Kamakailan ay naanyayahan ako na masaksihan ang sample presentation ng theater play na #14 Leandro Road, directed by Jay Crisostomo IV sa Sikat Studio (Quezon City). Habang pinapanood ko ang pagganap ng mga actor na sina Harry David, Migui Moreno, Pewee O’ Hara, Marife Necessito, Gry Gimena, May Bayot ay naalala ko tuloy iyong pagsali-sali ko noon sa mga school plays. Hindi naman ako dumating sa point na pinangarap ko rin na maging professional theater actress pero naging malaki ang respeto ko sa mga taong nasa teatro.
Ang #14 Leandro Road ay base sa The Fall of the House of Usher na short story ng American writer na si Edgar Allan Poe at produksyon ng Theater House of Black Hindi ko saulo ang short story pero base sa napanood ay may pagka- psycho thriller, supernatural, at macabre o kwentong nagbabanggit sa kamatayan. Mapapanood ang show sa October 7at 8 (10am, 3pm & 7pm) sa Power Mac Center Spotlight sa Makati City. Sa mga interesado ay makakabili kayo sa Ticket World. Isa sa media partners nito ay Star Powerhouse.
For more details of the show read: Read my review of 14 Leandro Road on In the Ezone
Pakiramdam ng manood ng Pinoy Theater Play?
Ang naalala kong unang professional play na napanood ko ay Merchant of the Venice sa UP Film Center. Aaminin ko wala akong maaalala masyado bukod sa nilamig ako at foreigner yung bida. Ang sumunod ay noong 2009 na yung Zsa Zsa Zaturnah na pinagbibidahan nina Eula Valdez at Joey Paras. Nagkaroon ito ng film version na ginampanan naman nina Zsa Zsa Padilla at Rustom Padilla. Iyon na-enjoy ko talaga dahil comedy, light, likhang Pinoy, at na-amaze ako na kaya pala ni Eula na mag-teatro. Bakit nakaka-amaze ang mga theater actors?
Kahit school play lang yung mga nasalihan ko ay ang hirap mag-play ha?
- Magpa-practice ka ng magpa-practice dahil kapag on going na yung palabas the show must go on kahit anong mangyari. Kahit nakalimot kang line ( mag-a-adlib ka),
- kapag wala kang costume ay manghihiram ka at mabilisan ang pagpapalit,
- at yung acting ay loud o malaki ( medyo OA ) para makita ng audience kahit yung nasa likod. Maiging kalimutan mo muna ang anuman ang meron sa kokote mo para maalala mo ng buong-buo ang mga lines mo.
First play ko ata ay yung nagpanggap akong monkey (elementary) at last ko ay musical play (college) entitled Back to School na kung saan estudyante rin akong may ka-love team ako (shaan na keya sya?). Pero mas marami akong sinalihan nung high school kasi ako yung estudyanteng hindi man magaling sa sports at academics, lumalagare sa extra-curricular activities. Makabawi! Kung doon pa lang sa mga experience na iyon ay na-e-exercise ng husto ang puso ko, what more sa professional level?
Pero alam mo ang madali kong napapansin at binibigyan ng atensyon sa theater play ay set design, blocking, voice modulation, cut-to-cut execution ng mga eksena, at paano na interpret nang mahusay yung script. Of course, mahalagang sahog ang script at acting. Kahit anong husay ng ibang factors kung sablay na agad sa acting ay wala na. Hindi ba nga may mga monologue na nadadala lang sa kakasalita ng actor kahit bare yung set up o buong presentation.
Paano mag-direk ng isang theater play?
Natanong ko si direk Jay tungkol sa kanyang paraan bilang director ng #14 Leandro Road. Mayroon ba syang peg o pattern na sinusundan para sa kung paano i-acting ng mga actors nya ang kanilang istorya? Iyong iba kasing writers and directors ay halos may maibibigay ng eksaktong imahe na naglalaro sa kanilang isipan. Ayon sa batang direktor ay binigyan n’ya ng laya ang kanyang mga aktor sa show kung paano nila i-interpret ang kanilang mga karakter. Dagdag pa n’ya siyempre ay may mga basic na gagawin pero gusto nyang trip din ng mga actor ang kanilang ginagawa dahil at the end of the day ay sila rin ang magpe-perform.
Paano ang preparasyon sa pagganap ng mga theater actors?
Kung tama ang intindi ko ay may new and old theater actors sa play na ito ng Theater of House of Black. Si Pewee O’ Hara ang beterano at madaling mahalata iyon dahil sa linis ng kanyang performance. Tinanong ko sya, si Marife, at Migui kung may pinaghalawan ba sila ng kanilang mga karakter. Pare-pareho silang nagsabi na wala. Sinunod nila ang kung ano ang pagkakaintindi nila sa kanilang mga karakter. Saad pa ni Ms. Marife ay humingi lamang sya ng gabay sa kaniyang mga kasama( kabilang na ang si Mosang, isang TV personality, na gumaganap na Pilar sa play).
Ano ang masaya sa paggagawa ng theater play kumpara sa TV at Movie?
Dahil ako yung tipo ng bata na “nasaktan, Umiyak. Pinanood ng TV… tumahan” malakas ang recall ko s mga mukhang napanood ko na. Natandaan ko si Migui Moreno na gumaganap na Rudy Laperal. Miyembro sya ng Idolzone at minsan na naging ka-love team ni Meryl Soriano. Nawala sya sa TV pero palagi ko na sya nakikita sa mga Print and TV ads. Tinanong ko s’ya kung ano naman ang mayroon sa buhay teatro na nagustuhan n’ya.
Para sa detalye nito at ng interview, panoorin ang Youtube video clip sa ibaba.
Update: Para sa dagdag na source para sa paksang Paano ang Buhay teatro at Tips mula sa Theater acting. Narito naman ang interview namin sa Veteran Theater actor na si Dio Marco na nagbida sa Kabesang Tales.