16 Actresses Who don’t need Ka-Love Team


Maraming sikat na artist ngayon ang kabilang sa love team o kung hindi man ay nanggaling sa love team.  Sa palagay mo ( kahit na ikaw ay fan), sino sa mga actresses ngayon na hindi man totally ihiwalay sa kanyang on screen partner ay yakang –yaka na ang mag-solo. Ito ang listahan ko at gusto ko sila mapanood sa big screen:

Love team I: Issues of Love teams in Pinoy Showbiz

Love team part II: Disadvantages of love team

  • Kim Chiu– For me napatunayan na ni Kim ang kanyang pagiging bankable star TV at pelikula. Yung dalawang movie nila Xian napanood ko lalo na’t crush ng  ate ko si Xian.  Pero pagso-solo ang pag-uusapan magandang bigyan sana ng mas matindi pa istorya at  mabigat na character si Kim pero malay natin nandyan na ‘yan sa  The Story of Us. Pansin ko lang kasi ay may mannerism pa s’ya na kailangang mawala kapag umaaarte siya ( it has something to do with her balikat at pagpikit)
  • Sarah Geronimo– same with Kim, bankable si Manay Sarah pero nalaman ko na gusto n’ya na gusto naman n’yang sumubok ng ibang genre at hindi na rom-com. Go Girl!  My Suggestions are remake ng Kaputol ng Isang Awit or any light drama na mala Easy A(Emma Stone).
  • Glaiza de Castro– she’s an underrated actress pero versatile siya. Kung makukuha lang na ma-boost pa ang kanyang karera.
  • Angelica Panganiban – Napanood ko ang Santa-Santita at medyo ang Rubi… siya lang sa henerasyon niya na pwedeng bida-kontrabida. Though okay din noon si Sunshine Dizon (Bakekang). FYI: Ang kanyang reel and real love team noon ay Carlo Aquino
  • Julia Montes– maikli lang… Malaki ang potensyal ng batang ito at s’ya rin ang tingin ko na magaling na magbida-kontrabida. ( naging ka love team si Enrique Gil and Coco Martin)
  • Rhian Ramos – napansin ko lang sa Kapuso, marami silang stand alone actress pero bihira ang actor. I believe given the right formula and time,  may iaangas pa si Rhian. Gusto ko ang personality nya- parang cowboy lang. (no exact former ka-love team – JC de Vera and Richard Gutierrez)
  • Kyllie Padilla –  ito walang halong acting or  what pero para sa akin malakas ang dating ni Kyllie. Siya iyong Kikay pero sporty.  Puwede syang hubugin ala Jennifer Garner sa Alias , same with Bea Benene. ((no exact former ka-love team)
  • Lovi Poe– acting and versatility although kailangan pa ata n’yang patunayan ang pagiging bankable actress n’ya sa film. Sa indie okay na, sa mainstream na lang ( former ka love team Cogie Domingo).
  • Julie Ann San Jose – Tingin ko puwede s’yang maging tipong Sarah G . Siguro magandang sugalan sya ng isang solo light teleserye ng GMA.

 

Tried and tested actresses from love teams  

  • Walang Forever poster_hoshilandiaJennylyn Mercado– (Adult/ Matured Rom-Com Queen) with her new film with John Lloyd Cruz and success projects with Derek Ramsay at Jericho Rosales.  Mabenta si ateng! Sana masundan siya ni Kim pagdating sa pagtanggal ng mannerism kasi dati mahawi sa buhok at pala-kunot ng kilay si Jen. Hindi ko napansin yun sa English Only Please. FYI, naging reel and real couple sila ni Mark Herras.
  • Angel Locsin– naman! FYI, ang perennial tandem niya sa especially sa movie ay Richard Gutierrez
  • Bea Alonzo– naman ulit! Though aminin natin na iba lakas ng tandem n’ya with John Lloyd Cruz.
  • Marian Rivera– of course!  Sana i-try naman n’ya ang drama or dance film. Nanawagan ako kay Mother Lily. Hehehe. Suerte ng DongYan humantong sa kasalan ang Marian at Dingdong Dantes tandem
  • Jodi Sta. Maria– gaya ng nabanggit ko sa Part 1.
  • Toni Gonzaga – Multimedia star at bankable nga si ateng kahit kanino mo i-partner ( Sam Milby, Luiz Manzano, Vhong Navarro, Piolo Pascual and John Lloyd Cruz).

On four ladies of the four hottest love teams today

  • Nadine Lustre – Well identified pa s’ya kay James Reid at tingin ko kahit kaya n’ya na mag-solo hindi pa kakayanin ng Jadine.  Yung tsika ko ay base sa naobserbahan ko  sa tandem n’ya with  Kean Cipriano (music project), Joseph Marco at Paulo Avelino. Hindi ito usapang chemistry o box office, kundi ang kakayahan n’yang mag-adapt o pag-arte depende  sa kasama n’ya sa eksena.  Sa On the the Wing of  Love at usapang rom-com effect, balikan mo yung acting nya noong nag-dare sina Clark at Leah sa SanFo na may bading at yung dinner date (yung biglang dumating si Clark) nina Simon at Leah na umiinom sila ng wine.  Yung kay Simon, ang cool nung nagtaas sila ng kilay pareho to tease each other na mag-smile. Basta magkaibang Leah ang dating noon for me.
  • Liza Soberano– Aaminin ko dini-discover ko pa lang si Liza at isang project pa lang ng LizQuen ang napapanood ko ang Just The Way You Are.  Pero base sa nababasa (Noel Ferrer’s  opinion), video clips sa Youtube, at sa mga interviews niya ay maganda ang personality ni Liza at maganda ang future. Of course, I agree 100% na maganda s’ya at may boses s’ya para i-develop sa pagkanta.
  • Maine Mendoza– masyado pang maaga para isipin na paghiwalayin ang AlDub nila Alden Richards. Pero sa napakalakas na hatak nila, ito na ang moment niya to explore yung puwede. Btw, gusto ko yung idea na si Maine ay cool lang sa pagtanggap ng project. Parang ang layong isipin na ma-showbiz s’yang tao at yun ang X factor niya.
  • Kathryn Bernardo– Gusto ko ang beauty ni Kathryn and personally, na-witness ko ang lakas ng hatak ng tandem ng KathNiel nang mapanood ko ang She’s Dating The Gangster.  Pero s’ya sa tatlo ang nahihirapan akong ma-visualize na kaya n’ya ang mag-solo. Siguro sya sa tatlo ang napanood ko mula pagkabata- mula Super Inggo, Endless Love,  at Got to Believe. Hindi ko napanood ang Pangako Sa Iyo version nila so baka I missed yung chance na Makita yung growth pa nya as an actress. I think she’s a good actress pero di pa ako sure kung kaya n’ya na. Siguro baka ‘pag magandang material.  By the way, ayon nga kay Jericho Rosales ang laki ng… watch this video

 

note: naniniwala ako na malakas pa rin ang KimXi, pero level up na si Kim at pang next category na s’ya.

https://www.youtube.com/watch?v=MmOVU3ENdTo

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.