Anong Mayroon sa Traslacion ng Black Nazarene? Part I


Ang Traslacion ng Poong Jesus Nazareno (Itim na Nazareno) ng Quiapo Church ay napapanood ko lang taon-taon sa TV.  Noong Enero 9, 2018 ay personal ko nang sinubukan na maranasan ito para makasama ang mga deboto at tingnan kung ano ang mangyayari. Ang nagpalakas din naman ng loob ko ay  kasama ko ang pamilya ng kaibigan ko na matagal ng namamanata sa Black Nazarene.

Kailan at Bakit ka naging deboto ng Black Nazarene?

From Nothing to Something. Isa sa mga bff ko si Che na kaklase ko mula grade 8- 10. Nung nalaman ko na namamanata s’ya ay napa-wow ako kasi  bukod sa hindi ko ini-expect, ay  siya ang kauna-unahan at tangi sa mga bff ko ang deboto ng Itim na Nazareno at pumupunta sa Traslacion.  Sa kwento n’ya ay around 2001 ng magsimula s’yang sumama sa kanyang Mama.  Isa  rin daw sa  matinding pagsubok ng kanyang buhay  na may kinalaman sa pag-ibig, pamilya, at kinabukasan noong college ay nilapit n’ya sa Black Nazarene para gabayan s’ya.

Fast forward noong 2018 ay tatlo na ang kanyang anak sa kanyang napangasawang Chinese at mayroong silang mga businesses na pareho nilang sinimulan at napalago.

From Helpless to Generous. Ang mama ni Che na si Tita Hermie at kanyang kapatid na si Tita Del ay mas matagal ng  namamanata sa kanya.  Sabi ni Tita Hermie ay nagsimula pa sa probinsya ng Iloilo ang kanyang pagiging deboto at ang nakikita n’ya raw doon ay Puting Nazareno.  Hirap daw ang buhay nila noong araw at napadpad naman sila sa Maynila (1996-1997) na sakto ay naisip n’ya na magsimba sa Quaipo Church. Doon na n’ya nalaman at sinimulan ang pamamanata (around 1998-1999). Mula rin din noon ay unti-unti ay guminhawa ang kanilang buhay at naisasama n’ya sa kanyang pamamanata ang kanyang mga kapatid at anak. Payo ni  Tita Hermie:

Importante pa rin na may gawin para matupad ang iyong mga kahilingan para matupad. Anya ay may mga hinilang s’ya na natagalan lang at kung ‘di man natupad ay iba naman ang naging kapalit.  Isa pa ay maganda rin daw ang tumulong (“pay it forward’) dahil kung ano ibinigay mo ay makailan beses ang balik.

Taong 2006-2007 ay naranasan nila Tita ang ma-stampede magkagayon man ay tuloy pa rin ang kanilang pamamanata. Mas naging mas maingat na lang pagkatapos noon.

Ano ang Kwentong Traslacion ng Poong Jesus Nazareno mo?

 Hindi ko alam kung nakailan imbita na sa akin si Che pero nito lang ay bigla n’ya ako inaanyayahan ulit.  Sakto na pwede akong makasama kaya nagdesisyon na ako. Kinondisyon ko na rin ang sarili ko na kasing challenging iyon ng kombinasyon ng pagpo-photowalk, pagbi-Visita Iglesia, spelunking sa Elephant Cave (Palawan), at hiking ko sa Mt. Pamitinan ( in-anticipate ko talaga na mapapaakyat ako ng bakod/ poste/ puno hehehe).

Patalastas

Sa grupo namin ay apat ang matagal ng deboto (tita Hermie, Tita Del,  Che at kanyang pinsan na si Alvin) at dalawa ang first time sa Traslacion ( pinsan ni Che na si Grace at ako). Si  Alvin ay sumasampa talaga sa karosa  ng Poong Nazareno at pumunta siya sa lugar na nakayapak lamang.

Bandang ala-7 ng umaga ng umalis kami sa Commonwealth to Panay Area Quezon City.  Medyo kabado na sila Tita at Che kasi medyo tinanghali na kami at traffic pa lang mula sa area namin.  Nagtaxi kami  hanggang Far Eastern University sa Nicanor Reyes Street ( formerly Morayta) at mula doon ay nilakad na namin hanggang  National Museum sa Padre Burgos Avenue. Wala pa kami  sa madalas na  puwesto nina Tita ay dumating na ang Poong Nazareno sa lugar (around 8:20) kaya napatabi na lang kami bigla at pinilit ang makakaya para makita ito.   

Sabi nila ay napaaga  iyon dahil usually ay 12 pm ito napapadaan sa Padre Burgos. Nung dumating si Alvin (mula sa pagkakasampa) sinabi n’ya ay naging mabilis nga ang usad ng  karosa sa area na iyon.  Sabi naman ni Che kapag nagtatagal daw sa isang lugar ang Itim na Poon ay nililinis daw Nito ang kasalanan ng mga tao roon.

Napaiyak si Tita Hermie at karamihan sa grupo ay hindi satisfied pa sa experience kaya nagbalak kami na sundan ang susunod na istasyon nito sa Arlegui o San Sebastian. Madalas daw ay bandang  hapon na dumarating Iyon sa  lugar kaya nananghalian muna kami.  Lagpas 1:30 pm ay nagpahatid kami sa lagpas Nagtahan Bridge at mula sa ilalim noon ay nilakad na namin ang San Sebastian Church sa (Hidalgo Street, Manila).   Tumambay at nagsimba muna kami doon mula 2:30 hanggang around 7pm.  Bawal sa loob ng simbahan kaya lumabas kami at napadpad sa kung saan.

Ang Dungaw!

Sa tagal ng panahon ng pamamanata nina Tita at Che ay kagabi lang daw nila nalaman at na-experience ang Dungaw. Kaya iyon din ang adisyunal colorful experience dahil first time namin ito makita na sakto rin na nasa harapan kami noon Dungaw moment noong naganap  iyon.   Sa panahon ng Dungaw ay inilalabas ang patron ng San Sebastian Parish na si Our Lady Mount Carmel de San Sebastian kapag ang dumaan doon ang Poong Itim na Nazareno.  Sinisimbolo noon daw ang pagkikita ng mag-ina.

Alam mo sa pinaka-shining moment na iyon ay nawalan na memory space ang camera ko, napigtas ang bag ko, at napababa na si Tita Hermie na sinamahan ko na. Gusto ko pa sana bumalik kaso pagkababa na pagkababa namin ay may 3 malalaking lalaki agad ang sumampa.  Hindi na rin naman ako nanghinayang kasi nakita ko sa loob ng San Sebastian ang Mount Carmel ( na first time ko na nakuhaan ng malapitan) at  nakita ko ang pagdating ng Black  Nazarene sa lugar. Take note din na dalawang beses n’ya na akong nadaanan at nadungawan ko sya na parehong hindi nahagip ng aking kamera.

Ang sabi ni Grace, na anak ng namatay na kapatid nina Tita Hemie na namamanata rin, ay napaiyak siya ng ma-witness n’ya ang Dungaw habang hawak ang maliit na Black Nazarene ng kanyang ina. Talagang naalala n’ya raw ang kanyang Mama sa moment na iyon.

Sundan sa Part 2: Mga  Bagay na dapat mo malaman kung gusto mo mag Trasclacion


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Anong Mayroon sa Traslacion ng Black Nazarene? Part I