5 Motivational Tips for Fresh Graduate, Job Hunters


Sa pagiging empleyado, every time na naghahanap ka ng trabaho ay parang feeling fresh graduate ka.  Bakit? Wala  naman halos  pinagkaiba ang proseso sa pag-a-apply , kundi mayroon  lang aangat  base sa  panlasa ng  nagha-hire ? May gusto na fresh at overripe experienced. Pero siempre  depende naman ‘yan sa kung ano ang posisyon ang nakabakante. May pinaupo bang fresh   grad na CEO na hindi kamag-anak, sariling business, o out of nowhere?

Focus on how to present yourself. Hindi lahat ng natatanggap ay mahuhusay (lalo na’t agad-agad) pero maraming naha-hire na magaling sa negotiation, presentation, at communication.  Sa   halip na i-compare mo ang iyong sarili sa iba (deadly yan), focus on how to be a competent applicant.  Iyong tipong may “wow factor” once na ma-interview ka o makita ang result ng test mo.

So ang pag-a-apply ay hindi tipong napadaan ka lang at naisipang magbigay ng resume. Pinaghahandaan sa pamamagitan ng  tamang  suot na damit, pagdala ng  katibayan ng iyong credential, asal, research sa company, at sagot sa kanilang posibleng tanong. Ang pinaka the best na natutuhan ko sa interview ay “know thyself.”  >>> simple  job interview tips

>>ultimate interview tips para sa modern job applicants

Mural at TUP Manila

Don’t be afraid, but come prepared. Maraming employment issues na puwedeng ma-encounter maliban sa stiff competition. Mainam na malaman mo ang mga ito para hindi ka maging complacent at sa halip ay maging humble at appreciative ka. Magagamit mo ang dalawang virtues na ito sa maraming bagay para sa iyong tagumpay, naks!  Para sa fresh grads, sa tingin ko ang pinaka- isyu ay

  • Lack of work experience
  • Baka i- underpay
  • Baka i-power trip

Matatakot ka ba dahil sa mga ito?  Dapat hindi! Bagkus, maging motivation mo para magsikap at mapili rin ang tamang company/ trabaho para sa iyo. At hindi lang naman fresh grad ang nakakaranas nito so patas lang, charrot!  So paano kung, lack of experience ka pa?  Aside sa experiences mo sa school, kung kakayanin ay mag-take ka ng seminars at workshops na related sa iyong field. Makakatulong ang mga ito para mapalamanan ang resume, portfolio, at masasagot mo sa interview.  Saka ‘di ba nga invest in yourself.

Freelance Blend Seminar
Introduction time @ #dimsummit2015

Ako okay lang mag-part time sa company na  mababa ang pasahod pero magbibigay sa akin ng iba o level up job experience.  Kapag okay kami magtatagal kami siempre pero ‘pag di talaga mayroon akong max. 6 months “tiis period” para ‘di sayang at mailagay sa resume. 😉

Patalastas

Choose experience if you can . Speaking of experience, I think two of my best  decisions  in life  ay kunin ang kurso na  gusto ko  ( kahit  ayaw sa akin ng school na trip ko at ng magulang ko) at maghanap ng  trabaho na maa-apply iyon ( kahit tengga din ako ng  ilang buwan ). Bakit?

Oo nagtatrabaho tayo para kumita ng pera. Pero IMHO at base na rin sa ibang nakausap ko,  may na-career trap dahil inuna  ang  trabahong may  malaking sahod. Ganito yan  e,  kapag na-experience mo na  ang   malaking sahod at naitaas na rin ang  lifestyle level mo  ay mahirap nang kumuha ng trabaho na mababa ang pasahod kahit  gustong-gusto mo.   Kung ang motivation mo ay kumita, kailangan mo talaga, at napapamahal na sa iyo ang work mo ay  walang problema.  Pero may ways to have multiple income streams.

By the way, iyong kauna-unahang work ko ay iyon pa rin ang isa sa napapansin  sa tuwing nag-a-apply ako.

Be frugally smart job hunter. Magastos ang paghahanap ng trabaho lalo na hindi cost-effective ang gawain mo.  Paano makakatipid habang naghahanap ng trabaho? Kung may financier ka, eddie okay pero be friendly din sa kanya sa pamamagitan ng pagtitipid. Saka iyang pagtitipid  magagamit mo rin yan once na opisyal ka ng  empleyado kasi malalaman  mo ang ibig sabihin ng  jolly jeep, rat race, paycheck to paycheck,  at alternative ways papasok 😛

Have Faith, Believe in yourself and fight-fight! Ilang beses ko na bang natanong sa sarili ko noon kung “kaya ko ba?”, “papasa ba ako,” at “bakit hindi ako ang pinili?” Maraming rason at malamang may pagkukulang din ako pero alam mo totoo ito e

“As I look back on my life, I realize that every time I thought I was being rejected from something good, I was actually being re-directed to something better.”

Steve Maraboli

Kaya  nga ‘pag hindi ka natanggap sa isang company ay hindi kaagad ibig sabihin noon  ay may mali na agad sa iyo at baka blessing in disguise ‘yon. Ang gawin mo na lang ay gawin ang step 1 – 3 plus Move on and enjoy life. Masaya ang feeling fresh at graduate,  Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.