Balitang Sining: Premier Pinoy Designer helps Habitat, NCCA’s Arts in Public Spaces


since ancient civilization, art has many purposes like it can be an outlet for self-expression and material for communication. Today, different art forms serve as tools for meaningful causes like what Habitat for Humanity Philippines and National Commission for Culture and the Arts advocating.

 Art for a Cause: furniture designer’s tandem with Habitat

Isang premyadong furniture designer at Pinoy pride si Kenneth Cobonpue.  Tinagurian s’yang “Rattans First Virtuoso” ng Time Magazine [2007], nakatanggap ng grand prize mula sa design competitions sa Japan, Singapore, at Hong Kong. Kinilala rin ang kanyang galing sa American Society of Interior Design at French Coup de Coeur award.   Dagdag pa dito ay ang ilan niyang nagawang proyekto para sa iba’t ibang kompanya sa loob at labas ng Pinas.   Kabilang na rito ang White Palm Hotel [Cannes France], W Hotel Maldives, Fontana Hotel [Portugal], Westin Resort [Guam] at iba pa.

If you want to have products of his superb talent inside your house [like Brad Pitt and Queen Sophia of Spain], the Habitat Ambassador donates pieces of his First Light Collector’s Edition, which Habitat for Humanity is now selling for their fund raising campaigns. For Php 3,500 you’ll get a set of three First Light lamps and help to build houses and small communities. If you do, papasa ka ng art collector with a heart 😉

Para sa katanungan,  makipag-ugnayan kay Tosh Arriola [ 846-2177 local 160]

Arts in PUBLIC SPACES para sa Kultura

Nahuli lang ako ng pagpo-post pero bukas [June 5, 2016] ay ikalawang araw at huling bahagi ng ‘Storytelling at the Rizal Park’ na gaganapin sa Children’s Playground area mula ika-tatlo at ika-lima ng hapon. Ang nasabing aktibidad ay   bahagi ng proyektong Arts in Public Spaces’ ng NCCA at National Parks Development Committee (NPDC).

Credit: NCCA Public Affairs and Information Office

Credit: NCCA Public Affairs and Information Office

If you miss this one, don’t worry may iba pang puwedeng puntahan kada weekend sa Rizal Park:

Hunyo 11 at 12                  Baybayin Writing and Calligraphy Workshop at Henna Tattoo Workshop kung saan tampok ang  tinatawag na “Baybayin fonts”

Patalastas

Hunyo 18 at 19                  Basic silkscreen printing activity sa Senior Citizen’s Garden

Hunyo 25 at 26                 Idoodle Ballpen Art activity sa Binhi ng Kalayaan Garden

Hulyo 2 at 3                         Paper Origami at Pabalat Making sa Japanese Garden

Hulyo 9 at 10                      Larong Pinoy at Kite-making Workshop sa Burnham Green

 

Para sa akin malaking tulong ang mga proyektong ito para mabigyan saysay at kulay pa ang halaga ng sining para sa iba’t ibang tao. Dahil ang sining ay hindi lamang  tungkol sa talento at para sa iilang tao, kundi para rin sa kultura, komuninad, at pagkakawang-gawa. Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.