Gusto mong maging independent? #MakeItMutual 1


Bagaman masarap ang nakakatanggap ng bigay, iba rin ang saya na maging independent. Mas malakas ang loob, may freedom, at hindi nakaka-guilty na pagbigyan ang trip mo. Siyempre kasama d’yan yung pride na may “power” ka at hindi ka  nang-aabala ng ibang  tao. Paano nga ba mas madali ang magsarili?

Why millenials want to be independent?

Madalas ko  naririnig ang term na “gusto ko nang maging independent” sa atat umalis na sa poder ng magulang at sa mga mag-aasawa na gusto ng magsarili ng bahay malayo sa  kontrabidang biyenan :P.  Pero que single ka, pamilyado o   may sabit este breadwinner, hindi magiging madali ang magsarili kung hindi ka rin financially able. Katunayan, hindi natin mare-reach ang ultimate   goal na financial peace o financial  freedom kung hindi muna tayo financially stable at financially independent ‘di ba?

Ano ang kapalit ng pera mo?

Sa post kong 5 Money Mistakes of Pinoy Yuppies ay nabanggit ko ang ilan sa naobserbahan  kong mindsets  or behaviors ng  millenials (Generation  Y) o sige  kahit pa sa Generation X at Baby Boomers.  Hindi ba’t nakakapagtaka na sa dami ng matatalino, okay naman ang sahod, regular sa  trabaho  at take note, Single,  ay nabubuhay pa rin sa  paycheck to paycheck lifestyle. Siempre kung magpapamilya na ay lala pa ito, tipong goodbye financially able na, hello pa sa financial woes.

Kung tutuusin talaga ay may edge ang tayong millennials dahil sa technology at social media, puwedeng-puwede tayong maging well-informed at empowered.  But of course,  mangyayari ito kung  gagamitin ang  mga medium  na ito sa tama at para sa mabuting goals.   Gaya rin ito ng money, nilakha ito bilang tool para magamit sa tama at para sa magandang goals o tinatawag natin life goals.  Hindi ginawa ang pera para basta panggastos (for spending), kundi “pangpalit’ (for exchanging or trading).

A part of *Ms. Mylene Lopa’s report about Financial Literacy of Pinoy Millenials

Kung babalikan nga natin ang history, ang pera ay ang  alternatibo sa barter system na ang trading produkto sa produkto.  So halimbawa gusto mo ng pitong gatang na bigas, ang ibibigay mo ay tatlong bibe na kumakwak-kwak? Charr! Siyempre nakitaan ng  butas ang barter system, kasi ano ba ang halaga ng bibe at butil ng  bigas ‘di ba?

What’s the essence of being financial independent?

Sa modernong panahon ay parang  may mga taong galit sa pera. Iyong  parang ayaw na may laman ang wallet o bank account. Kapag may pera kailangan gastusin- ganern. Mabuti kung kailangan na kailangan o magagamit pero iyonng iba naitatambak lang din kapag nagtagal. Hindi bat magandang tool ang pera to exchange with “security,”  “peace of mind,” “wellness,” at “enjoyment”?  Puwede rin naman for “convenience” “entertainment” “craving,” at “fun.”   Pero alam natin na ang huling apat  ay short term lamang at kapag masyadong pinag-uukulan ay baka mawala na ang para sa iba pang mas mahahalagang  life goals gaya ng

  • security – insurance, money for expenses such as education, emergency fund etc.
  • peace of mind – retirement, health, etc
  • enjoyment – ability to afford things you like such as  travels,  business plans,  house for you family, etc.

Kapag umabot ka na sa punto na kapag nagkasakit ka o sino sa pamilya mo,  sipain ka man sa tinitirhan mo, puwedeng-puwede kang bumukod ng bahay, o mawalan ka ng trabaho/ kabuhayan pero HINDI ka kabado  kahit  for 3-12 months pa dahil may natabi kang pera- congrats!  Ikaw ay may financial independence.

A tool to become independence

Maraming  paraan  para maging independent (yes especially  financial  independent) at isa na roon ay ang  pag-i-invest ng pera sa halip  na  gastos pagkakaroon ng  investment vehicle.  Kung di ka pa aware, ang mga investment vehicles na tinatawag  ay share sa stock market, T bond, UITF, at mutual  fund.  Bagaman may “financial risk” din sa mga ito, pero hindi naman scam at mga kilalang company ang nag-o-offer. Nung  nakaraan nga ay naka-attend ako sa  MakeitMutual conference ng Sun  Life  Financial Asset Management   na kung saan   dinaluhan din ni  Matteo Guidicelli. Sa mga susunod na araw  ay mapanood sa  isang vlog series  produced by Sun Life ang  award-winning car racer turned  actor.

Ang Make It Mutual ay tungkol  sa pag-i-invest sa mutual fund na pamamahalaan ng Sun Life. Ang mutual fund po ay isang investment vehicle kung saan ang pondo (fund), na mula sa investors, ay aalagaan ng isang magaling na fund manager. Ang  fund manager ang bahala kung saan i-invest sa iba’t ibang na alam n’yang kikita ang pera ng mga  investors. Bagay na bagay ang mutual fund  sa mga working class, millenials, OFWs at  sino pa mang   busy sa work dahil hindi nila kailangan palaging i-monitor.  Ang  fund manager ang bahala at ang company ang magbibigay ng access sa  mga investors kung paano nila sisimulan, makukuha, makikita ang update, at kung ano ideal na gawin.

Para sa iba pang info tungkol sa #MakeitMutual o Mutual Fund campaign ng Sun Life narito ang aking mga videos

Paano ang frequency ng pag-i-invest?

Easy to withdraw  for emergency?

Matteo Guidecilli’s experience  Mutual  Fund Investment

Matteo Guidicelli is a mutual fund investor too

(R-L ) Gerald Bautista (GB), Head of Bank & Alternative Distribution Channel for Sun Life Asset Mgt. Co., Inc. (SLAMCI); Matteo Guidicelli, and Mylene Lopa, Chief Operating Officer of Sun Life Financial


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One thought on “Gusto mong maging independent? #MakeItMutual