Paano makapag-move on: How to accept job rejection?


Paano nga ba ang makapag-move on sa mapait, mapakla, at tienes na job rejection? Bakit parang even you did your best, it wasn’t good enough? Narito ang mga tips how to accept failed job application and why it’s also considered a good thing somehow and someday:

It’s not you, it’s them too: culture fit at job rejection

job rejection is like shopping
Parang damit din yan, pag namimili dapat sukatin sa may fitting room (photo: Mhona at Myeungdong Market, South Korea)

Napakinggan mo na ba ang linyang “it’s not you, it’s me or it’s my fault” from someone?” Ganyan din ang job rejection, hindi kumo’t hindi natanggap ka ay weakling, incapable, and incompetent ka. Minsan nasa HR Officer at management ‘din ‘yan, may opinion silang opinion lang nila sa iyo. Puwedeng tama sila pero malamang hindi rin. Puwedeng quirky ka, tapos strict and conservative sila. Hindi kaya, iba ang style mo sa trip mo nila?

Kung ganoon din lang, hindi ba na-save mo rin ang sarili mo sa pagiging unfit mo sa culture or work environment nila.  Maraming umaalis sa trabaho, hindi dahil mababa ang sahod kundi dahil hindi sila satisfied sa management, culture, and business structure ng kanilang company.

Don’t focus on the company, prioritize your values and dreams

Isa ito sa na-realize ko sa ilang taon nang pagtatrabaho. Bakit ko nga ba ipinagsisiksikan ang sarili ko sa kompanyang sikat lang? Dumating yung point na kahit ‘di ko trip masyado o maalam sa work ay gusto kong apply-an dahil sa company. Mali pala iyon at inadya talaga ni Lord sa halos lahat ng pagkakataon na huwag akong mabulag sa ganoon ideya.

At the end of the day, yung job mo mismo ang importante. Talaga bang passionate kang gawin ‘yan, may growth kang nararamdaman, at kumikita ka ba nang maayos?

Iyong kompanya dagdag prestige na lang. May ibang company mabango lang sa pangalan, pero hindi mo mapi-feel na tinatrato ka nang tama. Siguro mainam din yung mga HR officer na magaling kumilatis at kapag na-reject ka, isipin mo naligtas ka pa nila.

Ponkan ka, tapos dalandan lang sila?
Kung ang dalandan maasim at rich in vitamin c, ikaw?

Share ko lang din…yung company na in-applya-an ko ng ilang beses dati ay later on s’ya namang ilang beses kong ginagantihan tinatanggihan. Wala naman sama ng loob at mag-apply din ako ulit siguro doon, pero Change of direction lang ang peg ko ngayon.

Patalastas

You need more practice to test your power vs job rejection

Kung tama ako ay nakalagpas pitong sideline jobs na ako. Iyan ay bukod sa full-time office-based jobs ko. Suwerte ba? Hindi ko inisip ‘yan, kasi ang hindi alam ng iba at hindi ko na rin binibilang ay ilang beses din akong nakaranasan ng job rejection. Siguro sa 7 sideline na ‘yan, may pinagdaanan akong 14-21 interviews.  Payo nga ni Jennyln Mercado sa English Only, Please:

“Wala naman magbibilang kung ilan beses kang nagpakatanga ‘di ba?!”

Totoo rin ‘yan sa pag-a-apply ng trabaho. Ang paki lang ng ibang tao ay kung may trabaho ka o wala. Wala silang paki kung ilang resume ang iyong pina-print, nakailang pakuha ka ng 2×2 or 1×1 id photos, nabasa sa kilikili mo yung brown envelope o kung nakailang kuha ka ng clearance. Pero kahit kabanas ‘yang iba d’yan ay malay mo ay  may tutulong sa iyo  na makapag-recommend o makapag-research. 

Kaya ang mahalaga ay paano mo mapapaigi ang iyong sarili sa exam o interview/ Yang mga interview na ‘yan ay kakabahan ka kapag…

Durog ka na ba? Job rejection is indeed hurts
Durog ka na ba? Di bale, may asim ka pa este tamis ka pa naman gaya ng choco chips na ‘to.
  • Iilan pa lang ang napupuntahan
  • Hindi ka nagpa-practice at
  • Higit sa lahat ay di mo kilala ang iyong sarili para mai-market mo.

Parang direct selling din yan, hindi mo alam kung ilan beses ka mare-reject at anu-anong klaseng tao ang pagbebentahan mo. Pero kung may tamang mindset ka –go go go go ka! Tanong, sanay na ba  ako sa interview?  Oo. Magaling na ba ako sa interview? Hindi! Eh sa exam? Lalong hindi!  Pero habang napapadami ang experience ko, lumalawak ang pang-unawa ko. Malapit-lapit na nga ako sa point o mindset na nagpapa-interview para lang

  • ma-test ang skills ko ( nag-improve na ba ang tumbling at kembot ko charrot)
  • worth ko (puwede na ba itaas ang talent fee?)
  • Industry (baka naluluma ako kesa nababago?)
DFA passport  processing  1 by hitokirihoshi
Are you in or out?

Mas sanay ka pala ma-reject  ay mas nagiging kampante ka sa interview. At kahit hindi ka talaga magaling ay para kang magaling. Kailangan mo lang din patunayan siempre sa kanila at sa sarili mo na may ibubuga ka. Nag-improve at nagbago ka. Saka ‘pag ang focus mo ay hindi sa emotional side, kundi sa lohika ng proseso ay maiintindihan mo na hindi lang job ang pinapasok mo, kundi ano bang career ang tinatahak mo.

Apply diversification for diversion

Isa talaga sa favorite word ko ang “diversify” lalo na sa career at personal finance. Kung ‘di ka pa aware ang “diversification” ay isang paraan para mabawasan ang risk sa iyong mga investments. Para maiwasan na malugi ka, kung sakaling may crisis, dapat nakalagay sa magkakaibang (diverse) investments ang iyong pera. Parang ang dialogue ay “malugi ka man sa isa, may mga reserba at alternatibo ka pa.” Ganern!

Sweet Panghimagas
Hindi lang candy at chocolate ang sweet, marami pa.

Sa job application, may priority companies/ work pero dapat hindi ka lang doon nag-apply. Para kapag tinanggihan ka, yung “hurt” (na-windang mong ego) ay kailangan mong kalimutan kasi may exam at interview ka pang aasikasuhin. Iyon na ang pinakamatinong at logical diversion para sa akin. Bukod pa siempre sa constant na pagpapabuti ng sarili.

So don’t be sad, accept failures to gain strength! Sabi nga ni Harry Potter book author J.K Rowling: “It is impossible to live without failing at something, unless you live so cautiously that you might as well not have lived at all – in which case, you fail by default.”



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.