Sa first part ng movie review ko ng Loving in Tandem ay nabanggit ko na ang say ko kay Maymay Entrata, screenplay, at konti about Edward Barber at direk Giselle Andres. So ito na ang ikalawang yugto, kung saan itsi-tsika ko pa ‘yong ibang characters, stars like KissMarc (nina Kisses Delavin at Marco Gallo), at traits ng debut film na ito ng MayWard.
>> part 1 Movie Review of Loving in Tandem
The Dramatic Charm of Edward Barber as Luke
Siguro nakakita na ako ng halos same na angst ng character ni Luke sa ibang films ( ilan ay starring Sam Milby). Pero what makes him someone different is kwela yung family n’ya at ‘di s’ya masyadong nandadamay ng ibang tao sa problema n’ya. Ipinakita (sa trailer pa lang) na if a situation demands him, he’s willing to help ng ibang tao even masasaktan s’ya. So it’s easy nga sa kanya (and to digest na yung character) to welcome someone like Shine to enter in his life. Ang ibang emoterong character (o kahit sa totoong mga emoterong lalaki – yes hugot!!!) ay kailangan pa kasi ng espesyal na babae para sa espesyal nilang mahirap na esplikahin na persona.
Another thing I noticed ay yung genuine smile ni Edward na nagdagdag sa kulay ng pagkatao ni Luke. Parang panalo kapag sumilay na iyon para kay Shine. In fairness din naman kasi ay hindi pinilit na pangitiin, kusang ibinigay nung character. Damang-dama mo iyong sincerity at kung bakit. I wonder tuloy kung what if di si Maymay ang nginingitian, ganun kaya ang smile ni Edward? Dahan-dahan yung pag-form e, tapos abot hanggang mata yung saya ng emosyon (check the trailer – court ang setting).
Sa non-kilig part, mas dama ko ang depth ng acting n’ya dun sa walang masyadong dialogue because of the eyes (Tatlo yun – sa labahan, sa kwarto ni Shine, at lalo nung na-reveal yong koma-koala si Shine sa paa n’ya). Ang effective n’ya lalo na sa “na-reveal” part hindi si Edward ang makikita mo kundi si Luke na galit na galit! Hindi mo maiisip na gagawin n’ya yon sa totoong buhay.
KissMarc and other actors/ characters sa Loving In Tandem
The supportive KissMarc of Kisses Delavin and Marco Gallo. As Jazel na kaibigan ni Shine, naibigay naman ni Kisses ang hinihingi ng kanyang role. Gusto ko sa lahat ng eksena n’ya with Shine / Maymay ay yong sa simbahan at Parlor. In fact, nadala ni Kisses ‘yong nakakaaliw n’yang reaksyon sa mga sitwasyon at matagal na n’yang pagti-train bilang beauty queen. Parang siyang-siya lang din ang nakikita ko kapag hindi si Marco (played Tope) ang kasama n’ya sa eksena.
Kapag magkasama sina Tope at Jazel ay mararamdaman mo ang awkwardness ni Jazel sa panunuyo ni Tope. I think between sa dalawa mas hinihingi talaga ang effort sa character ni Marco. May nakakikilig silang parts pero trip ko pa rin yung sa parlor hehehe. In fairness sa KissMarc at sa characters nila, nakasuporta talaga sila sa lead characters. Walang pagmumulan ng conflict sa pagitan ng 4 .
Bilang Tope- (at like Kisses kay Maymay), mas dama mo rin ang persona (at sincerity nung character) ni Marco sa mga eksenang kasama n’ya si Edward. Kahit yung simpleng papakita n’ya ng cellphone at pag-asikaso ng mga pangangailangan ni Luke parang hindi inarte. Ang paborito kong eksena ni Marco ay nung “nagalit s’ya sa kuwarto” maiksi yung eksena pero nakita yung asar ni Tope.
Bangis ni Ryan Bang, Puso ni Carmi Martin, at alaga ni Thou Reyes. Nabanggit ko na ito sa part 1, pero bukod sa MayWard at KissMarc si Ryan Bang talaga ang isa pang nag-standout. Parang it’s hard not to laugh or ma-notice man lang ang effort niya kahit sa mga simpleng adlib. Sorry di ko mahiwalay o maihambing si Ryan Bang sa kanyang character. It’s my first time din na mapanood s’ya umarte at sa big screen e. Samantala, okay din si Carmi Martin bilang si Nanay Edios. Magaling ang casting department sa pagpili sa kanya kasi kung sa kaseksikhan at aura n’ya ay kapani-paniwalang magka-anak siya ng mga ganoon.
Ketchup Eusebio, Kakai Bautista, at Onyok Bautista. Kung may sequence na pinakanaantig ako ay nandoon sina Kakai, Ketchup, Onyok, at Maymay sabay pasok ni Edward. Nandoon yung rehistro ng pagiging unaware ng tao sa kanyang wrong mindset, may pinaghuhugtan ang talak, at matutulala ka na lang sa inis. Panalo ang acting at role ni Ketchup dito, iyong tipong sarap buhusan ng pera (yung mamiso, mamintsinko, at masampo :P).
Loving in Tandem directed by Giselle Andres
May napanood akong video clip interview kay direk Rory Quintos na sinabi n’ya na trained niya si Giselle Andres at nina direk the late Marilou Diaz-Abaya, at Olive Lamasan. Nakapanood ako ang ilang movies nilang tatlo (isa na roon ang Barcelona) at kahit papaano ay medyo alam ko ang style nila. So kahit bago, medyo may expectation ako kay Direk kasi magagaling at award-winning yung nag-train sa kanya.
Pinaka the best part of her direction siguro is her interpretation of the script. Malinis-linis yung pagkakalatag at naiayon n’ya ang baguhang artista to stick with their characters. Sa teknikal wala naman akong napansin kahit sa editing at continuity. In fairness wala din naman back story scenes so hindi mahirap. Yung cut to cut nga ng mga scenes ay nagamit effectively to show yung sequence ng journey ng relationship nung leads.
Second ay sa Direksyon ng acting. She didn’t allow na ma-overtake nina Maymay at Edward ang screen, kundi pinalitaw niya sina Shine at Luke mula kina Maymay at Edward as much as she can.
Like what I mentioned, mayroon lang problema sa consistency pero hindi naman yun big loophole kasi bumabawi talaga. Katunayan, she’s able to minimize yung common mannerisms ng 4 new stars. Maymay has tendency to move like robot and sway her hands especially when she’s talking/ explaining – halos wala yun. She’s also able to maximize Edward’s eyes to act para bumawi sa struggle nito sa lines.
As for Kisses at Marco, I think she lets them to act naturally or i-blend ang kanilang true self sa kanilang characters. Ganun din naman kay Ryan Bang. Well veteran na sina Thou Reyes, Carmi Martin, Ketchup, at Kakai so tulungan na lang.
Congrats direk sa iyong first full length directorial film, sa MayWard, at sa buong cast at crew. (Clap-clap) mabuhay!