Hindi ko na alam kung kailan ako nagsimulang mahilig sa mga talent shows. Basta ang huli kong nasubaybayan ay ang Asia’s Got Talent, kung saan nanalo ang bet kong El Gamma Penumbra at nag-runner up ang iba pang Filipino talents—ang Junior New System, Gerphil Flores at Gwyneth Dorado. Wala pa akong na-meet ni isa sa kanilang apat, pero may ilan na akong nakita sa personal na mga artistang sumikat sa pagiging contestant o winner sa mga talent show. Sino-sino nga ba? Naalaa n’yo pa kayang galing sila sa isang artista search?
Charlie Green
Ang half Filipino-half British na si Charlie Green pa lang ata ang na-meet kona Pinoy na sumali sa isang international talent show—ang Britain’s Got Talent. Ten years old pa lamang si Charlie nang sumali s’ya sa nasabing contest, kung saan isa sa judge ang pamosong si Simon Cowell ng American Idol and X Factor (may-ari rin siya ng label ng One Direction). Hindi man pinalad si Charlie na maging winner ay tumatak ang kanyang persona at malamyos na boses lalo na’t ang kinakanta niya ay standard music. Para mong pinaliit sina Paul Anka, Michael Buble at Christian Bautista sa kanyang boses pero siempre may ibang timpla niya.
Pebrero 2012 ko siya napanood sa Eastwood Mall Open park. Ni-launch n’ya noon ang kanyang Rainbow Album. I don’t know kung ano ang record sales ng album at kung ano na ang latest sa kanya. Pero in person ay medyo mahiyain siya at straight forward kung sumagod sa mga tanong sa kanya ng press.
Jonalyn Viray
Si Jonalyn Viray ang kauna-unahang champion ng Pinoy Pop Superstar na hino-host noon ni Regine Velasquez. Kabi-kabila noon ang mga singing contest na gawang Pinoy bago pa ang nagsulputan ang mga franchise shows. Na-meet ko siya bago pa siya nagpaayos ng ilong (hindi naman siya nahihiya na aminin) at La Diva. Kaya naman masasabing bagitong-bagito pa s’ya noon at ngayon nga ay isa siya sa mga hinahangaan sa kantahan, lalo na sa biritan.
Gerald Santos
Dalawa ang natatandaan ko noong na-meet ko si Gerald Santos (grand winner sa second season ng Pinoy Pop Superstar) sa album launch ng kanyang album sa Hard Rock Café noong 2006 or 2008—1) Idol n’ya si Gary Valenciano 2) nanalo ako sa raffle doon (yahoo!). Sa pagkanta, talagang may boses at quality ang kanyang singing prowess.
Siguro lang kaya nahirapan s’ya na umalagwa ay dahil lang sa syndrome na dapat nauna ka sa batch ng singing contest (check Sarah Geronimo, Erik Santos, Yeng Constantino, etc). Bukod doon talaga kailangan mo nang matinding X factor at pag-evolve. Hopefully makagawa pa siya ng ilang projects, nagta-teatro ba siya ?
Mark Bautista
Dati kung nasaan si Sarah Geronimo ay nandoon si Mark Bautista, hindi lamang pagdating sa kantahan kundi sa pag-arte. Isang naalala kong project nila together ay film adapation ng Lastikman na unang ginampanan ni Vic Sotto. Bukod ata dito ay kasama rin si Mark sa first kapamilya show ni Sarah, ano pa eddie Princess Sarah.
Pero gaya ng na-blog ka na noon, title Mark Bautista: Superb Singer, Proud Bisaya, ay hanga ako sa kanya dahil sa kanyang buong-buong boses at kabaitan sa pamilya. Huling balita ko sa kanya ay may problema siyang pinagdadaanan pero mayroon din siyang big musical play project. Bagay naman sa kanya ang ganyang project because he can sing, act, and dance.
Sam Concepcion
Aaminin ko na hindi ko gusto dati si Sam Concepcion, noong sumali at nanalo s’ya sa Little Big Star (Big Division) kasabay nina Gian Barbarona at Charice Pempengco (now Jake Zyrus). Feeling ko kasi nanalo siya dahil sa commercial package niya, hindi sa talent. Pero lately napatunayan naman ni Sam ang kanyang staying power, versatility and talents. Hindi nga ba’t ilang musical play ang kanyang pinagbidahan, characters sa teleserye ginampanan at isa siya sa mga young Filipino artists na kahit isalang mo sa variety show, dancing show at drama anthology hindi pakakabog.
Pero teka hindi lang yan, noong ma-meet ko si Sam sa album launch ni Christian sa Ramsky Tomas Morato ay wala… guwapong-guwapo lang ako. Saka wala s’yang ere, siguro mahiyain pero hindi mo mapi-feel na pinaplastik ka niya.
Sana madagdagan pa yung mga hit songs niya, nanatiling favorite ko ang kanta niyang Dati together with Tippy Dos Santos at Quest.
Teka bakit ba walang dancing show sa Pinas, yung hindi puro ballroom?
Christian Bautista
Bago ako, Nanay ko muna ang nagkagusto sa mga kanta at pag-awit ni Christian Bautista. Take note, nakapanood pa si Nanay ng concert ni Christian kasama sina Sarah G, Rachelle Ann Go at Erik Santos. Pag-uwi wala s’yang ibang pinuri kundi si Christian as in siya lang.
Pero daig ko pa rin si nanay (hahaha may magnanay rivalry) dahil tatlong beses kong nakadaupang palad ang singer ng The Way You Look at Me, Colour Everywhere, at Hands to Heaven. Iyong una nakapagpa-picture at autograph pa ako (ipina-dedicate ko kay Nanay) at yung pangalawa sa awards night sa Robinsons Galleria.
Wish ko ay makabalik na sa pag-awit at paggawa ng new album si Christian. Oh mayroon naman hinid lang ang nakakabalita?
Ilan lang sa obserbasyon ko sa singing contest sa Pinas
- hindi kasiguraduhan sa pagsikat ang pagkapanalo ng isang winner, kaya tama ang madalas na sinasabi ng ilang judges sa mga talunang contestants—”hindi natatapos ang journey mo rito…”
- Ang iba pang kalaban ng mga singers ay hindi lang kapwa nila singers, kundi di talaga singer pero nagkataon na sikat at medyo nakakanta.
- bakit nga pinipilit na pag-arte at pagsayawin ang mga artist na singing nga ang talent. I think ilan lang ang pinagpala sa aspeto na ‘yan ay sina Zsa Zsa Padilla (with awards) at Nora Aunor ( naman Superstar!).
2 lang ang singers na nagustuhan ko talaga at sinuportahan sa mga sinalihan nila. si Krissa Neri sa Protege at si Christian Bautista ng Star in a Million. Dami akong albums ni Christian (CDs). Kaboses ko rin daw kasi siya. lol
ahahaah ayos, tingin ko naman nasa timbre mo si Christian. Pasalamat sya di mo tinuloy ang iyong singing career… kundi hay nakuu. ahahaha
Mabuhay!