Gusto ko talaga na mapanood ang Loving in Tandem (starring Maymay Entrata and Edward Barber a.k.a MayWard) kapag ipinalabas na ito sa sinehan. At nagawa ko pa ito sa first full show sa first day nito sa Fairview Terraces (yun ang kakaiba!). So ito na ang tsika and no holds bar review ko sa rom-com movie na ito na tinatampukan din nina Kakai Bautista, Ketchup Eusebio, Probinsyano child star Simon “Onyok” Pineda, Carmi Martin, Ryan Bang, Thou Reyes, Marco Gallo, and Kisses Delavin.
Inside the Theater with watchers of Loving in Tandem
Pinili ko na maging observant din sa mga nakasabay ko sa sinehan. Noong napanood ko kasi ang She’s Dating The Gangster ng KathNiel ( Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at Ang Diary ng Panget ng JaDine ( James Reid at Nadine Lustre) ay ang nagpa-colorful ng movie time ko ay mga kapwa watchers /fans nila. Sayang di ko nahabol ang My Ex and Whys ng LizQuen. Anyway…
Hindi pa ganun karami ang nakasabay ko sa theater (well 12:30pm ang screening so) pero nakakatuwa sila. Kung tama ako ay barkada ng mga bading nang nasa likod ko at ang nasa harapan sa kaliwa ay mga kabataan na nagbibisaya. Parang halos pareho kasi sila ng punto o dyalekto ni Maymay. Doon ko medyo napatunayan iyong observation ko sa posibleng idulot ng Kasikatan ni Maymay lalo na doon sa mga nasa harapan. At I enjoy yung tsikahan ng mga bading lalo na kapag ang nasa screen si Edward. Ang masaya pa noon may times na nagkaroon ng simpleng interaction ang dalawang grupo (partida medyo malayo agwat) dahil nag-agree sila sa kilig ( ni Maymay?) at pareho din silang nagaguwapuhan kay Edward.
Loving in Tandem a film by Giselle Andres starring MayWard
Alam mo sa rami ng romcom movie na napanood ko ay bumibihira na iyong napabilib ako sa daloy ng istorya kasi mas nagiging predictable na. Tipong panonoorin mo na lang kasi sa bida. Well of course may predictable parts pero ako I can say na deserved nito ang Graded B ng Cinema Evaluation Board sa story pa lang at direksyon. True sinasabi sa teaser na this film is also about love for the family and love for yourself that you deserved. Ipinakita rito ang love ay hindi one sided na pang-unawa, pagdepende, at pagwawalang-halaga ng taong nagmamahal sa iyo. Two times ata ako halos mangiyak-ngiyak sa ilang eksena rito. Una ‘yong pinaabot ni Shine ang pera sa kuya n’ya at pangalawa ‘yong sabihin n’ya kay Luke na baka ‘pag wala na syang silbi ay hindi na rin s’ya mahalin. Totoo ito friend, minsan ang user-friendly ay hindi ibang tao sa iyo at madalas hindi mo namamalayan na ginaganoon ka na.
In general ay hindi dragging iyong flow ng story para magpakilig, tapos biglang babanatan ng kadramahan at katatawanan. Sapat! May isa lang part na na-disorient ako, iyon ‘yong sa reason ni Luke bat s’ya nagalit (eksena: noong i-celebrate ang kanyang birthday with catsup effect). I wasn’t expecting na ganun ang dialogue/ reason na bibitawanan n’ya parang may na edit out na part? Pero isa ang sequence na ‘yun sa pinakanakakaantig na part ng movie. One of my favorites.
Maymay Entrata’s portrayal shows above err high-level acting for a new comer
May nabasa ako na need pa raw ni Maymay ng improvement sa acting, wait-wait! I disagree ng slight! Meron siguro sa consistency pero sa mga eksenang tingin ko na pumasa sa CEB at nagbigay ng punch sa movie (aside sa kilig) ay nandoon o mismong si Shine (character ni Maymay) ang bumida.
Ganito ‘yan e, even if na maganda ang character buildup ni Shine, pero kung ang actor ay hindi nakapag-deliver ay sabaw ang dating. Hindi mo mararamdaman agad yung mensahe ng partikular na mga eksena. Oo dama ko pa yung pagka-“raw” ni Maymay sa acting pero nandoon na yung oozing talent. Dito papasok ang direksyon ni Giselle Andres at perhaps ‘yon din ipinagpapasalamat ni Maymay sa kanya. Na-enhance na- kung ikukumpara sa Ikay n’ya sa Titig ng Pag-ibig.
Yes, there were scenes na awkward pa ‘yong atake ni Maymay at nakikita ko pa ‘yong kung paano n’ya inarte si Ikay (Titig ng Pag-ibig/ Pinoy Big Brother). Halos lahat ng iyon ay nasa trailer (sa simbahan, ospital, at mangilan-ngilan sa parlor). Pero koyah at atih, fantastic ‘yong delivery n’ya sa eksenang hinihingi ang acting prowess n’ya. Like what I mentioned ay two times halos ako mangiyak-ngiyak sa nadama kong hinagpis ni Shine Camantigue at take note, hindi ni Maymay Entrata (that means effective s’ya).
There was a sequence also na akala ko ay bato ang reaction ni Maymay samantalang nagda-dialogue na ng matindi si Edward o Prince Lucas ( ito ‘yong sa birthday nga ni Luke). Pero geez, parang bumabuwelta lang pala s’ya tapos nung binuhos ay heartwarming sa puso ang dialogue at pagbitaw n’ya ng expression. Malamang kung nasa kwarto lang ako nun ay humahagulgol na ako.
I wasn’t expecting na ganun na ganun mapapanood ko kay Maymay. Before kasi ako manood ay ang idea ko ay si Edward ang bahala sa drama, si Maymay sa comedy, at tandem sila sa pakilig.
Na-meet naman ni Maymay ang kwela na hinahanap ko (at sana ipagpatuloy n’ya kasi ‘yan ang edge n’ya sa ibang young actresses). Sa comedy ang katapat n’ya ay ang bangis ni Ryan Bang. wahahaha! 15 seconds per sequence ata ako tawang-tawa sa kanya especially nung sinampal s’ya ni Nanay Edios (Carmi Martin).
The dramatic charm of Edward Barber
Physically hindi ako nagagwapuhan masyado kay Edward (mas may dating sa akin si Marco Gallo) pero I really like his personality at potential in acting. Tama s’ya na nasa acting ang kanyang puso kasi sa portrayal n’ya kay Luke sa tingin pa lang ni Edward ay dama mo na yung guilt, galit, asar, lungkot, at iba pa. Kung may times na napapansin ko na struggling pa s’ya sa pag-deliver ng lines especially sa Tagalog ay bawing-bawi sa mata.
May mga eksena rin na ang nakita ko ay si Aren (Titig ng Pag-ibig) sa kanya at denumero ang tayo, upo, at lakad. Example ay kung itse-check mo ang trailer nung ginising s’ya ni Shine ay umupo s’ya di ba. Ang gwapo ng upo pose koyah at atih, parang ‘di asar sa nanggising sa kanya. Hehehe. Pero yun the rest, okay sa alright yung performance lalo na sa kilig moments. Well siempre kilig yung “From now on no one touches Shine, she’s my Jowa) pero mas may gusto ako doon, yung sa ending ( yakapan mode) at saka yung dialogue about USA sa video for the contest.
Sa non-kilig, napabilib n’ya ako lalo sa kuma-Koala na si Shine sa paanan n’ya, ni Direk rin sa…ng iba pang cast sa…
Sundan ang part 2 ng Jowa review
I havent seen the movie yet but reading the comments of those who have seen it nakakaproud sina Maymay at Edward. I’ll be watching it today and i can give my own version. Thanks for the beautiful reviews.
Your welcome po! Yes MayWard supporters should be proud of them, for new commers they give impressive performances. You can see na thier forte and other potentials. Sulit ang time at money!
….
Thanks sa review! Tumpak lahat ng points! Same tayo…
Your welcome! Apir tayo as in clap-clap mabuhay!