Sa Part 1 ng tsika ko about Jericho Rosales nasabi ko na more of trivia ang babanggitin ko sa (very late) part 2 na ito. Pero bukod dun ay gumawa rin ako ng more than 18-minute video ng aming interview portion. If you read my past posts gusto ko talaga subukan ang video blogging o vlogging ng seryoso. So our encountercome perfect at kaya naman tumagal, itinaon ko talaga sa 6th anniversary aspectos de hitokiriHOSHI.
BTS: Hoshi’s First ever edited Video blogging
Matagal na ako may Hitokirihoshi Youtube Channel pero nito ko lang as in dini-discover ito, including yung editing, paglalagay ng logo, and other stuff. Itong Echo’s video ang first time na nag-try ako na pagsama-samahin yung mga videos (editing). So hopefully pagbigyan n’yo na kung lousy pa yung pagkakagawa at tadtad ng mark kasi huli ko ng nalaman yung paglalagay ng logo. May part din dito na mahina ang audio at mala-audio visual presentation lang. Ang behind the scene (BTS) d’yan ay na-full na ang memory card sa digital camera ko kaya habang nag-o-audio recording (buti na lang) ang 8-year old mobile phone ko ay nagpapalita ako ng memory card.
By the way, it’s my dream to do a magazine talk show video blog (and isa talaga si Echo sa pangarap kong ma-meet in person). I like to interview/feature showbiz personalities, businessmen and inspiring individiuals. Gaya ng casual at one on one tsikahan namin ni Echo, ganun lang ang feel ko. Nag-title lang ako na ganitong segment (yes sumi-segment) na Kwentuhan with Hitokirihoshi for interviews and Kwento’t Ganap (for events and other feature stories) ni Hitokirihoshi.
Matutuwa naman kayo kasi hindi pa rin ako makikita sa camera, pero maririnig n’yo ang boses ko hehehe. Tsika lang ulit, I posted this video nung Feb. 13 pa at ‘di ko muna ibinahagi sa blog at social media accounts ko. Gusto ko kasi ma-blog muna ang tungkol dito at hinayaan ko lang na naka-public to check kong makaka-earn ng views ( ay meron nga). Hopefully, dumagdag ka sa maliit na bilang ng aking Youtube channel subscribers. Thank you in advance J!
Interview with Jericho Rosales
Nabanggit ko na yung feel kung kumusta si Echo sa personal at hindi ko na rin isusulat pa rito yung napag-usapan namin. Pero for guide lang, ito ang content ng video:
Hoshi’s Q: Mas may growth ba ang actor kapag nakawala na s’ya sa love team? Echo said something about Kristine Hermosa sa part na ito 1:
@ 2:00 Hoshi’s Q: Sino-sinong actresses ang gustong makatrabaho ng Esperanza star o tingin n’ya magaling – dito yung may mahina audio. By the way, kung di man ako ang una, ay isa ako sa una n’yang napagsabihan tungkol ky Kathryn Bernardo (this interview ay naganap noong Jan. 16 pa).
@4: 26: The Legal Wife star’s dream roles or projects to do
@6:01 – If Echo wants to do more independent films at kung may Alagwa part 2 pa ba?
@7:00 – The Bridges of Love actor shared about home music video na dinirek n’ya.
@8:00- Hoshi’s Q: Ano ang nami-miss na gawin ng Mr. Pogi 1996 nung hindi pa s’ya artista at sikat?
@9:48- Hoshi’s Q: Paano mag-react ang Walang Forever actor sa kanyang mga bashers?
@11:00- Sino ang pini-peg o nais sundang actor ng original Panday actor sa TV?
@12:25- His top favorite Fernando Poe Jr’s film, Ang Mananandata
@13:31- Anong favorite Films ng original leadning man sa first Pangako Sa Iyo TV series?
@15:53- Hoshi’s Q: Ano ang reaction Kim Jones ( Echo’s wife) sa Walang Forever
@17:36: Hohshi’s Q: Open ba ang Forevermore actor sa paggawa pa ng Superhero series gaya ng Zorro
@17:50: Echo’s reaction on Richard Gutierrez na bagong gaganap na Panday sa TV5