Nagbabalak o ready na magpakasal? Siyempre, isa itong historical moment kaya gusto nating romantic at stunning ang vibe ng simbahan. Kung naghahanap ka, narito ang 5 picture-perfect churches for weddings na napuntahan ko.

San Sebastian Church (Basilica Minore de San Sebastian)
Nakilala ko ito bilang wedding church nina Donna Cruz at Dr. Yong Larrazabal. Simula noong makarating ako rito ay hindi pa rin nawawala ang aking paghanga sa instraktura nito. By the way, ito ang kaisa-isang simbahan na gawa sa bakal (na inangkat pa sa Belgium ). Itinanghal na rin itong Philippine Historical Landmark at National Cultural Treasure.
Sa experiences ko ay buhay na buhay talaga ang choir group nila. Kaya naman awesome ang live background music kapag naglalakad na ang wedding entourage. Kung usapang photography, tingin ko kailangan nang mahusay na wedding photographers para talagang ma-capture ang magandang moment at ambiance sa simbahan. Maganda ang ceiling, doors, altar, painting, aisle at lalo na ang chandeliers. Pero kung mali ang timpla ng lighting makakaapekto sayang lang.


St. Jerome Parish, Morong Rizal
Isang beses pa lang ako nakapunta sa simbahang ito pero hindi ko makalimutan ang aking pagkamangha. Façade pa lang ay bentang-benta na. Animo’y nakita mo na ito sa mga lumang movie o litrato. Ayon sa marker, 1850-1853 nang gawin ni Bartolome Palatino na taga-Paete ang front-piece at belfry nito. Subalit, ang unang impraktura nito ay nagawa noong 1586 at pagkatapos ng 1612 (after masunog) ay sinimulan itong itayong muli. May mga Chinese craftsmen umanong tumulong para magawa ito. Ang patunay ay ang dalawang batang lion na nakaukit sa entrada nito.
Bongga ang hagdan paakyat sa pintuan. Magkakaroon ng effect at saysay ang mahabang tela sa likod ng wedding gown pag nagkataon. Medyo may kasimplehan na ang retablo rito pero magara at solemn na kung tutuusin, sakto para sa mga seryosong magmahal. Naks!


Rekomendado ko rin puntahan ang St. Joseph Parish, Baras Rizal at Sta. Ursula Parish, Binangonan kung usapang classic at old wedding church ang trip mo.
Majayjay Church, Laguna
Ang totoo n’yan maraming klasik at panalong simbahan sa Laguna kabilang na ang Liliw at Nagcarlan. Pero talagang nabighani ako sa Majayjay Church o San Gregorio Magno Parish Church. Papayag nga ako na rito ako ikasal kahit taga-Kyusi ako. 😉
Taong 1571 nang itinayo ang unang bamboo version ng simbahan, pero 1616 na ang original stone version. Ang façade nito ay ‘di tulad ng gara ng Morong at San Sebastian pero may simple elegant and classic vibe. Sa loob, doon mo mapi-feel ang pagka-solemn na habang papalapit ka na sa altar. Baka masasabi mo na nga lang “ayyy grandyosa ang kasal ko!”
Sa ibang banda, maraming paliguan sa paligid ng Majayjay, partikular na ang mga cold spring resorts. Kaya kung gusto mo ng chill na wedding receptions—this is it!


Our Lady of Mount Carmel Shrine Parish (Broadway, QC)
Nag-iisip ako kung alin ang mainam na simbahan na pangkasal sa mga napuntahan kong Churches in Quezon City. Kung ‘di man ang pinaka ay isa ang Our Lady of Mount Carmel Shrine Parish para sa akin. Bukod sa façade, sa altar, sa haba ng aisle; malaking factor din ang tahimik at malaking parking space sa paligid nito. Malapit din ito sa Broadway Centrum at Robinsons Magnolia. Kaya, madaling magsabi ng landmark sa mga kakilala o matumbok ang location.


Santuario De San Vicente Paul
Ang isa sa papasang may stunning look, malaki ang parking area, may reception venue, at searchable ay ang Santuario De San Vicente Paul. Ang simbahan na ito ay nasa Quezon City rin. Nakadalo na ako ng kasal rito at ang reception ay sa likod lang ng simbahan. Ang bongga at conveninece ‘di ba? Ang pleasant naman nung area na yun.
Paco Park Church o St. Pancratius Chapel
Ang Paco Park Church o St. Pancratius Chapel ay ang maliit na simbahan sa loob ng Paco Park. Kung trip mo ang intimate wedding pero classic at medyo creepy ang dating ay bagay ito sa inyo. One-of-a-kind ito dahil sa nakapaligid na lumang libingan at mala-Intramuros na istraktura.
Dito unang [patagong] inilibing si Dr. Jose Rizal at tatlong Pareng Martir na sina Father Jose A. Burgos, Father Mariano C. Gomes, at Father Jacinto R. Zamora. Kung tama ako ay dito ikinasal sina Kamikazee vocalist Jay Contreras at former child star Sarah Jane Abad. Bakit intimate? Maliit lang ang loob ng sinbahan na may kapasidad na lagpas 150 katao.



Paoay at Bantay Church in Ilocos
Sa ibang banda, paboloso rin ang arkitektura ng Paoay Church o St. Augustine Parish Church sa Ilocos Norte at Bantay Church o Shrine of Our Lady of Charity sa Ilocos Sur. Ang Paoay Church, na may Baroque style ay isa sa nadeklarang UNESCO World Heritage site at National Cultural Treasure.



Ang Bantay Church naman ang pinakamatandang simbahan sa Ilocos at kagila-gilalas ang Bell Tower nito na nakahiwalay sa simbahan at literal na maraming kampana na ang mga tunog at purpose ay depende sa okasyon gaya ng pangkasal, pang-patay at iba pa. Sinasabing dito raw kinunan ang ilang eksena sa Ang Panday 1981. Sa dalawa mas bet ko ang Bantay Church.


