Money Management Skills? Wow Big words! Parang course sa college o usapang board meeting. Pero ‘lam mo, isa rin ako sa mga Pinoy na mas gugustuhin na magbasa ng showbiz tsika. O manood ng aksyon sa drama series kaysa pagtyagaan ang maikinig sa diskusyon tungkol sa pera. Dati iyan. Napagtanto ko na mas mababawasan ang aking mga alalahanin sa buhay kung marunong akong humawak ng aking kinikita.

Kinalaman ng money management skills sa pag-asenso sa buhay?
Marami akong kwento pagdating sa trabaho, part time jobs at sideline business. Pero isa sa pinakapunto kung bakit ko ginagawa ang mga ito ay dahil sa gusto kong kumita ng pera. Tama nga na huwag maging tamad, umasa sa tulong at magastos para umasenso. Dapat ay matutuhan na ang isang money management skills gaya ng mag-budget.
Ansabehhh? Mag-budget daw!
Minsan nagiging parang mystery ang pagkawala ng salary payday after payday para sa karamihan. Isang dahilan dito ay unang-unang ay walang money investigation or inventory. Parang auditing na may masusing pagta-track ng iyong expenses. Ganun din, ang pagkakaroon ng right allocation of funds pang-small o big goals man.
Right, another boring stuff…
But not really! I’m sure you can do it too because sabi nga “if there’s a wheel, there’s a moving vehicle’ (chuz, sariling quote ko lang ‘yan).
Sino ang pinakamatinding kontrabida sa personal finance?
Marami! Puwedeng iyong kamag-anak na akala ay part ka ng Top 10 Richest Individuals in the Philippines. Iyong kasamahan mo sa work na benta ng benta ng produkto mula sa kung anong direct selling or networking companies.
Pero hindi rin e, dahil ang hardest and bit&*^st rival pagdating sa iyong personal finance ay ang iyong doppelganger sarili. Ang self-discipline ay para bang obsolete term pero ‘pag wala ka nito, dead end. Kahit malaki ang iyong sahod at may iba’t iba kang pinapasok na negosyo ay parang nakatalungko sa iyo ang pag-asenso. Iyan ay if you don’t know how to save and budget.
Anong gagawin sa na-save?
Saving is another money management skill na popular and familiar but hard to hone. Why? Marami sa atin ang hindi alert at may set-up na akala nakakaipon pero hindi talaga. Familiar ba ‘yong inipon mo nang one month in less than one hour, voila, ginastos! May binibili o pinagkakagastusan tayo na bagay na katumbas o higit pa sa ating sahod.
Tandaan natin sa isang malaking gastos ay pagwaldas din ng ipon at pagbabalewa sa oras na ginugol dito. Kaya dapat maging wais sa pag-iipon at saan gagamitin ang naiipon. So anong puwedeng nga gagawin?
- Puwedeng pumili negosyong may maliit na puhunan at hindi malaki ang risk pero siguradong kikita ka,
- pagkuha ng insurance na may magandang package,
- pag-i-invest sa affordable type of investments gaya sa stock market o mutual fund.
- pag-iipon sa bangko na may mataas na interest gaya sa Maya.
Tricky ang mag-invest agad hindi lang dahil sa maraming naglipanang company (legal or illegal). Kundi marami ang nag-o-offer ng magandang produkto o serbisyo. Pero kung usapang investment tayo, ang isa sa pinakamainam na puhunan ay ang pag-i-invest sa edukasyon.
Walang katumbas ang ‘learn from the expert’ dahil mapapabuti ang iyong pananaw at kabuhayan. Tulad na lamang sa usapang Money Management na sadyang maraming eksperto (iyong iba nga lang may karugtong na “daw”).
How Money Management Skills Help You Earn More in Business
Isang araw nagkuwento sa akin ang kuya ko (isang PWD) na sinasama daw ang kagrupo n’ya sa isang livelihood program. Tinuruan daw sila gumawa ng siomai. IMHO, hindi iyon effective livelihood program. Iyan ay kung pagtuturo ng paggawa ng sabon, kandila, at iba pang handicraft LANG. Bakit? Kung talagang concern kung sino man ang may pasimuno ng livelihood program na iyan dapat tinuturo rin money management skills lalo na ng…
- tamang paghawak ng pera gaya ng budgeting at expense tracking
- debt managment o pangungutang (good and bad debt),
- risk management o anong gagawin para di malugi.
Ang mga ito ay bukod pa sa mga important factors sa business success gaya ng marketing at inventory. Kung DIY or art class lang naman ang gagawin huwag ng tawaging Livelihood Program o entrepreneurship class. You have to tell people na ang pera para kitain at lumago ay i-manage mo nang tama.
In fairness, hindi naman lahat ng financial seminar o book ay mahal. May Php 10 to Php 50 pa nga. Ang Pera na Hindi Bitin ay nabili ko ng Php 50 dati. Marami na rin financial expert and motivational speaker na active sa social media at libreng nagbibigay ng tips gaya ni Chinkee Tan. Naka-attend na ako noon sa talk niya sa Steps to Financial Peace. Isa ako sa mga napa-‘oo nga no!’ sa mga binanggit niyang simpleng self-discipline pero life-changing ang result.
Alam mo iyong ‘duhh so hirap to discipline myself,’ matuto ng personal finance at ma-track ang expenses o makapag-budget kung walang proper guide. Kaya siguro may teacher na, adviser pa, at guidance counselor pa sa schools?
Pingback: 5 Things to Do for Somebody This Yuletide Season - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 5 Career Tips for Filipino Millennials, Pinoy Yuppies
Pingback: Paano Magkakapera sa Direct Selling?
Pingback: 5 Money Mistakes of Filipino Yuppies
Pingback: Bakit mahalaga ang pagbabayad ng utang? | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Hoshi News Express: i-Blog, Social Media, E-Commerce, and Chinkee Tan | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI