okay, let’s say after thorough analysis and  spending time on something ay you still feel bad… sing with Idina Menzel  – Let it Go! or follow Steve Jobs‘ advice.

Your time is limited, so don’t waste it living someone else’s life. Don’t be trapped by dogma – which is living with the results of other people’s thinking. Don’t let the noise of other’s opinions drown out your own inner voice. And most important, have the courage to follow your heart and intuition. They somehow already know what you truly want to become. Everything else is secondary.

Gagamitin kong example ay about love and relationship.  Kung mahal mo ang isang tao at may pagkakataon kang sabihin ito ay gawin mo. Ako ang isa sa may konting kurot sa love life ko ay ‘di sagutin ang lalakeng sinabi sa akin na mahal DIN n’ya ako dahil nag-alangan ako. Nieta lang ako hehehe! Inintindi ko ang sasabihin ng mga kaibigan ko sa amin, eh pareho naman kaming walang sabit. Pero gayon din naman kung hindi mo na mahal ang isang tao. Huwag mong lokohin siya at ang sarili mo  na okay kayo.  Nagsasayangan lang kayo ng panahon. Pakawalan mo siya o ang sarili mo, dahil baka may ibang nakalaan sa inyo.

 Old camerasbecause Age does matter

Lalo na sa aspeto ng employment sa Pinas oo, marami akong kakilala na nahihirapan humanap o walang trabaho. Hindi iyon dahil sa incapable sila, kundi dahil lagpas na sila sa age limit.  Pero bukod sa isyu na ‘yan,  age does matter din when it comes to finances and  physical vigor.  Minsan gusto pa ng utak mo pero hindi na talaga kaya ng katawang lupa mo.  Ako sanay ako sa puyatan, na malamang sa mga susunod na dekada ay hindi na at saka  dati ang bilis-bilis kong tumakbo. Paano  pa kaya yung sa aspect ng learning? You don’t know kung kaya mo pang magmemorya ng mahahabang passage,  sumagupa sa init ng araw at makipagbangasan sa EDSA.

 because of Stages of Life

If you don’t agree sa age dahil may tumatandang bata at batang madaling tumanda. Hindi mo rin maiiwasan ang pagtuntong sa iba’t ibang phase ng buhay. Darating yung point na magre-retire ka na sa work, mag-aasawa ka ng dalawa, magkaka-baby, o it’s your turn to take care your mom and dad.

Patalastas

Ang punto rito ay baka may gusto kang gawin ngayon na mas mahihirapan o malabo mong gawin kapag dumadami na ang iyong responsibilidad.  Let’s say you have money, pero di ba mahirap na para sa isang mommy ang iwan ang kanyang anak para lang mag-travel?  Eh iyong tatay na nangngolekta ng toys or gadgets na kailangan bumili ng gatas at diaper ng anak?

Have a Great Time

I like Miley Cyrus’ song The Climb especially these lines…

Ain’t about how fast I get there
Ain’t about what’s waiting on the other side
It’s the climb, yeah!

Ang buhay  ay may simula at may hangganan ( parang from old song ‘to) pero habang nabubuhay ka ay may saya at may lumbay. Use your time  to

  • Vilma Santos old photosdiscover your strengths and uniqueness
  • learn arts and technology – example  ecommerce
  • Nurture  Mother Nature
  • enrich your knowledge/ education
  • love people –  one of the things I am so thankful that I did last year was to say “I Love You”  kay Itang before he died.
  • getting sideline business or jobs
  • achieving your greatest dream
  • doing or being with people that makes you HAPPY!  – not the  one not only  give you entertainment and pleasure.

what’s your opinion about time? share it below!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Why Time is Gold? Essay sa kahalagahan ng oras?