I already tried spelunking, snorkeling, and trekking, but not hiking prior to our adventure at Mt. Paminitinan Rizal. How’s the experience for a first time mountain climber? I learned different things before, during, and after this outdoor activity nearby Metro Manila.
Honestly, I read blogs about hiking experiences sa at Mt. Pamitinan days before ng aming akyat. May pagkakakataon na natakot na ako sa reviews pa lang at sa diwa ko bakit ko nga ba pahihirapan at ilalagay sa peligro ang sarili ko. But tumuloy na rin ako because of word of honor, curiosity, and test my limit. Nagdesisyon akong huwag ng bumili ng sapatos or sandals na pang-hiking so iyong running shoes ko, na huli (actively) kong ginamit noong 2012, ang sinuot ko. Mas gumastos ako sa pagkain gaya ng chocolates, jellyace, at peanut na hindi ko naman halos nakain.
Lesson 2: Mt. Pamitinan is already famous for hikers
Hindi sumagi sa utak ko na may nagbebenta ng mga gloves, hats, bandana, at saka yung isinusuot sa bisig doon. Noong dumating din kami (6 or 7 am) marami na ang nakatambay at naghahanda para sa kanilang hiking. Mayroon din dun makakainan at palikuran para sa mga kagaya namin. So malayo ito sa imagination ko na kailangan magdala ng ekstrang mahahalagang gamit kasi walang mabibilhan. Resulta pahirap sa back!
Lesson 3: Hiking tests your stamina
Malaking abala ako sa grupo namin especially sa leader na si Lio, na hindi nag-give up sa akin. Alam kong mahihirapan at mapapagod ako pero hindi ko akalain na mahihilo at mamutla ako na tipong anytime mahihimatay. Dito tama ang hinala ko na kapag nag-try ako ng hiking, malalaman at masusubukan ko ang limitasyon ng katawang lupa ko. Buwiset lang di man lang umabot nang malayo hehehe. Pero better na magsalita na rin ako, hindi dahil sa gusto ko lang, kundi para sa health ko. Nakakalakas din ng loob yung motivation at matuwa yung mga kasama ko na makita ako sa itaas ng bundok. Advice? Better na ikondisyon ang katawan like tamang tulog, exercise, at mindset.
Lesson 4. Some parts of Mt. Pamitinan has pointed stones/ marbles so wear durable hiking shoes
I think tama naman ang desisyon ko na mag-running shoes (may nabasa rin ako na iyon ang payo) para protektado ang aking mga paa. Iyon nga lang hindi na kinaya ng elderly shoes ko ang matutulis, makikitid at mababatong bahagi ng bundok. Tipong kung ‘di makapal swelas ng sapatos ko tusok ang talampakan ko.
Pero ito iyong gusto kong part lalo na siguro kung di paakyat kasi iba rin yung challenge ng gravity pataas at pababa. Kahit ka-stress nakakatuwa yung puzzle na saan at paanong pagbaba at pag-akyat ang gagawin mo. Sabi nga ni Lio, titingin ka rin muna sa inaakyatan, huwag lang yung sampa ng sampa.
By the way, isa iniisip ko ay bakit pinapatungan pa ng shorts ng mga kasama kong girls ang kanilang leggings. I thought for fashion lang yun, iyon pala need din additional protection iyon para sa puwet mo – buti na lang walang kumuha ng behind ko baka butas na pala ang jogging pants ko hehehe.
Lesson 5. Buko juice and stores at Mt. Pamitinan
Huwag kang gumaya sa akin na nagdala ng 2 bote ng tubig at sangkatutak na gamit, pasakit lang sa pag-akyat. Una ay may 3 or 4 na bilihan sa magkakaibang parte ng bundok ng buko juice, saging at iba pang na kailangan i-intake ng climbers. But of course, expect mo na mas mataas ang puwesto, mas mataas ang presyo- umaakyat din naman ang mga tindero. Sa ibaba ang halaga ng buko juice ay Php5 at sa tuktok ay Php 15 at ang mineral water ay around Php 45 ayon sa pagkakarinig ko.
Sundan ang part 2: Lessons 6,7, 8, and 1
[hana-code-insert name=’Rizal Travel Book’ /]
Naman.
Nawala lang ako ng matagal, English speaking na agad si Hoshi?
Hahaha
I love it!
Tagal mo kasi, napaaral tuloy ako charrot!