Young or old, every time na naghahanap ng trabaho ay parang feeling na fresh graduate pa rin. Bakit? Wala naman halos pinagkaiba ang proseso sa pag-a-apply. Mayroon lang aangat base sa panlasa ng nagha-hire. Depende naman ‘yan sa kung ano ang posisyon ang nakabakante.
Narito ang aking proven motivation tips for fresh graduates o kahit pa sa iba pang job hunters.
1. Focus on how to present yourself. Hindi lahat ng natatanggap sa trabaho ay mahuhusay. Maraming naha-hire na magaling sa negotiation, presentation, at communication. Sa halip na i-compare mo ang iyong sarili sa iba, focus on how to be a competent applicant. Iyong tipong may “wow factor” once na ma-interview ka o makita ang result ng test mo.
Ang pag-a-apply sa work ay hindi iyong tipong napadaan ka lang at naisipang magbigay ng resume. Pinaghahandaan ‘yan sa pamamagitan ng
- tamang suot na damit,
- okay na laman ng resume at portfolio,
- pagpapakita ng tamang asal,
- pagre-research tungkol sa company,
- at maging matalino sa pagsagot sa interview.
Ang pinaka-the best na natutuhan ko sa interview ay “know thyself.” >>> simple job interview tips
>>ultimate interview tips para sa modern job applicants

2. Be brave and come prepared. Maraming employment issues na puwedeng ma-encounter maliban sa stiff competition. Mainam na malaman mo kung ano-ano ang mga ito para hindi ka complacent at masyadong takot. Madalas yung ino-overthink ay yung ideas na hindi mo inalam kung valid. Halos pareho din sa bagay na masyadong pinagwalang-bahala at kinatamaran.
Maging humble na may bagay na kailangan mong matutuhan. At maging appreciative ka sa bawat lessons na nakukuha mo. Magagamit mo ang dalawang virtue na ‘yan sa maraming bagay para sa iyong tagumpay sa job hunting hanggang sa pagtatrabaho.
Para sa fresh grads, sa tingin ko na pinaka- isyu ay
- Lack of work experience
- Baka i- underpay
- Baka i-power trip
Matatakot ka ba dahil sa mga ito? Dapat hindi! Bagkus, maging motivation mo para magsikap at mapili rin ang tamang company/trabaho para sa iyo. At hindi lang naman fresh grad ang nakakaranas nito. So paano kung, lack of experience ka pa?
Aside sa experiences mo sa school, kung kakayanin ay mag-take ka ng seminars at workshops na related sa iyong field. Makakatulong ang mga ito para para ma-boost ang iyong resume, portfolio, at kaalaman na magagamit sa interview. Invest in yourself ika nga.


Ako, okay lang mag-part-time sa company na mababa ang pasahod pero magbibigay sa akin ng different job experience. Kapag okay kami magtatagal kami. Syempre mayroon na hindi rin match. Sa ganoong aspeto, mayroon akong maximum na 6 months “tiis period” para ‘di sayang at mailagay sa resume.
3. Choose experience if you can. Isa sa motivation tips for fresh graduates na lagi kong ibinabahagi ay ito. Unahin ang mag-gain ng experience at skills kaysa value ng perang makukuha. Napakahalaga nyan sa mga unang taon sa pagtatrabaho.
Two of my best decisions in life ay kunin ang kurso na gusto ko at maghanap ng trabaho na maa-apply iyon. Bakit?
Oo nagtatrabaho tayo para kumita ng pera. Pero base na rin sa mga nakausap ko, may nagkaroon ng career trap na inuna ang trabahong may malaking sahod. Kapag na-experience mo na kasi ang malaking sahod ay di malayong itaas mo na rin ang lifestyle level mo. Kapag ganun ay mahirap nang kumuha ng trabahong gustong-gusto mo pero mas mababa ang salary. Kahit sa simula lang mababa muna para magka-experience ka.
Kung ang motivation mo talaga ay kumita ng sahod na malaki ay nasa iyo yan. Sa personal experience, na-research, at na-interview ko lang ay iba ang job satisfaction sa pagkakaroon lang ng high-paying job. Iba kung mahal mo ang work mo, may purpose, at kumikita ka nang tama rito. Isa pa may paraan naman to have multiple income streams.
.

4. Be frugally smart job hunter. Magastos ang paghahanap ng trabaho lalo na kung hindi cost-effective ang gawain mo. Paano makakatipid habang naghahanap ng trabaho?
Ang ilang tips ko ay:
a. Siguraduhin na correct ang laman ng iyong resume. Malaking menos yan sa paulit-ulit na printing at malaking tulong para piliin ng recruiter
b. I-scan and save online ang lahat ng iyong IDs, certificates at iba pang dokumento. Madalas na hinihingi ito kaya para mabilis gawin ay dapat ready na. Laking baghay din nito kung kailangan mo ng photocopy.
5. Have Faith—Believe in yourself and fight-fight! Isa ko pa itong motivation tip for fresh graduates. Ilang beses ko na bang natanong sa sarili ko noon kung “kaya ko ba,” “papasa ba ako,” at “bakit hindi ako ang pinili?” Maraming rason at malamang may pagkukulang din ako pero alam mo totoo ito e…
“As I look back on my life, I realize that every time I thought I was being rejected from something good, I was actually being re-directed to something better.”
– Steve Maraboli
Kaya nga ‘pag hindi ka natanggap sa isang company ay hindi kaagad ibig sabihin noon ay may mali na agad sa iyo. Bagkus ay baka blessing in disguise ‘yon. Ang gawin mo na lang ay ang step 1 – 3 plus, move on and enjoy life. Masaya ang feeling fresh at graduate, Mabuhay!
