Commuters are considered as super #trueheroes for conquering challenging road trips day-to-day. Puwedeng sanay na ang lahat sa senaryong ganito, but standing or sitting in a crowded public vehicle for more than 30 minutes is not a joke. Wala ka pa sa work ay stressed ka na at baka may iniinda pang sakit. Iyon lang parte ito ng pagiging hero natin bilang working class sa ating pamilya o ekonomiya. So what do we need to take care our bodies?
Learn to #LoveYourNerves, Avoid Neuropathy
I remember few months after akong gumaradweyt sa college ay sumama ako sa nanay ko na magpa-check up. Nakakaramdam kasi ako ng panghihina, madaling mapagod , at pamamanhid kahit hindi pa naman ako nakakadami ng gawa. May lahi rin kasi kami ng pagiging diabetic at mahina ang tiyan ko. Ang rekomendasyon sa akin ng doctor ay mag-take ng Vitamin B. That time napaisip ako, alam ko nga pala ang vitamin A (pang mata hehehe), Vitamin D (the sunshine vitamin/ Skin) at Vitamin C (for immune system) pero hindi masyado sa Vitamin B. So ano nga ba ang mayroon dito at bakit tayong working class and commuters ay kailangan fortified with Vitamin B1, B6, at B12?
Sa launch ng Nerve Therapy Trip ng Merck, para sa kanilang Neuropathy Awareness Campaign, ay ibinahagi ni Dr. Roy J. Cuison na ang Vitamin B (B1, B6, at B12) gaya ng Neurobion ay may kinalaman sa pagpapainam ng ating energy, sensitivity, at sa ating pakiramdam o pang-intindi sa bagay-bagay. Narito ang detalye:
Kung tutuusin ay dini-deadma na ng marami ang pamamanhid, pakiramdam na tusok-tusok sa kanilang mga daliri, pagiging sensitibo sa sakit, at iba pa. Subalit maaaring ang mga ito ay sintomas na pala ng mas seryosong health problems gaya ng neuropathy o iyong pagkasira na sa mga nerves. Anong mangyayari kapag nagsa-suffer ka na sa neuropathy? Panoorin ang pahayag ni Dr. Cuison:
#NerveTherapyTrip, a Treat for #TrueHeroes
Kaisa sa kanilang Neuropathy Awareness Campaign at WE100‘s vision ay inilunsad ng Merck, also the maker of Sangobion, ang Nerve Therapy Trip. Ang bus trip na ito ay makapagbibigay ng relaxation at lesson tungkol Neuro Motion sa mga pasahero sa loob ng 25 araw, mula Agosto 7, 2017.
Ang Neuro Motion ay mga videos ng exercises na magagawa ng mga millenials, working class, o commuters. Maigi ito hindi lamang para maging feeling fit and fab, kundi para mapangalagaan mismo ang mga nerves habang nakikipagsapalaran sa kalye. Magagawa ito sa bus, train at iba pang pampublikong lugar.
“The people who wake up extra early to commute, and then selflessly pour out all their time and energy just to provide for their families — these people are the True Heroes. To be able to work like this every day without complaint and hesitation is very admirable, more so, deserving of some kind of recognition,” pahayag ni Merck Inc.’s Head of Marketing Ming Arroyo-Cunanan.
Samantala, ang #NerveTherapyTrip ay kinabibilangan ng Neurobion busses (in partnership with RRCG) ay babyahe papunta’t pabalik mula Navotas to Alabang tuwing rush hours. Maganda ma-experience ito dahil bukod sa masisigurong maluwag sa loob ay may iba pang treats ang Merck.