Ice cream, leche flan, ube halaya, halo-halo – oo ako na ang isa sa mga hayok sa panghimagas. Minsan pa nga ay tama na ang isang pasada ng kanin at ulam combo ay diretso na ako sa pagtikim sa sweet portion ng kainan. Sa Love Desserts restaurant na may branch sa Banawe Ave. at Fairview (Quezon City) bida ang sweet buffet.
Kasama si Madam Mhona Andrade, sinubukan ko ang sweet buffet ng resto na ito sa Pearl Drive, Fairview. Saan banda ‘yon? Lagpas konti sa PureGold North Fairview o SSS at bago mag- Fairview Dahlia (NCBA). Ang landmark ika nga ni Mhona ay malaking bubuyog sign ng isang kilalang food chain.
Unlimited Sweetness Treat
Naging interesado ako sa Love Desserts dahil sa naiiba nilang buffet- well at least sa lahat ng nasubukan ko. Sa halagang P199 at malapit sa amin, hindi na dapat pinapalagpas ang food trip na ito. Ang masaya siempre ay masilayan at matikman ang lahat ng panghimagas na trip ko sa isang mahabang hapag-kainan –UNLIMITED.
Pero bukod dun ay nakatikim pa ako na dati sa tinitingnan ko lang sa Kitchen Scramble at Caféland gaya na lang ng rainbow cake, crema fruta, cookies, iba’t ibang ice cream flavor at actually mga pagkain na hindi ko na alam ang pangalan. Pero bukod sa marami pang flavor ng ice cream na doon ko pa lang natitikman, gustong-gusto ko yung pagkakagawa nila sa crepe ko with extra plate na may design. Thanks so much sa pagpatol sa trip ko Sir. Iyong sa crepe puwede ka mamimili ng palaman, toppings at iba pa.
Pero ako hinayaan ko na sila– ang palaman ng crepe na ginawa nila for me ay banana, na may chocolate spread (sorry ‘di ko alam kung tama ang tawag), at vanilla ice cream. Sakto, malinamnam at hindi masyado matamis para maumay ka agad.
Love Desserts, venue for romantic date
Hindi lang pang mag-syota, kundi pambarkada at pampamilya rin naman ang ambiance ng Love Desserts Fairview. Akala ko nga mga bloggers at girls lang ang mahahalina nito, pero may mga nakasama akong mga magbabarkada na lalaki at mag-anak sa lugar.
What’s nice about the place and they keep it simple with homey feel particularly yung wall decors. Kung pagdating sa kulay, I know bakit ito nagustuhan ni Mhona – purple e. Pero yung accent ng iba pa part ay pastel blue and yellow. Para sa hindi over or kulang ang combo colors, wall deco at iba pang makikita sa loob ng resto apart sa center table- though in a way, hindi rin ito nagdadala ng masyadong excitement. Sapat na to appease your appetite and not to excite. Ganoon din sa table setting… parang nag-rely sa mga nakahilerang food at hindi na nagdagdag something sa decoration. Ang maganda lang din sa ganoon ay malinis and actually malinis talaga ‘yong lugar. Good job din na mabilis sila maglinis ng table though mabibilang mo na iilan yung staff na all ay presentable and pleasant.
Uulit ako? Naman!
Pingback: Business Lesson: Bakit Emergency Fund Muna Bago ang Investment? - aspectos de hitokiriHOSHI