Trip to Maginhawa Food Park StrEAT in Quezon City


Ilang beses na akong napadpad sa UP Diliman para magkakaibang rason gaya ng blogging (iBlog Summit), Film Viewing/ Art Studies (ex. Pandayang Lino Brocka), at photowalk. Isa na lang ang hindi  ko nagagawa ang mag-food trip maliban sa area nina Mang Larry.  Sikat daw yung mga kainan sa Maginhawa Street na akala ko nasa loob ng UP Diliman Campus. Medyo di pala kakayanin ng tumbling at kembot, may pa-tricycle na pala sa Philcoa.  So ano nga ba mayroon sa Maginhawa Food Park: StrEAT?

Ang Maginhawa Street ay nasa Teachers’ Village na kung manggagaling ka sa EDSA o SM North, mauuna ang Philcoa (iba ang COA sa PhilCoa)  bago ang papasok sa University of the Philippines(UP). Pero kung mangagaling ka sa SM Fairview/ San Jose Del Monte Bulacan ay mauuna pa rin ang Philcoa kasi ang overpass at U-Turn ay nasa unahan e bleee). Kung commuter ka teh at koyah, hanapin lang ang tricycle (blue ata) na ang singil ay hindi lalagpas sa Php 20 para sa dalawa hanggang tatlong tao. Ang The StrEAT food park ay isang bahagi lamang ng hilera ng mga kainan sa Maginhawa. Kaya, kung dinayo mo ito for food trip ay marami-rami rin ang iyong puwedeng subukan.

Straight to The StrEat: Maginhawa Food Park

Ang The StrEat Food Park ay bukas mula 5pm hanggang 12am kaya pang-merienda at dinner na ang isipin mo. Pero may kainan dito na papasang pang-breakfast at lunch ang meals, isa na rito ang Endless Summer Café na naghahain ng sisig meal, garlic chicken, and buffalo wings with eggs.

Inuman Trip. Kung mahilig ka sa iba’t ibang drinks ay marami kang mapagpipilian sa food park na ito. Ang Magpie ay may hot and cold coffee drinks na may iba-ibang desserts na waffles, bingsoo, at ice cream waffles. Ang patok na Lost Bread ay pinipilahan sa kanilang milkshakes lalo na ang The Carnival, isang milkshake na may cotton candy sa ibabaw. Sa mahihilig sa juices, pasok d’yan ang Egg -17 na may cool na plastic package (parang pang dugo) at may kasama pang Pabebe Straw. Ang Camp Shot ay bagay naman sa mga gustong mag-chillax at mag-alak.  Ang Endless  Summer ay mayroon ding mga smoothies gaya ng Mango Oatmeal, Choco Banana, at Strawberry Mango.

Pika-Pika/ Desserts.  Isa ito sa hilig ko kaya madalas gusto ko sa food court. Sa Maginhawa Food Park ay sa mga food trucks (ng Schmidt’s at Great Burger) ka makakain ng pika-pika at pang-merienda. Parehong may halong American dishes, pero ang Great Burger ay nakasentro sa sandwiches at ang Schmidt’s naman ay sa gourmet hotdogs.  Bukod sa Magpie at Lost Bread, nakakaengganyo rin ang Black Sugar na mabibilhan ng masasarap na funnel cake at may maganda ring set up na Café.great-burger-food-truck-at-maginhawa-food-park-the-streat-by-hitokirihoshi

Diverse Dishes. Ang Grape Escapé ay may Italian dishes gaya ng Pizza at Pasta meal. Susundan ito ng Bricks and Copper na panalo sa kanilang Turkish cuisine gaya ng Merhaba Turkish, Kornet, at Kulah ice creams. Ang kanilang mga pagkain ay 100% Halal.  Ang Me Love You Long Time ay bagay sa mga mahihilig sa Vietnam, Thai at iba pang Southeast Asian Cuisines.  Ang Saucy Food of MNL ay may mga pagkain na ang rekado ay magkakaibang isda at karne na may special sauces.

Mura ba for the foodies?

May mabibilhan ka pa ng below php 100 na produkto, pero lumagpas sa Php 150 ay pihadong naiibang pagkain at presentasyon ang iyong masusubukan.  Magandang budget ay Php 500 pataas para makatikim ka ng mas marami. Depende naman yan sa trip mong tikman para makamura o mapamahal ka.  Sa ibang food hubs gaya ng Metrowalk (Ortigas, Mandaluyong) at Tomas Morato (Quezon city) ay puwedeng ang Php 500 mo ay isang meal pa lang. Although mas marami at talagang restos na ang mayroon sa mga iyon.  Okay din naman sa food Market gaya ng Bancheto, Mercato, at Manda Centrale. Gaya nga nga tawag dito, ang The StrEat ay parking lot na pinuwestuhan ng maliliit at nakakaakit na kainan.  Gusto ko ang store design ng Magpie, Black Sugar, Saucy Food of MNL, at Schmidt’s.black-sugar-of-maginhawa-food-park-the-streat

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.