Movie Review: Loving in Tandem starring Maymay Entrata, Edward Barber Part 1 4


Gusto ko talaga na mapanood ang Loving in Tandem (starring Maymay Entrata and Edward Barber a.k.a  MayWard)  kapag  ipinalabas na ito sa sinehan. At nagawa ko pa ito sa first full show sa first day nito sa Fairview Terraces (yun ang kakaiba!).  So ito na ang tsika and no holds bar review ko sa rom-com movie na ito na tinatampukan din nina Kakai Bautista, Ketchup Eusebio, Probinsyano child star Simon “Onyok” Pineda, Carmi Martin, Ryan Bang, Thou Reyes, Marco Gallo, and Kisses Delavin.

Inside the Theater with watchers of Loving in Tandem

Pinili ko na maging observant din sa mga nakasabay ko sa sinehan. Noong napanood ko kasi ang She’s Dating The Gangster ng KathNiel ( Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at Ang Diary ng Panget ng JaDineJames Reid at Nadine Lustre) ay ang nagpa-colorful ng movie time ko ay mga kapwa watchers /fans nila. Sayang di ko nahabol ang  My Ex and Whys ng  LizQuen. Anyway…

Hindi pa ganun karami ang nakasabay ko sa theater (well 12:30pm ang screening so) pero nakakatuwa sila. Kung tama ako ay barkada ng mga bading nang nasa likod ko at ang nasa harapan sa kaliwa ay mga kabataan na nagbibisaya. Parang halos pareho kasi sila ng punto o dyalekto ni Maymay. Doon ko medyo napatunayan iyong observation ko sa posibleng idulot ng Kasikatan ni Maymay lalo na doon sa mga nasa harapan. At I enjoy yung tsikahan ng mga bading lalo na kapag ang nasa screen si Edward. Ang masaya pa noon may times na nagkaroon ng simpleng interaction ang dalawang grupo (partida medyo malayo agwat) dahil nag-agree sila sa kilig ( ni Maymay?) at pareho din silang nagaguwapuhan kay Edward.

Loving in Tandem a film by Giselle Andres starring MayWard

Alam mo sa rami ng romcom movie na napanood ko ay bumibihira na iyong napabilib ako sa daloy ng istorya kasi mas nagiging predictable na. Tipong panonoorin mo na lang kasi sa bida. Well of course may predictable parts pero ako I can say na deserved nito ang Graded B ng Cinema Evaluation Board sa story pa lang at direksyon. True sinasabi sa teaser na this film is also about love for the family and love for yourself that you deserved. Ipinakita rito ang love ay hindi one sided na pang-unawa, pagdepende, at pagwawalang-halaga ng  taong nagmamahal sa iyo. Two times ata ako halos mangiyak-ngiyak sa ilang eksena rito. Gusto ko sabihin san part pero wag na, ayoko magbigay  ng spoiler 😛 so check mo na lang din.

Hindi dragging iyong flow ng story para magpakilig, tapos biglang babanatan ng kadramahan at katatawanan. Sapat! May isa lang part na na-disorient ako, iyon yung sa reason ni Luke  bat s’ya nagalit noong  i-celebrate ang kanyang birthday with catsup effect. I wasn’t expecting na ganun ang dialogue/ reason na bibitawanan n’ya  parang may na edit out na part? Pero isa ang sequence na yun sa pinakanakakaantig na part ng movie.

Maymay Entrata’s portrayal shows above err high-level acting for a new comer

May nabasa ako na need pa raw ni Maymay ng improvement sa acting, wait-wait! I disagree ng slight! Meron siguro sa consistency pero sa mga eksenang  tingin ko na pumasa sa CEB at nagbigay ng punch sa movie (aside sa kilig) ay nandoon o mismong si Shine (character ni Maymay) ang bumida.

Ganito ‘yan e, even if na maganda ang character buildup ni Shine, pero kung ang actor ay hindi nakapag-deliver ay sabaw ang dating. Hindi mo mararamdaman agad yung mensahe ng partikular na mga eksena. Dama mo pa yung pagka-“raw” n’ya pero nandoon na yung oozing talent. Dito papasok ang direksyon ni Giselle Andres at perhaps yun din ipinagpapasalamat ni Maymay sa kanya. Na-enhance na- ang layo sa Ikay nya sa Titig ng Pag-ibig.

Pero oo  there were scenes na awkward pa yung atake ni Maymay at nakikita ko pa yung kung paano n’ya inarte si Ikay (Titig ng Pag-ibig/ Pinoy Big Brother).  Halos lahat ng iyon ay nasa trailer  (sa simbahan, ospital, at mangilan-ngilan sa  parlor). Pero koyah at atih, fantastic yung delivery n’ya sa eksenang hinihingi ang acting prowess n’ya. Like what I mentioned ay two times halos ako mangiyak-ngiyak sa nadama kong hinagpis ni Shine Camantigue at take note, hindi ni Maymay Entrata (that means effective s’ya).

There was a scene also na akala ko ay bato ang reaction ni Maymay samantalang nagda-dialogue na ng matindi si Edward ( Prince Lucas). Pero geez parang bumabuwelta lang pala s’ya tapos nung binuhos ay heartwarming sa puso ang dialogue at pagbitaw n’ya ng emosyon. Malamang kung nasa kwarto  lang ako nun ay humahagulgol na ako.

I wasn’t expecting na ganun na ganun mapapanood ko kay  Maymay. Before kasi ako manood ay ang idea ko ay si Edward ang bahala sa drama, si Maymay sa comedy, at tandem sila sa pakilig.  

Na-meet naman  ni Maymay ang kwela na hinahanap ko (at sana ipagpatuloy n’ya kasi ‘yan ang edge n’ya sa  ibang young actresses. Sa comedy ang katapat n’ya ay ang bangis ni Ryan Bang.  wahahaha! 15 seconds per sequence ata ako tawang-tawa sa kanya especially nung sinampal s’ya ni Nanay Edios (Carmi Martin).

The dramatic charm of Edward Barber

Physically hindi ako nagagwapuhan kay Edward (mas may dating sa akin si Marco Gallo) pero I really like his personality at potential in acting.  Tama s’ya na nasa acting ang kanyang puso kasi sa portrayal n’ya kay Luke sa tingin pa lang ni Edward ay dama mo na yung guilt, galit, asar, lungkot, at iba pa. Kung may times na napapansin ko na struggling pa s’ya sa pag-deliver ng  lines especially sa Tagalog ay bawing-bawi sa mata.

May mga eksena rin na ang nakita ko ay si Aren (Titig ng Pag-ibig) sa kanya at denumero ang tayo, upo, at lakad. Example ay kung itse-check mo ang trailer nung ginising s’ya ni Shine ay umupo s’ya di ba.  Ang gwapo ng upo pose koyah at atih, parang ‘di asar sa nanggising sa kanya. Hehehe. Pero yun the rest, okay sa alright  yung performance lalo na sa kilig moments. Well siempre kilig yung “From now on no one touches Shine, she’s my Jowa) pero mas may gusto ako doon, yung sa ending at saka yung dialogue about USA sa video for the contest.

Sa non-kilig, napabilib n’ya ako lalo sa …  ni Direk sa…ng iba pang cast sa…

Sundan ang part 2 ng Jowa review 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

4 thoughts on “Movie Review: Loving in Tandem starring Maymay Entrata, Edward Barber Part 1