Fast and practical, but still rewarding ang Visita Iglesia ko nitong taon. Napagdesiyunan namin na sa halip na magpakalayo-layo ay umikot na lang kami sa mga simbahin sa Kyusi ( love your own di ba? Smile Quezon City) at gawin ulit in advance.Saya lang na mission accomplished ang Visita in almost four hours only and minus sobrang pagod. Ang araw talaga sa pagbi- Visita Iglesia ay tuwing Maundy Thursday.
St. Peter Parish ( Commonwealth Ave.)
Station 1 and 2: Ang facade at loob ng interior ng St. Peter ay hinalaw mismo sa St. Peter Basilica in Rome. Of course mas engrande iyong original pero kung gusto mo ng kahit isang kindat lang nung sa Roma puwede mo naman i-try dito sa Commonwealth.
May dalawang pare akong gustong -gustong nagmimisa rito at masarap magsimba rito ng 6am,2pm, 3pm, 8pm and 9pm kasi hindi matao. Huwag ka lang patalo sa antok.
Viaje: Dalawa lang ang dapat mong tandaan sa paghahanap nito, ang Ever Gotesco Commonwealth at Sandigan Bayan. Mabuti na ang mababa ka sa Ever ( konting tanaw at kembot na lang) kaysa umabot ka ng Sandigan o Batasan area kasi kailangan mo nang sumakay o bumalik ulit.
Sacred Heart of Jesus Parish ( Kamuning)
Station 3 and 4: Ang tawag ko rito ay Kapuso Church kasi bukod sa Sacred Heart nga, malapit lang din ito sa building ng Kapuso Network.
Matapos ang aming pagdarasal, ang nakapukaw ng aking atensyon ay ang imahe ni St Joseph Freinademetz. First time kong makita ang imahe niya na parang may pagka-Chinese. Ayon sa svdvocations.org, ay tubong Italy pala siya, naging misyonaryo sa Hong Kong at namatay dahil sa sakit na TB sa edad na 46. Naideklara siyang Santa (canonization) noon lamang 2003 ni Pope John Paul II.
Viaje: Mula St. Peter ay sumakay kami ng jeep na may rutang papuntang Cubao Arayat ( oo yung dadaan sa GMA 7 Network Center) at ang bayad ay Php 15. Madadaanan mismo ng jeep ang simbahan kaya ang palatandaan ay pagkaliko ni Manong Tsuper sa isang gasoline station sa Timog ay tumingin ka na sa gawing kaliwa.
The Immaculate Conception Cathedral of Cubao
Station 5 & 6: Ang Immaculate Conception Cathedral of Cubao o mas kilala sa tawag na Cubao Cathedral ay sikat ngayon bilang wedding church nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pero ang gusto ko sa church na ito ay ang ceiling nito na maraming stars, blue, at may magagandang painting. Hindi rin naman napahiya si Dong sa pagpili n’ya rito dahil sa lawak, aliwalas at regal na aura nito sa loob. Ang simbahan na ito, na matatagpuan sa Vancouver, Canada Cubao, ay naging cathedral noong 2003 lamang.
Viaje: Mula Sacred Heart sakay ka lang ulit ng Jeep ( Cubao, Arayat – Php 8) at dadaan ulit ito sa harapan ng simbahan. Pero hindi malapit ha, dahil liliko na pa-Aurora si Manong Tsuper.
Our Lady of Mount Carmel Shrine Parish ( Broadway)
Station 7& 8: Espesyal sa akin ang Mt. Carmel Shrine kasi first time kong makarating dito. At ang nagustuhan ko rito ay ang division ng mga area, kagaya ng area para sa Station of the Cross o sa mga nagbi-Visita Iglesia at gayon din sa mga nagtitirik ng mga kandila at nagdarasal sa mga Santo. Katunayan ang daming imahe sa loob at nakalagay rin ang dasal.
Viaje: Mulas sa Cubao Cathedral ay nilakad na namin papuntang Aurora ( puwede rin naman sumakay Php 8) kasi isang kanto lang halos ang lalakarin. Mula Aurora ay sumakay kami ng Jeep rutang Stop N Shop (Php 8). Bumaba kami sa Broadway Centrum ( Studio ng Eat Bulaga). Pero hindi na kami tumawid, binagtas namin ang Doña Juana Rodriguez (kung tama ako sa name). Di naman malayo mula sa kanto ng Aurora at Wisdom Park ay nakita na namin ang simbahan.
St. Joseph Shrine (Project 3)
Station 9 & 10: Bago kami napadpad sa simbahan na ito ay lahat ng simbahan na pinuntahan namin ay may kasalan. Pero dito sa St. Joseph ay wala at akala namin sarado pa nga. Ang saya lang din noon na kami lang at first time ko rin itong ma-experience. Dahil tuwing pupunta ako rito kapag kasama ang Nanay palaging maraming tao.
Kaiba ang St, Joseph na matatagpuan dito, dahil He’s Sleeping, siguro Joseph the Dreamer.
Viaje: Mula Broadway sumakay kami ng papuntang Marikina (kahit ano naman siguro basta lalagpas ng Gateway ang viaje- Php 8). Makikita rin sa daan ang simbahan kaya hindi na maliligaw, maiipit ka lang sa traffic.
Monasterio De Santa Clara (Katipunan)
Station 11 & 12: Mahilig akong magpunta rito lalo na pag may free time, may pinagdadaanan, pinasasalamatan at gustong hilingin. Para mas malaman mo pa ang tungkol sa simbahan na ito (Dito Ka Magbasa).
Viaje: Tingin ko dadaaan din dito yung sinakyan namin na jeep o kahit iyong mga papuntang Rizal. Pero para ma-experience ni Mhona ang LRT, sumakay kami ng train at isang station lang,after Anonas ay Katipunan na. Mula sa LRT station ay konting lakad at tawid lang papuntang Monasterio ( right side under Fly Over going to Katipunan)
Parish of the Holy Sacrifice (UP Diliman)
Station 13 & 14: May ilang beses na rin akong napadpad dito pero trip na trip ko pa rin. Kung hindi mo pa alam, This is “the first Circular Chapel and Thin-Shell dome” sa Pinas.
Bukod sa pabilog at mahangin na itsura ng simbahan ay kaiga-igaya rin ang painting na nagsasaad ng mga pangyayari sa station of the Cross. Pero ang nagpamangha sa amin dahil sa naiibang sining ( at na-test ang aming artistic interpretation) ng Via Crucis o Way of the Cross. Gaya ng nakasaad sa note, kamay lamang ang ginamit na representasyon sa mga Station of the Cross.
Viaje: Mula sa Monasterio, tumawid kami sa footbridge patungo sa side ng Katipunan kung saan may terminal ng jeep byaheng UP Ikot. Ayon sakto ulit, dadaan mismo ang Jeep (Php 8) sa harapan ng church. Sabihin mo na lang kay Manong Tsuper na sa Holy Sacrifice ka ibaba.
Pingback: Self-doubt: Paano balansehin ang pagiging humble at confident? – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Taste.Company | Living Out Visita Iglesia Around the Philippines