Kung sa usapang supernatural, may pagka-frugal werewolf ako lalo na kung may money-biting vampires around me. ‘Di ba sabi ni Jacob Black ng Twilight, ‘pag may mga Vampire sa paligid saka lang sila napapa-transform. Pero ‘di naman kailangan ng total metamorphosis, natural lang na hot ako (charrot!)… sa pag-iimpok ng pera. Malaking factor din ang humble origins ko. Pero maliban sa walkathon at turo-turo lunok-laway meal, ilan sa awesome tipid tips for students ay pagre-recycle.
Bakit kailangan na maging mapag-ipon ang mga estudyante?
Nagsimula ang pagkakuripot ko noong grade 2 pa lang ako na kung kailan nakapag-ipon ako noon ng Php 100. Noong nagtapos ako ng college ay may ipon akong personal savings na Php7000 na ginamit ko sa job hunting chuvaness ko.
- You’ll never know when emergency happens. IMHO, may level pa rin ang mayayaman at bukod tanging sinuwerte ay yung mga anak ng 10 Forbes’ Richest Men in the Philippines. Pero kung ‘di Sy Gokongwei Tan Ty ang kapamilya mo ay better to keep your expenses in moderation. Whatever you ask from your parents should be reasonable kasi “hindi lang ikaw nahihirapan”… Isang swish lang ng emergency sa whoever breadwinner ng family n’yo ay “oh my…” na ang study mo. Pero kung secretly nag-iipon ka ay hindi mo lang mabibili ang mga borloloy o abubot mo, kundi alam mo na
- makakasama ka sa talaga sa field trip,
- may panggawa ka ng best project ever,
- at hindi ka matitigil bigla sa pag-aral.
- May confidence ka kasi yeah know farang may “financial independence” ka. Iba rin ikaw mismo alam ay may sariling pera. Tipong financially able o better ay mayroon kang “financial independence”. You can join sa different organizations na may extra expenses na puwede mong hindi problemahin na ikatwiran sa parents mo.
Noong college ako gustong-gusto ko na sumali sa Drama Guild, Choir, at iba pa pero dahil can’t afford ako sa mga costumes at rehearsals umurong ang curly hair ko. Tuition ko pa lang ay gapang na e. Nakakapanghinayang kasi who knows baka theater actress ako ngayon. Charrot!
Tipid Tips for Students: mag-Recycle
- Buy second hand books or mag-photocopy– Depende sa books that your school or professors require, maaaring hanapin mo muna sa online classified ads, Facebook ads o sa pamosong Recto Avenue ang libro. Naalala ko pinag-aralan namin sa English Literature yung Divine Comedy ni Dante Alighieri. Nakabili ako sa Recto ng book noon ng Php 50, tapos nung nabasa ko na ay ibinenta ko na ulit ng Php 30. Okay di ba! Noong high school ako, mas gusto ko ma-out of stock ang bentahan ng libro para may rason ako na manghiram at magpa-photocopy na lang. Hanggang ngayon nga may hawak ko pa yung photocopy books ko…hehehe
- Don’t buy notebooks agad-agad – Especially yung spiral notebooks, kina-career ko na tanggalin o samsamin doon yung mga hindi nagamit na pahina. Tapos tatahiin ko ng pisi para gawing kuwaderno ulit. Siguro naman sa 10 notebooks na naiwan ay makakagawa ako ng 1-2 note books kahit 50-75 leaves. Nagdo-doodle din ako pero hindi sa notebook, yung mga likod na pina-photocopy ko iniipon ko rin tapos gagawin kong ala-memo pad con notebook na rin 😉
- Improvised materials for school reports – Mas matipid ang PowerPoint Presentation pero hindi lahat ng school ay ready na for that. Taas kamay mga ka-public School! So minsan no choice, balik ka sa traditional na paper and marker pens‘ di ba?
Noong high school ako bilang sa daliri na gumamit ako ng Manila paper or cartolina, ang ginagamit kong pang-report ay ang likod ng calendar. At hindi ako basta-basta bumibili ng marker pen, kina-krayola ko pa. Noong college nakaka-1.25 ako pagdating sa report, hindi dahil sa ang galing-galing ko magsalita at superb ang powerpoint presentation ko dahil iyon siguro sa creative presentations. Mahilig ako gumamit ng recycled materials like crayons, shoe boxes, straws, or empty bottles.
Sundan sa part II:
Money-saving tricks for Students: Repair and wise– buyer edition
Ikaw may tipid tips ka ba? Pa-share naman!