5 Highlights of my Blogapalooza 2016 experience


Hindi ako naka-attend sa first Blogapalooza 2016 because of work. Probably, I missed a lot of good stuff especially  sa pag-discover ng innovative companies. Good thing, nag-organize ulit ng isa pa at nearer sa place ko, Novotel in Araneta Center, Cubao.

blogapalooza-2016Ayun lang, umalis agad ako around 2 or 3 pm dahil sa masamang pakiramdam na natuloy sa lagnat at ibang chever. Hindi ko na naabutan ang big revelation at mini reunion ng Powerhouse Clique na sa Blogapalooza nabuo at nagaganap. Anyway, these were the highlights of my Blogapalooza (Horizons Charting the Unchartered) 2016 experience:

I won a humidifier.    Nagdadalawang –isip na akong umuwi noon pero hindi pa ako nakakaikot. Kaya nandoon lang ako nakaupo, palamig nang konti at voila, biglang tinawag ang name ko.  Nanalo ako ng humidifier na ngayon ko pa lang aalamin kung para saan at paano nga ba gamitin. hehehe :p

tag-media-at-blogapalooza-2016-by-hitokirihoshi

Tag Media official

First time in Novotel Manila. Ever since na nagkamuwang ako, Cubao ang alam kong pinakamalapit na commercial area. So itong Novo Hotel ay bago at magandang i-explore.  Okay din naman pala at good choice din para sa kanilang customers dahil malapit sa concert venues, shopping malls, at hindi  rin naman malayo ito sa ibang  business districts gaya ng Eastwood, Ortigas, at Makati.

By the way, ‘pag nagliligaw ako sa probinsya basta may biyaheng pa-Cubao kampante na ako. May 3 ways rito papuntang Commowealth/Fairview (my hometown charr) — sa harap ng Ali Mall, sa Arayat area, at siempre sa EDSA Farmers.

Sky Gavin – Sa ilang beses kong pag-a-attend sa Blogpalooza, ngayon ko lang nakita (o napansin) in person si Sky Gavin sa email ko lang s’ya nababasa. Mainam ang kanyang presentation lalo na sa  mga baguhansa  blogging at para din dun sa gusto pang mapabuti ang standing ng kanilang website.  Ilan sa gusto kong part ng report n’ya ay kailan ba magandang mag-post at ano ba yung experience niya in dealing with clients.  Iba rin kasi yung success stories na made in the Philippines dahil iba-iba rin naman ang takbo ng industriya sa iba’t ibang bansa.sky-gavin-at-blogapalooza2016-by-hitokirihoshi

Get ideas – Gaya nga ng palagi kong sinusulat, I am always looking for bright ideas and good connection. Ito rin naman ang isang core ng Blogapalooza sa akin. This time I get to know companies who are into affiliate programs like Eurotel, and Alfox Printing.  Gusto ko rin ang idea ng Philippine Realty TV, and I believe they offer innovative program for Filipinos. You know Real estate is not only about building, it’s about making safe and secured community that hopefully become affordable for every Filipinos.alfox-printing-official-at-blogapalooza-2016-by-hitokirihoshi

Patalastas

A day to enjoy my being blogger.  Ang pagiging blogger ko ay bagay na nae-enjoy ko. I wish that it will eventually become something like my bread and butter.  Pero sa ngayon, it’s still a passion side project na ginagawa ko sa  panahon na libre ako.  Kaya itong Blogpalooza, ay isang event na nakakatuwa for a blogger like me dahil sa activities, talks, at treats ng iba’t ibang businesses.  Thanks sa iba pang sponsors and partners ng event – San Miguel, Migme, Gomoto, ATC, Fat OutShinigawa, Taisho Ramen, PayoneerStrike, Vita CocoVictoria Court, Krispy Kreme, My Marianas Ph, at iba pa.  Speaking of My Marianas PH, ipinakilala nila ang ganda ng Saipan.  Nakakaengganyong puntahan.

my-marianas-ph-official-at-blogpalooza-2016-by-hitokirihoshi

My Marianas PH officer



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.