Ano ang halaga ng pagba-budget sa wealth, health, at environment?


Maraming Filipino ang gustong maging mapera (rich or wealthy) kaya marami ang naghahangad na  magkaroon ng multiple income streams at handang mamuhunan (invest).  Ayon sa mga natutuhan ko ay to become financially stable ang basic steps ay mag-ipon (save), mag-invest, at iwasang magkaroon ng bad debt (oo may good debt).  Subalit, ang isa pang vital step na hindi dapat makalimutan ay ang kahalagahan ng pagba-budget.  Katunayan makakatulong ito, hindi lang tungkol sa pananalapi (finances), kundi para ma-achieve rin ang ating sense of well-being, work-life balance,  financial freedom, at iba pang mithiin.SaveThresherTala Malapascua Island Souvenir by Hitokirihoshi

 

  • Wrong WayBudgeting makes us say no to experience big YESES in Life. Hindi ba nakapagtataka na kahit kumikita ka nang malaki ay  kinakapos, napapautang ka pa rin o kaya naman parang “to dream the impossible dream” ang peg mo. Ang totoo, we can’t save money to build funds like travel, retirement, and even emergency kung wala tayong ‘budgeting prowess.’  

Hindi naman natatapos lang sa plano ‘yan, dahil ang importante sa budgeting ay self-control and protecting our priorities. Ano bang pinagkakagustusan mo? Tama ba ang pag-a-allocate mo ng pondo sa bawat aspeto ng iyong buhay (nagta- tithes ka)? Kaya mo bang hindian/tanggihan ang tukso o mga oportunidad na ‘di mo naman talaga gusto. In a way, knowing when to say no helps us to stay away from bad habits like spending for unnecessary things, acquiring useless assets, and damaging our well-being /work-life balance. Kapag ganoon, napapangalagaan rin natin ang klase ng buhay at paligid na gusto nating ma-maintain.

 

  • Budgeting is like maintaining our Ecological balance, there’s no diversification or multiplication of income kapag ‘di natin naba-budget ang mahahalagang bagay na magkakaugnay. Kung hindi natin maba-budget nang tama ang ating pera madali ring maubos ang ‘yan kahit anong ipon at invest. Ganun di ba sa ating likas na yaman, mauubos at polusyon ang resulta kapag walang balance. By the way, may tinatawag na ecological health and ecological wealth.

Importanteng matimbang natin ang mga aspetong may koneksyon pala sa ating paghirap o pagyaman.  Ika nga sa ecology, ang anumang mayroon sa biodiversity gaya ng mga wildlife animals ay may silbi ayon kay AA Yaptinchay ng Marine Wildlife Watch of the Philippines. Alam mo bang kinakakain lang ng mga pating ang mga unhealthy na maliit na isda? Kung wala ang mga kagaya ng thresher sharks ay ma-o-overpopulate ng smaller fishes and other species ating karagatan kaya mawawalan ng balanse.  Kapag nangyari, makakaapeko sa environment sa ilalim ng dagat, ibabaw ng lupa, at maging sa himpapawid. Sa bandang huli, matatamaan din kabuhayan, turismo, at mismong pamumuhay ng mga tao.SaveThresherTala Ecology by Hitokirihoshi

Kaya hindi puwedeng wala kang budget para pambayad ng tubig, pambili ng pagkain, pamasahe, at iba pa.  Kung ‘di ka mamasahe ay paano ka makakapunta sa trabaho? Kung hindi ka magtatrabaho o magnenegosyo ay paano ka kikita? Kung puro ka naman trabaho at negosyo, ayyyy ano nga bang kulay ng buhay natin? Kung ikaw ang nagtatrabaho at breadwinner sa inyo, ganado kang kumayod dahil alam mong nakakatulong ka sa pamilya mo. Hindi ka rin naman makakapag-work nang maayos kung alam mong walang sumusuporta sa iyo to take care of your kids, house, plants, or pets).

  • Our budget, our wealth, and our well-being.  Para sa akin ang core ng wealth creation/ money management ay ang pagba- budget. May target para may measure at boundary na nakakatulong para ma-allocate natin nang tama ang ating pera, oras (time budget / management), at enerhiya (energy budget).  Naniniwala ako na possible ang work-life balance kung maba-budget natin ang ating time, money, and energy  sa  bawat passion and activities.

Kung ang thinking natin ay puro money ay magsa-suffer din tayo sa stress, burnout, o depression. ‘Di ba nga health is wealth ?! Ay nako Day and Dong, saan ba nagmumula ang Stroke at gaano kamahal maospital!)  Kaya,  we also need  diversion, to take care ourselves and  our environment.

SaveThresherTala Thresher Shark by Hitokirihoshi

Sarap mag-diving sa Malapascua Island (Cebu), may budget ka ba for Shark Sightseeing?

For me, napakainam na diversion ang pagtulong sa causes and environmental advocacy  gaya sa Save Thresher Tala.  Kasama kasi sa ganitong aktibidad ang ating social, emotional and economic well-being plus pagiging makabayan.  Nakakahanga ang mga advocates like Mr. Yaptinchay) at NGOs gaya ng Save Philippine Seas (“because our seas save us”), Marine Wildlife Watch of the Philippines, Green Peace, at Shark Defenders dahil masigasig sila sa kanilang adhikain.

Napag-alaman ko na may aktibo silang panawagan sa ating gobyerno (DENR) at maging sa Convention on International Trade in Endangered Species (CITES ) and International Union for the Conservation of Nature (IUCN) para maipasa ang Fisheries Administrative Order na magbabawal na manghuli ang lahat ng klase ng thresher sharks. Mailista lang pala ang  three types of Thresher Sharks ( big eye,  common, and pelagic) sa IUCN Red List bilang “ Vulnerable  to extinction” ay dadaan sa butas ng karayom.

Patalastas

Kung ako ang tatanungin ay may malaking porsyento sa ating budget at emergency fund ang bagay na may kinalaman sa isyu sa ating environment . Ilan sa maihahalimbawa ko ay mahal na clean  and safe drinking water, nasirang sapatos   bahay /kalsada dahil sa bahang gawa sa baradong drainage, at pagkakasakit resulta ng abnormal weather o climate change.

Maraming salamat at Mabuhay!

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Ano ang halaga ng pagba-budget sa wealth, health, at environment?