Mabuhay ito ang second part ng Climbing ko sa Mt. Pamitinan sa Brgy. Wawa, Rodriguez Rizal, the first mountain I hiked bilang adult ( :p) hehehe ). Sa two-part series post ko ay ibinahagi ko ang 8 Lessons I learned in Hiking at Mount Pamitinan.
Lesson 6. I am moderate aggressive sa height
Climbing and reaching the summit were enough proofs to test kung may fear ako sa height. Hindi naman ako gaanong nalula, maliban sa nung pumunta na kami sa pinakamanipis na part sa tuktok at pumikit ako para sa pictorial – a gentle reminder na mas may fear ako sa ‘di ko nakikita at unknown, charrot! Pero may mga kasama ako gayanitong si Bacharo na roon pa sa gilid ng bundok nangpakuha na konting maling galaw hello tsuk-tsak…epic fall.
Lesson 7: Reflect and appreciate Mother Nature
What I really like in any nature trip is the unexplained amazing feelings because you discover and experience wonderful views. Natural wonders are different from other kind of tourist spots because the bottom line and logical reason you can think is there’s magical God who created them. Isipin mo na lang paanong tumaas ng ganun katayog ang lupa o mga bato? Mabuti rin na maging mapalit ang tao kay Mother Nature para mapamahal at alagaan n’ya ito.
Lesson 8: Respect for climbers
To be honest, mas gusto ko pa rin ang snorkeling kaysa hiking for personal reasons like less pagod, mas malaki ang chance na masagip ako ( unless may Ironman na kayang mag-levitate) just in case, at iba rin ang makakita ng mga sea creatures. Subalit, ang hugot ko dito ay you’ll never know how strong you are (hi Bob Marley) or how high you can go unless you climb. Mas makikilala mo ang sistema at sarili mo kapag may inaambisyon kang akyatin kahit pa sa bandang dulo ay baba ka rin at iiwan ito. May tama rin si Miley Cyrus, it’s the climb.By the way, uso rin sa taas ang pagsasabi ng “ingat,” “pa-advance po,” at “salamat.”
Sa ngayon, tama na muna ang mountain climbing experience ko na iyan and thankful ako dahil nasubukan ko man lang sa buhay ko. Let’s see kung mauulit ulit …parang masarap din kasi i-explore ang Mt. Makiling ulit (college days) at Mt. Banahaw.
Lesson 1: My first mount climbing was for a cause
Hindi ko alam na for a cause of climbing namin dito sa Mt. Pamitinan. Nakakatuwa. Nalaman ko na lang nung binibigyan kami ng shirt ( part of fee) na nakasulat na “I Climb, I Care, I Share.” Mabuhay sa Dayo Outdoor group sa kanilang mission at pagha-hiking!
[hana-code-insert name=’Rizal Travel Book’ /]
Pingback: What I am afraid of: 18 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI