Boracay Travel Tips: A Local’s Guide to the Island Paradise   updated!


Boracay Island in the Philippines is one of the world’s dream destinations, with its white sand, clear water, and fantastic views. Thank God I finally experienced this tourist spot with my dearest friends. Here are my Boracay travel tips based on my experience.

Pre-Boracay Trip Checklist: What to Do Before You Go 

Nakakahiya na mas marami na akong napuntahan pero olats pa rin ako sa paghahanap ng maganda at affordable na Boracay packages. Good thing may kakilala na travel agency ang kaibigan ko. Nahanapan s’ya ng airfare tickets at hotel na swak sa budget n’ya. Actually, mahal pa rin yung expenses sa ticket at hotel kasi bukod sa station 1 ang gusto ng kaibigan ko, Holy Week (peak season) pa ang date na puwede s’yang gumala.

boracay resort 2

So, my boracay travel tips para makatipid ay piliin ang date na hindi peak season at baka malamang mas mura sa ibang station ng Boracay. Puwede rin mag-advance booking na. Or maging masipag sa pag-search ng mas affordable na place to stay sa station 1sa Boracay in advance. Pero sa mas madali, instead na DIY ay magpatulong sa mapagkakatiwaalan na travel agency na may offers na swak sa iyong budget. By the way, mas mura yung nahanap namin na travel ticket at kasama sa package kaysa sa lahat ng na-check namin online.

What’s with Station 1

boracay daylight market

Sabi nila ay sosyal daw sa Station 1 at isa rin sa inasam namin ay makakita ng artista pero waley kami nakita na trip namin. Subalit kung bihira ang artista, sagana sa foreigner ang station 1. Siguro meron din naman sa iba.  Sa aming estimate ay nasa 75% ang naroon ay mga banyaga gaya ng mga taga-Europe, taga- Middle East (nakatabi at nakausap ko sa airplane ay taga Saudi Arabia), Australian (hula ko sa nanghingi sa amin ng bayabas), Chinese, Korean, Malaysia, American, at iba pa.

Ang nakakatuwa na pagmasdan for me ay yung parang nagiging local na rin yung mga dayuhan. Parang komportable silang mag-iikot at ang mga taga-Boracay mismo at sanay na makihalo-bilo. Pansin din namin ang pagkakaiba ng buhangin kahit mismo sa station 1 pa lang. Pinong-pino at puti ang buhangin na puwede nang isipin na dirty powder or white cement.  

boracay island algae

Pero may ilang bahagi na ang may mga lumot or algae (not sure kung accurate ang term) sa dalampasigan, I’m not sure kung ano ang indikasyon nito pero may nagsasabi na resulta ito ng polusyon pero mayroon din nakapagsabi sa amin na ito ang dahilan kung bakit white sand beach ang Boracay. What do you think?

Boracay After Dark: Fire Dancing, Food Adventures, & More

Hindi uso sa akin ang nightlife dahil sa maraming rason, pero nung nasa Boracay na ang hirap magdahilan na ‘wag kang magkaroon ng social life sa gabi. Pero actually, gustong-gusto ko mag-night swimming dahil safe and enjoy lang ang drama sa Bora.

Patalastas

Boracay Nightlife
  • Isa pa nga sa ikakatuwa ng mga sanay sa urban living ay halos lahat ng uri ng establishments na hinahanap ng turista ay nakahilera sa dalampasigan mismo. Yes, ‘wag kang kabahan kung hindi nakapag-withdraw sa ATM dail mayroon doon na mga machines at bangko, food chains at siempre money changer. Iyong pagka-commercial ng lugar ay puwedeng ayaw ng iba pero pabor sa nakakarami.

I think for as long as hindi nakakakadumi at nakakaapekto sa dagat ang mga tindahan na ito ay wala namang problema. Nakarating na rin kasi ako sa ibang beach na madalang ang tindahan, pahirap kahit pagbili man lang ng drinking water at biscuit.

  • Samantala, isa sa madalas na mapapanood sa mga bars and restos especially sa open-air side ay ang fire dances at live bands. Iyong mga fire dancer akala mo talaga hindi apoy ang hawak dahil sa bilis at galing sa pagsayaw. Sa ibang banda, may ilan ding kabataan na gumagawa ng sand art (‘di ko masabi na sandcastle kasi hindi naman castle). Kung gusto mong magpa-picture ay bigyan mo na lang ng tip ang gumawa nito.
fire dancing

Dagdag ko na rin sa kagandahan ng nightlife sa Bora ay ang yaka na bumili ng gabi kung katamad sa tanghali o umaga. Maraming mabibilhan ng souvenir items and iba pang pasalubong sa paligid kaya huwag manghinayang na mag-ikot-ikot. Kami, sa D’ Mall napadpad. Dito maraming tindahan pero sabi nung napagtanungan namin ay mayroon din sa station 3 na mas mura.

Another article: Is it worth visiting Boracay?

boracay island establishment
(Visited 1,200 times, 1 visits today)


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Boracay Travel Tips: A Local’s Guide to the Island Paradise