Bambang Street sa Maynila: Bilihan ng murang medical supplies


Napadpad ulit ako sa Bambang Street corner Rizal Avenue distrito ng Sta. Cruz, Manila dahil sa medical supply na bibilhin namin. Iyon pa lang ang pangalawang beses na nakarating ako. The same reason sa una kong punta—regarding sa medical supply. Ang pinagkaiba lang ay bata pa ko noon at nanay ko ang may bitbit sa akin. This time para naman sa ate ko na may anak na hikain o mahina ang baga.

Bambang Steet, Shopping mecca for medical students and professionals

Dalawa sa mga ate ko ay nasa medical at dental industries, so alin sa kanila ang nagpabili sa nanay ko noon ng medical supply.  Dahil bata pa ay wala akong paki noon sa paligid. Basta ang alam ko ay nagsadya pa kami roon dahil mura at kompleto.

Kung tama ako, nahihirapan na rin alin sa dalawang ate ko na makakita ng hinahanap nilang gamit o supplies. Kaya para sure at sulit, nag-Bambang na kami. (Katono pala ng lugar na ito ang inawit ng 4th Impact sa X Factor.) Noong time na iyon maraming sakay na ang ginawa namin kaya ‘di ko nasaulo. Wala rin akong nakitang kainan ng dambuhalang bubuyog o red hair clown na gahiganteng bota kaya parang lalong boring. Naalala ko pa nga na sa mall sa Recto area na kami kumain. Medyo malayo na yun sa Bambang.

Itong huling punta ko, kasama ng ate ko ay wala pa rin akong nakitang dambuhalang bubuyog o clown na nakahiganteng bota. Pero nagutom na lang din ako noong nasa Quiapo na kami. Medyo malayo na rin sa lugar.

Anyway, sa pag-ikot namin sa Bambang ay mas marami na akong napansing tindahan at iba pang establishments. I realize na napakainam itong bisitahin ng mga estudyante at propesyonal, lalo na siempre na nasa medical and dental fields para makatipid. May nakita ako rito na kahit ng mga klase/ disenyo ng sapatos at uniforms na talagang pang- hospital at clinic.

kuha sa 4 na magkakaibang stores sa Bambang

Paano ko naman napatunayan na mas mura? Kaya kami napadpad doon ay naghahanap kami ng murang nebulizer. Ayon sa mga napagtanungan ng ate ko at sa pinuntahan n’yang leading botika ay between Php 2,000 to Php 3,500. Alam mo magkano ang pagkakabili namin ng nebulizer na hindi pa kami masyadong nakaikot? Tumataginting na Php 700 lamang. May warranty and receipt na ‘yon. Nagtanong din kami na branded nebulizer, mas mura pa rin.

Paano ko naman nasabing kompleto? Well, hindi namin inisa-isa ang bawat store. Hindi rin ako maalam sa lahat ng klase o best-selling medical supplies. Ang alam ko lang na indikasyon ay may pang-BP, oxygen, thermometer, wheelchair, at medicine kit sila. Sa rami din ng medical stores sa paligid at bawat isa ay punong-puno, ang hirap isipin na wala kang mahahanap na supply. Maliban na lang kung para sa ibang course o malayong field ‘yong supply na hinahanap mo. Parang sa ate ko rin, naghanap pa ng parang thermometer na ginagamit sa kitchen. Ay Day! Nganga ang mga tindera.

Patalastas

Paano mag-Bambang, Maynila?

Ang alam ko talaga sa Sta. Cruz ay ‘yong nililigiran namin kapag nagbi-visita Iglesia, Chinese New Year at Photowalk.  Maituturo ko siguro ito ng mas mahusay kung naglakad kami, kaso ang iniiiit!!! May awa pa ako sa ate ko na nagpa-pineapple juice two times a day (pampababa ng ng BP) at sa katawang lupa ko. So… doon tayo sa idea ng commute.

Option 1: Nanggaling kami ng Legarda street (Mendiola). Sumakay kami ng jeep papuntang Avenida/ Divisoria. Sabi dadaan at malapit na iyon sa Bambang. Pagdating namin sa panulukan (corner) ng Recto, pinababa na kami ng driver sa MRT Recto Station. Malayo pa, so sakay kami ng  jeep na pa-Harizon/ Pier (nagtanong na rin kami kung dadaan). Doon sa pinagbabaan sa amin ang nakita ko na street sign ay Oroquieta. Hayon sa corner pa lang noon ay may ilan ng stores ng medical and dental supplies.

Option 2: The easiest way na makapag-Bambang, lalo na kung ‘di ka talaga familiar sa lugar, ay mag-LRT station 1 at bumaba sa Bambang terminal (ika-12) nasa pagitan ng Doroteo Jose at Tayuman terminals.

Mayroong 17 pang terminals ang LRT1 so pili ka na lang saan mas malapit sa iyo sa Baclaran, EDSA, Libertad Gil Puyat, Vito Cruz ,Quirino, Pedro Gil, U.N. Avenue, Central, Carriedo, Doroteo Jose, Tayuman, Blumentritt, Abad Santos, R. Papa Terminal, 5th Avenue, at  Monumento.

May mga lines ng sa MRT at LRT stations na madali mag-transfer pero bihira (unlike sa Hong Kong). Ang alam kong way kapag naka-MRT 3 ka ay baba ka sa Taft Avenue, then ikot ka sa mall doon (Metropolis?) pa- right side para maka-transfer ka sa LRT 1 EDSA Terminal. Mayroon din ata sa transportation links sa LRT Line 2 (from Santolan, Marikina to Recto, Manila) at ‘yon ay sa Doroteo Jose terminal. Ang transfer point ay sa Recto to Doroteo.

Pero in the future daw ay may magiging common interchange station na  raw ang MRT 3 North EDSA ng LRT 1 and 2 at MRT 7. Hopefully, ikasa rin nila ang one transportation card sa anumang train in the future. Tapos, pwede magpa-load kahit sa sari-sari store. Kapag naging congresswoman ako, tsi-tsika ko ito hehehe.

Option 3. Taxi? Grab/uber? Hehehe



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

37 thoughts on “Bambang Street sa Maynila: Bilihan ng murang medical supplies