Movie Review: Lakbay2Love part 2


lakbay2love kit thompson

Sorry direk hindi ko ako makapag-focus

Introducing sa alternative Filipino film na Lakbay2Love si Kit Thompson. Hindi ko siya kilala dahil gaya ng sinabi ko about kay James Reid ay hindi na ako nanood ng Pinoy Big Brother after ng season 1. Pero ang guwapooooo n’ya  at pasado naman ang kanyang acting dahil nagmukha namang real. Nasa New York siya nung time nung screening at nag-a-acting workshop.  Makakatulong iyon sa kanya kasi kung  may potential meron naman siguro.  Pero sa ngayon na-o-over shadow ng kagwapuhuhan niya yung acting n’ya at siempre sa presence ng 3 pang artista sa film na sina Patricia Ysmael, Solenn Heussaff, at DennisTrillo. Sana magkita kami someday habang malaya pa ako sa next film n’ya, chuz lang!

Read Movie Review: Lakbay2Love part 1 here

Kay Patricia naman, tuwang-tuwa ako sa kanya. Actually yung mga datingan ng eksena n’ya ay yung tipong matagal mo ng napapanood sa mga patawang movie o yung pang-side kick. Pero kung hindi effective si Patricia baka nagmukhang boring yung mga sequence sa film. Maganda ang timing n’ya at hindi OA na  nagpupumilit siyang mapansin.

 

Solenn Heussaff. Na-amaze ako kay Solenn sa film na ito. Kung hindi pa naman the best, dito naipakita ni Solenn na kaya niyang maging iba sa paningin mo, kahit na alam mo naman talagang magaling s’yang mag-French. Iyong  interpretasyon n’ya ay parang si Lianne at siya ay iisang tao lamang. Personally, di ko trip ang French sa lahat ng languages kasi parang ang hirap pag-aralan. Pero dahil sa arte at delivery niya na casual lang ay teka, wait a minute na-feel ko na kaya na. Hehehe!

Iyong komento ko na  na may dating na pagka-Hollywood feel ng film kay Solenn ko halos na-feel yun kasi ganun yung acting at character niya- weird na charming na malalim pero mukhang casual lang tapos madadala ka sa emote.  Manood ka ng French films na  Love Me if You Dare (Marion Cottilard) at Amelie (Audrey Tautou) para s’yang may ganung arte pero dahil Lakbay2Love ito…   nag-ala 500 days of Summer (Joseph Gordon-Levitt and Zooey Deschanel) at Juno na hindi comedy.

 

lakbay2love Ellen Ongkeko- Marfil and leaders of  biker groups

Direk Ellen Ongkeko-Marfil with leaders of Biker Groups involved in Lakbay2Love

Dennis Trillo. Hindi kaguwapuhan dito si Dennis pero hindi ko naman sinasabing pangit. In fact, kapuri-puri kasi mamahalin mo yung acting niya kasi totoong-totoo lang. Para talaga siyang forester na ang major concern lang sa buhay ay ang mga kagubatan. Siya yung tipong panghihinayangan ko sa buhay, ahaha. Kasi ang guapo, matalino, mabait, mahilig sa sports pero ano naman ang laban ko eh gubat ang gusto niya. (Pero hindi naman nakaka-hurt kung ganun give way na lang di ba).  Pero I salute yung mga taong gaya n’ya sa totoong buhay. Mabuhay po sa mga forester sa buong mundo!

Dahil sa film na ito, hindi lamang ako nahihikayat na maglakbay sa mga gubat na kanilang ipinakita, kundi mag-ala videographer din kahit pang-hobby lang. Kay Lianne na ang Instagram, akin ang Youtube, chuz!

Congrats  sa mga tao sa likod ng film na ito, at sa kanilang mga naging inspirasyon sa pagbuo nito – ang mga makakakalikasan na mga Bikers group gaya ng Firefly. Nag-iba ang pagtingin ko sa mga bikers at sa magagawa  ng  mga simpleng Pinoy para sa kapaligiran. Ito ang dapat ang laman ng blog at Instagram!

Patalastas

Hoshi’s rate: 4.2/ 5

Dito ang invitation ng mga stars para sa mga manonood.

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

3 thoughts on “Movie Review: Lakbay2Love part 2

  • Sakura Yuki

    Tiklop Society of the Philippines – isa sa mga bike groups na kasama nila sa shootings. kasi nagpost sila ng pics sa group page habang nagsshoot.. meron nga dun ung bandang recto hehe

    ngayun lang nag iba ang paningin mo sa mga bikers? hehe sabi sau bili ka ng bike eh
    hehe kaso nakakatakot magbike papunta sa inio hehe

    • Hitokirihoshi Post author

      Oo ngayon lang siguro nakikita ko sila sa Circle at kung saan-saan. para syang hobby or sports lang sa akin na hindi mo papansinin kung hindi ka interesado unless may kakilala ka na nagba-bike gaya mo saka yung mga teachers ko nung high school. pero hindi naman ibig sabihin nun na dati pa ay wala akong paki basta environment-friendly go-go-go!

      so alam mo rin bat ako nag-aalangan na mag-bike. hehehe

      sige add ko yang tiklop society!