It’s been a while since I experienced awesome food trip within Metro Manila. At Mabuhay Restop, [located at South Drive, Area II, Rizal Park (T.M. Kalaw St. & Roxas Blvd.) Ermita, Manila], my search for one-of-a-kind place to eat was answered with their special Filipino dishes, interior design and Cook-a-Loka Show.
Kung tutuusin ay malayo ako sa Rizal Park pero dahil gusto ko maranasan ang dati-rating nababasa ko lang sa websites at newspapers ay pinintuhan ko na nga ang Mabuhay Restop. Magmula sa segundong pumasok ako sa kanilang pintuan, pumanik sa hagdan, manood sa Cook-a-Loka Show ni Chef Frito Supsup, matikman ko ang kanilang pagkain hanggang sa reception ng staff ay walang puwang ang pagsisi sa aking desisyon. Ang masaya pa nito ay nakausap ko si Ms. Billy de Jesus, General Manager of this very Pinoy cozy travel café and art museum, at ang veteran stage actor Dio Marco also known as Chef Frito Supsup.
Cook-A-Loka with Dio Marco
I wasn’t able to start the show ng Cook-A, but good thing naabutan ko. Swabe ng experience kasi yung nakasama namin na audience ay students of Madonna University ( a Liberal Arts university in Michigan, United States). Kaya naman nasaksihan ko kung paano naipakilala ng restaurant ang mga pagkaing Pinoy in most entertaining way.
I commend Dio Marco for giving his 100% talent. I know acting, singing and hosting are different areas and it takes a talented man to blend those things. Iyong naabutan ko ay ‘yong nagkakantahan with matching gitara yung isang American (Harana). The participants were game for that at gayon din naman sa part na tinuturuan sila how to cook. Ilan sa mga naipakilalang pagkain ang paggawa ng palitaw, rellenong bangus, sinigang at iba pa.
Swak na swak naman dito si Mr. Dio dahil ika nga niya ay passion niya ang cooking at singing. Bukod sa pagiging stage actor ay mayroon din pala s’yang sariling eatery. Kung paano naman siya natagpuan ng owner ng Mabuhay Restop, Gawad Kalinga’s front-runners in USA Alain at Rose Cabrera, sinabi niyang sa ipinasa niyang resume kay Ma’am Rose ay nakita nito ang kanyang 5-year experience bilang gondolier sa isang floating restaurant sa Macao. Part ng kanyang job description ay mag-aria music, tenor songs o kaya naman ay gumanap na chef.
“She (Rose Cabrera) said I think you’re perfect for Cook –A-Loka ,” kwento pa ng stage actor na gaganap sa titular role na Kabesang Tales sa play na sinulat ni Ricky Lee. “ When I did the first one it was a success so this is my second.”
Dagdag pa ni Mr. Marco ay medyo binago niya ang script ng Cook-A-Loka nang gabing iyong dahil ang audience nila ay mga nursing students from Michigan USA. Base naman sa aking napanood ay nahuli naman niya ang kiliti ng mga ito dahil natutuhan nila ang basic sa pagluto, putahe at kantahang Pinoy.
“You separate your personal identity to really get into the character and then discipline of course. You have to discipline yourself not to stay late at night,” paliwanag ni Sir Dio kung ano ang attitude niya bilang stage actor. Dagdag pa nga n’ya na kapag nagbabasa s’ya ng script iniisip niya hindi na siya si Dio Marco kundi ang kanyang karakter.
Mabuhay Restop: Enjoy dining inside a mini art museum
Kung baga sa hugot line, malalim at marami ang paghuhugutan ng motto in life ng Mabuhay Restop dahil hindi lamang ito about food business kundi nagsusulong din ng turismo, kultura at bayanihang Pinoy. Sabi nga ni Ms. Billy ay maraming mae-enjoy sa resto gaya ng music, theater, arts, at Filipino artists. Isa pa’y 20% ng kanilang kinikita ay ibinibigay nila sa Gawad Kalinga.
Sabi rin niya ang Mabuhay ay nakikipag-collaborate sa mga artists gaya na lang nila Nestor Torre, Ryan Cayabyab para sa Manila Vanilla. Samantala ang iba pa nilang regular show ay ang mga Kwento ni Tita Beauty, The Mabuhay Fiesta Show, The Voice Master Show ( Pocholo Gonzales), Carlo Magno Puppet Show at Mabuhay Kalilayan Show.
Sabi pa nga ni Ms. Billy ay ang mga kasama sa show ni Sir Dio ay mula sa Gawad Kalinga. Para naman sa iba pang detalye tungkol sa magagandang feature ng Mabuhay Restop narito ang video interview ko kay Ms. de Jesus.
Samantala, ang Mabuhay ay mayroon ding packages perfect for meetings ( full day, buffet, and half day) at parties.
For inquiries, tawag na lang sa 02- 359-7927 and 0917 810 8194 o kaya ay mag-email sa info@mabuhayrestops.com.
Punta na sa Pinoy Pride kainan malapit sa Rizal Park!