Movie Review: Kid Kulafu (a film about young Manny Pacquioa)


Kid Kulafu is a film based on the life story of Filipino boxing champ Manny Pacquaio. Unlike other early Pacman flicks, such as Pacquioa: The Movie starring Jericho Rosales, Kid Kulafu centers on young Emmanuel’s life (played by Buboy Villar) before his international boxing fights. This latest movie is directed by Paul Soriano ( husband of Toni Gonzaga) under  Ten17Productions and Star Cinema.

Kid Kulafu Retells Rural Living and Living with Fear

Sa modernong pamumuhay, ang lifestyle sa countryside ay nakakabatong pag-usapan unless may umaatikabong kaganapan. Sa buhay ni Manny sa Bukidnon noon, moviegoers will see how folks live with fears and complexity of simplicity. Kung nanay mo pa si Mommy Dionisia ay panalo ang mga eksena.

Movie Ticket Kid Kulafu b

Na-miss ko ang panonood ng Pinoy action films dahil sa part na iyon ng movie. Magaling si Alvin Anson bilang militar na tumutugis ng mga rebelde, na hindi mo alam kung magagalit ka sa pagkuha niya ng mais at huling tilapia (ay… spoiler na ba ito?) ng mga Pacquioa. Pero seryoso, dama ko ang sakit, pait, hirap, at takot na mamuhay kung nasa gitna ka ng bakbakan.

Dagdag na rin dito ang mga nakakatuwang eksena gaya ng para-paraan ng mga probinsyano para makapanood ng pelikula. Gaya na lang ng panonood ni Emmanuel ng movie ni Bruce Lee (Fists of Fury?) sa sinehan ni Jun Urbano.

Ang impressive ng acting ni Alessandra de Rossi bilang Mommy Dionisia. Sapol ang kanyang mga linya nang malaman n’ya kung anong kalokohan ni Manny para makapag- Bruce Lee. In-imagine ko talaga kung paano sinabi yun ng totoong Mommy D before singing Wrecking Ball.

Rediscover Boxing, Pacman and Buboy Villar  

Na- meet ko na si Buboy Villar noong Darna days n’ya at tila dininig ni Paul (close daw kami?) yung pasakalye ko na lagi na lang sidekick ang roles ni Buboy gaya sa Amaya, Dyesebel at Adarna. Okay we can’t expect na maging matinee idol ang TV star na ito, but he has talents na hindi lang pang sidekick.  

Sa Kid Kulafu, you’ll see na pinaghusayan n’ya ang pag-aaral ng boxing. Hindi lamang suntok sa ere, sa sako o banat na linya sa kanyang mga kapwa artista.  Kailangan pa niyang i-meet ang kartada ni Manny na mahirap tapatan kahit acting lang.  He gives justice sa kanyang role sa salita, gawa at itsura. Siguro mas may sikat kay Buboy, but the role is really for him at congrats kung sino mang nag-decide na i-cast sya.

Patalastas

buboy villar

Since ayos ang portrayal ni Buboy Villar, madaling masalamin kung ano ang buhay ni Manny noong kanyang kabataan. Iyong dapat naglalaro siya pero tumutulong na siya sa pangongolekta ng Kulafu bottle (isang uri ng syoktong). Iyong binu-bully siya sa school ni Igi Boy Flores—in his finest portrayal, hehehe. Iyong edad na habang nagbubulakbol ang iba, siya naglakas-loob mag-train at mangahas mag-Maynila, na God knows kung ano ang kapalaran ang naghihintay sa kanya.

Being a boxer in the Philippines siguro ay hindi ganun kadali so that’s one big thing, pero bukod dun ay boxing is a deadly sport. Ito ay klase ng palakasan na hindi puwedeng hindi ka puwedeng masaktan at posible mong ikamatay. You should watch yung nakakaantig na istorya nila ni Eugene Baruta  (played by Khalil Ramos) from usapang hamog  yung cinematic and meaningful talk nila sa bubungan at sa madaling araw.

Relieve the Classic Favorites with a Touch of Indie

Maliit pero pang-asar ang participation ni Cesar Montano (played Manny’s uncle na nag-introduce sa kanya sa boxing). Hindi kumupas ang galing ni Cesar na nagdagdag ng katatawanan at highlght sa film. Katunayan, kasama mong mababalikan sa kanya ang famous past time noong 90s gaya ng panonood gamit ang Betamax at VHS. Ang kasikatan ni Mike Tyson na nagbigay ng aral kay Uncle at kay Manny. Isa lang talaga ang hindi nawawala sa bisyo sa probinsya, ang pagsasabong.

Samantala, ang awkward moment sa Kid Kulafu ay ang mga dream sequence lalo na ‘yong may nagliliwanag sa paligid ni Manny doon sa kunwaring paraiso. Doon ka mapapaisip kung aksyon pa ba ito or fantasy? Mabuti na lang may nauna roon na dream sequence na naglalakad ang gusgusing si Manny at nakita s’ya ni Mommy D. I respect Direct Soriano’s artistry, the movie satisfies my craving for action scenes, sundot ng comedy at hagod ng drama. Pero initially talaga ang reaction ko ay parang hindi tugma o nakakawala ng momentum yung dream sequences sa sinundan at susundan na eksena (indie film style).

IMHO, ideal yung sa ‘paradise’ concept, but it’s too much na hindi bagay sa tabas ng texture ng pelikula. Pero let this sink first sa iyong imagination. Madali rin namang pag-ugnayan ang mga bagay-bagay kung bakit naisip iyon ni Direk Paul o ng writer. As a moviegoer, ‘di nga lang gaanong ma-appeal ang effect na iyon for me.

Sa cinematography, may touch din ng pagka-indie at enhanced by mainstream quality. Mapapansin na medyo traditional ang ilang approach sa kuha lalo na sa opening sequence na parang naalala ko ang Thai film na Ong Bak). Medyo masakit sa mata pero parang nakatulong sa kaba, sa init at bigat ng mga eksena. Gusto ko pa rin yung usapang hamog sa part na ito at yung pagbagsak ni Pacquioa.

I recommend Kid Kulafu! It’s a Filipino Film na hindi plastic at puro ganda o guapo ng artista ang panghatak. Ito nagpakita ng totong kwento sa likod ng buhay boksingero. yo!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Movie Review: Kid Kulafu (a film about young Manny Pacquioa)