#SulongDugongPinoy: The Dawn, The Juans, at Sarah Geronimo


Before Holy Week ay naka-attend ako sa matagumpay na Sulong Dugong Pinoy (SDP) na dinaluhan din ng The Juans, The Dawn, at Sarah Geronimo.   Ang SDP ay ang biggest blood health event sa MOA Music Hall na proyekto ng Sangobion IRON+ para magbigay ng awareness tungkol sa pagkakaroon ng malusog na dugo at hindi anemic.

Umaga pa lang ay nagsimula na ang SDP kung saan ay nagkaroon ng blood check, free consultations, and   educational games. Ang Philippine Red Cross ay bahagi rin ng event na ito na ang pre-show activities ay si Jaimie Fournier ang host. Samantala, ang last part ng SDP ay naging concert scene sa tulong na rin alive performances ng two Pinoy music bands and Popstar Princess. Ang  host naman sa main show ay si Patty Laurel-Filart.

“The goal is to really push for the importance of having healthy, anemia-free blood. We believe that if every Filipino realizes the power of having healthy blood, then we will be able to take significant steps toward the rise of our nation,”

sabi ni Merck Marketing Head Ming Arroyo-Cunanan.

To explain din kung  bakit Sulong Dugong Pinoy ang title ng event, ito ay pagkilala sa palaban at malakas na natural na katangian ng mga Pinoy. O nga naman, we can maximize ao i-develop pa our  natural potentials if we’re healthy and energetic.  Ang Sangobion IRON+ ay produkto ng Merck na mayaman sa Ferrous gluconate + vitamins and minerals. Ang ganitong klase ng supplement ay para sa mga anemic o may iron deficiency.

(How to know if you have an iron deficiency?)

(Bakit ‘di dapat nagpupuyat at overworked?)

(What you ought to know about vegan diet)

Patalastas

Para sa ‘di nakakaalam ay hindi ito ang unang beses na  nag-stage ang Merck ng event  na gaya nito, at  mukhang  maasahan pa na may hinahanda silang kasunod pa.  Ito ay dahil na rin sa kanilang “WE100 initiative” o layon na mabigyan ng impormasyon at matulungan ang lahat na ma-achieve  life span na hanggang  100 years.

In fairness din sa lahat ng performers, hindi lamang  sila nagpasalamat  sa  pag-imbita sa kanila ng Sangobion at sa kanilang mga fans, kundi  nagbigay din sila ng encouragement at paanyaya sa lahat na magkaroon ng healthy blood.

Alam natin na ang singer-actress na si Sarah G ay napaka-busy na tao, so for people like her bagay talaga na maging health conscious.  Nagpasalamat siya na naging bahagi s’ya ng SDP dahil lalo pang lumawak ang kanyang  kamalayan sa magagawa ng good blood health.

 

“Sulong Dugong Pinoy taught me that change really begins within each of us. Iba po talaga kapag healthy ang blood, mas marami kang pwedeng magawa, at nare-realize mo ang potential mo na makatulong sa pagsulong nating lahat,”

saad pa ng The Voice coach.

Performers lead the pledge to fight anemia

Tama rin ang sinabi o ipinahiwatig ni The Dawn vocalist Jet Pangan about being healthy. Kung hindi rin naman sila ng kabanda niya magiging maingat sa katawan ay baka nga hindi rin sila magtagal na matagumpay sa music industry. Inamin pa nga niya na malapit na nga siyang mag-50 years old. At wow yung energy nila, ang lakas pa rin kaya natuwa ako bilang first timer na mapanood sila ng live. Sayang hindi ko nakasama ang mga  kuya ko na gustong-gusto sila .

Nakakatuwa  rin naman ang The Juans  na nakilala ko lang sa event. Parang sa  dami ng fans nila napaisip tuloy ako ganito na ba ako ka-hindi updated sa music news? Hehehe. Pero personally, I think  sila ay talented at may  potential basta maging  healthy rin sila ‘di ba physically 😉

Mabuhay at Congrats sa bumubuo ng  SDP!

for more videos about Sulong Dugong Pinoy, please visit and subscribe sa aking Youtube channel – hitokirihoshi laurence



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “#SulongDugongPinoy: The Dawn, The Juans, at Sarah Geronimo