Hoshi Advisory: February is National Arts Month


Huge Philippine Flag at Luneta ParkValentine’s day is coming and lahat ng affected ay nagpi-prepare para maging special naman ito.  I believe ito yung date na nasa iyo if you want  it extraordinary que sweetheart kang katabi o wala. Ngayon dun tayo sa event that possibly a way to let you give, feel, experience or think that February is month of arts too.

Advertisements

Tara na sa Luneta: National Arts Month na

Kung basag ang puso mo, mayroon nang katambal o nagbabaka sakaling magkaroon ng kulay, ipahayag ang iyong nararamdaaman gamit ang nanahimik mong sining sa katawan. Hayaan mong mabuhay ‘yan  sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad ng NCCA ngayong Pebrero.  Katunayan ay sa unang araw pa lang ng buwan din ng mga Puso ay mayroon na silang buweno manong handog.

  • Sa ika-3 nang Hapon ay mayroong caricature making,
  • parada ng mga Higantes sa pagdako ng 5 pm
  • at pagkagat ng dilim bandang 6pm ay tuloy na ang Concert  at the Park.

Love and Arts or Love in Arts

pinta ni Jan P Blanco

pinta ni Jan P Blanco

Sariwa pa sa aking alaala ang mga turo ng aking mga guro. Ang paggawa ng tula, ang pag-arte sa entablado,  ang pagsasayaw ng pandanggo, at ang pag-ukit sa punong mangga   sa isipan na ang sining ay hindi lamang pangkasiyahan. Ito ay pamamahayag, bahagi ng iyong pagkatao at lunas sa iyong puso.

Lalim ano? Dahil Pebrero pagbigyan ang pagiging madamdamin di ba?

Kung nadadaan lang sa salita ang lahat,

ano pa ang simbolo ng pinta, ukit at tula?

kung letra at pagbasa lamang

ano  pa ang mahika at  lohika ng mga kanta?

kung lakad, pagtakbo at  pagtalon lamang ang katapat

ano ngiti at saya na dala ng pagsasayaw?

Ang sining ng Pinoy ay matagal ng pinupuri ng mga banyaga. Nawa’y bago ang iba, tayo muna ang maging taos-noo sa ating natural na mga talento. Magaling tayong mga Pinoy!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.