Movie Review: Ang Diary ng Panget 4


Pinapauso naman ngayon ang adaptation ng mga best-selling Filipino novel books na sinimulan ata ng Bakit di ka Crush ng Crush mo (under Star Cinema) ni Ramon Bautista, sinundan ng ABNKKBSNPLAko ( Viva Films) ni Bob Ong at ngayon ng Ang Diary ng Panget (Viva Films) ng isang Wattpad author na may alias na HaveYouSeenThisGirL.

Hindi ko nabasa ang novel version so ipagpaumanhin magko-concentrate ako sa kung ano ang nasa movie lamang.

Trailer pa lang ulam na: James Reid & Nadine Lustre  

Noong napanood ko ang trailer ng Ang Diary ng Panget (DnP), nalaman ko na ang mga bida ay hindi ko mga kilala kaya mas nahikayat akong manood. Siguro para fresh naman at saka para feel good lang, iba rin kasi ito sa ABNKKBSNPLaKO nina Jericho Rosales, Andi Eigenmann, Vandolph at Meg Imperial na pinanood ko rin sa sinehan.

Sa movie house, masasabi kong mabenta ang movie. Yung katabi ko na lalaki panay ang kumpara ng nabasa n’ya sa book, kilig na kilig ang maraming girls lalo na kapag nagpapakita ng katawan si  James Reid ( act as Cross Sandford) o kung may moment sila ni Nadine Lustre ( played lead character Reah “Eya” Rodriguez).

Movie poster: Ang Diary ng Panget

Movie poster: Ang Diary ng Panget

Same old  story with fresh young actors

Oo cliche ang plot ng story – rich handsome boy meets poor ugly girl. Ang pinakamalapit kong naalang  gaya nito ay ang BFGF ng TV5 starring Alex (dati Tin) Gonzaga and Kean Cipriano. Personal maid din doon si Tin at emotero din si Kean.  Pero  nadala ang movie ng fresh faces,  cute supporting cast and  wacky set up. Malapit ng pumasang live action ng isang anime series ang effect.

Kung acting and appeal pinakagusto ko si Chad na ginampanan ni Andre Paras. Above average ang grade ko sa performance ni Andre dahil kwela talaga s’ya kuha niya ang komedya ng dad niyang si Benjie Paras. And hindi naman kataka-taka na maging crush siya ng bida dahil sa kanyang tangkad at  kagwapuhan. Pinakagusto ko yung moment niya noong iniligtas niya si Eya sa mga kidnappers.

Nakakapanghinayang na hindi ko napanood ang Kaleisdoscope World kung saan unang nagbida si Yassi Pressman. Mahilig pa naman ako sa dance films. Pero rito sa DnP, okay ang acting niya with her British accent ( half British talaga siya).  Bilang sidekick ng bida at someone na kaagaw ni Eya sa love, good thing hindi pinili ng author na gawing bad si Lory. Kasawa na rin na gawing kontrabida ang best friend dahil sa isang lalake.  Pinakagusto kong eksena niya ay ‘yong kinastigo niya si Eya sa horror house.

After season 1 ng Pinoy Big Brother, never na ako nanood nito so hindi ako aware kay James. Hindi rin ako basta napapahanga ng guapong mestizo tapos walang talent. Sa movie, may ibubuga siya. Pero sana wag lang s’yang maging batang version ni Sam Milby or Gerald Anderson. Siguro bagay sa kanya yung dating appeal noong teenager pa si Patrick Garcia ( kinumpara ko rin hohoho) pero iba pa rin ang twist.  Halos lahat ng eksena n’ya sa film ay trip ko puwera yung aminan portion. Wala lang parang na-disorient ako– weird.

Singer din pala si Nadine pero kahit speaking voice pa lang niya ay may dating na. Klaro at nag-e-emote. Over all ay  ayos ang interpretation niya sa lead character.  Para bang- alam mong acting pero feel mo na hindi kasi totoong nakaka-relate ka sa emote niya. Saka may timing ang comedy niya, hindi yung maganda na nga yung dialogue hindi pa naibitaw nang maayos. Nakakilig yung mga moment niya as Eya kay Cross at Chad pero mas feel ko s’ya with Chad. Para silang ewan.

 Additional flavors: Filipino music and vibrant sets

Para sa akin nakadagdag sa flavor ng movie yung Original Pilipino Music dito na mismong ang mga bida ang kumanta. Catchy yung No Erase (  nina James at Nadine), Di Ko Alam ( nina Yassi and Andre) at Paligoy-ligoy ni Nadine.

Isa pa ang colorful ng mga damit ng mga tauhan. Kahit pa nga yung mga ekstra lang ay bibigyan mo ng pansin like yung landlady, pawisang agent at yung 3 admirers ni Cross.  At in fairness talaga sa mga pimples ni Eya uma-acting din.

Isusunod na nila ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ni Bob Ong, iyon nabasa ko na!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

4 thoughts on “Movie Review: Ang Diary ng Panget