The Fate of the Furious is part of The Fast and the Furious film series and stars Vin Diesel, Dwayne “The Rock” Johnson, Michelle Rodriguez, Jason Statham, and Charlize Theron. I guess for the gamers, it’s like Need for Speed and for comic fans well just think of fictional characters who have extra ultra-skills in cars…hohoho!
Second time ko pa lang makapanood ng The Fast and The Furious film, yung una ay part 6 at buhay na buhay pa si Paul Walker. Pero prior to that aware naman na ako sa film franchise na ito at naniniwala ako na may market siya. Hello Cars (he cartoon film), Transporter (starring Statham), and Transformers fans. So tama na ang kuda ko ito na ang review .
The noticeable in The Fast and the Furious
- The usual – car racing, hot ladies wearing skimpy clothes, the driving motivation behind the wheels, the brotherhood and family, at ang iparamdam na ang guapo-guapo ni Dominic “Dom” Toretto (Vin Diesel). Hehehe
- Charlize Theron as villainous Cipher – This is the first time ata na nag-appear ang character Charlize sa film series na ito. It’s nice to see her here kasi kahit ako si Letty Orniz (Rodriguez) parang kakabahan ako sa malditang babaeng ito na nangnenok ng kalbo kong dyowa. Yung lalaking magaling din magpasabog ng kotse after manalo at magbigay ng mamahalin tsekot pampalubag-loob. Tapos ang taas pa ng arrive nitong si Cipher kasing taas ng high-tech airplane n’ya na nangha-hack ng kotse ng may kotse.
Pero what I thought habang nanonood ay itong si Cipher ni Charlize ay parang reincarnation ni Ravenna n’ya sa Snow White and the Huntsman and The Huntsman: Winter’s War. Siempre imbes na mirror ay airplane at computer ang gadgets niya bilang si Cipher, the cyberterrorist. Concern lang ako baka ma-typecast si Charlize sa ganitong klase ng role, pero okay lang din basta ba action hehehe!
- Suspension of disbelief – hindi ko alam kung may problema lang ba ako na hindi KASI ito sci-fiction and fantasy O namasyaduhan na ata sa kaka superhero films kaya para bagang I know na even sa advancement ng technology ngayon at angas ng mga car racers ay alam kong call of visual effects lang ang nakikita ko. I am not complaining ha, gusto ko nga rin kung baga napapaisip lang ako nang may speed na 200 kph.
Ganito na lang, maraming elements dito ng suspension of disbelief na mala- Mission Impossible ang datingan. Mainam na rin ito kesa ma-compare natin sa Harry Potter, Twilight, at Percy Jackson & the Olympians di ba? labo!
What I like in The Fate of the Furious
- Soft spots – I think cheesy ito para sa mga pa-macho pero it’s good thing na sa gitna ng action, suspense, at big toys ay may drama and comedy about humanity like
- Fatherhood – in reality marami tayong kilala na lalaki na walang “spare parts” pagdating sa pagiging ama. I commend na even sa so manly na sina Deckard Shaw (Statham), Luke Hobbs (Johnson) and Dom ay may puso para sa mga bata.
- Unconditional Trust – I don’t know kung gaano kadami ang mga taong maniniwala pa rin sa isang kaibigan o minamahal pagkatapos nitong magtraydor. Dito sa The Fate of the Furious ay sinubukan hindi lamang ang pagmamahal ni Letty Ortiz, kundi ang trust ng kanilang “family” kay Dom. Gayon din kung magagawa na nilang magtiwala kay Deckard na pumatay daw sa kanilang ally na si Han (Sung Kang) sa F ‘n F 7.
- Decision and reasoning – Sa likod ng desisyon ay may rason na puwedeng personal o para sa gusto mo para sa mahalaga sa iyo. Dito sa The Fast and the Furious 8 ay mind-boggling talaga ang sitwasyon ni guapong-guapong si Dom na parang sinaksak na s’ya icepick nilagyan pa ng toyomansi with matching salty soy sauce ni
- For mother’s sake – dito ako aliw na aliw lalo na yung conversation nina Magdalene Shaw (Helen Mirren) at ng kanyang anak na si Deckard. Yung tampal ang nagdala e. ahaha
- The Thrill – kaya madali ako naka-recover sa “suspension of disbelief” ay dahil sa suspense and thrill. Biruin mo hahabulin ng submarine ang high-end vehicles na pinapatakbo ng ilan sa “11” top most wanted criminals? Yung napaisip ako ba’t kailangan pa si Dom ang kumuha ng “maleta”. Iyan ay kung puwede naman palang pagsasalpukin ang mga pinaandar nilang kotse para kornerin ang kotse ni ni Russian Minister of Defense at si Connor Rhodes (Kristofer Hivju) na lang ang kumuha. Iyan ay total naman ay mas may tiwala naman si Cipher kay Rhodes. Sa bagay, ano naman ang dating ng lahat ng effects, habulan, at isyu ni Cipher kung wala sa mga eksena si guapong-guapong Dom? Sa effects gusto ko yung sa part na galingan sa hacking.
- The action – monster na monster ang peg dito ni Dwayne especially sa prison, yung adorable action scenes ni Jason sa ere, yung angas ni Michelle sa kanyang mga fight scenes, at yung habulan ng Russia.
By the way ang iba pang member ng family/ brotherhood ni Dom at Letty ay sina
- Roman Pearce played by Tyrese Gibson
- Tej Parker played Chris ‘Ludacris’ Bridges
- Ramsey played Nathalie Emmanuel
Part naman ng film na ito na may dating ang characters ay sina Kurt Russell as Mr. Nobody, Elsa Pataky as Elena, at Scott Eastwood as Little Nobody. Ang director ng The Fate of the Furious ay si F. Gary Gray na filmmaker ng Italian Job na pinagbidahan din nina Jason Statham at Charlize Theron kasama si Mark Wahlberg.
Overall inaliw ako ng movie na ito Good Job!